PROLOGUE

8.1K 246 6
                                    

"PROLOGUE"

"Grimm.... Ano na naman itong nabalitaan ko na nambugbog ka na naman?! Alam mo naman na walang kalaban-laban sa'yo ang mga iyon! Bakit pinatulan mo pa?! Akala ko ba nagtitino ka na at tinitigilan mo na ang pakikipag-away?!" nakataas ang kilay ni Andrey habang nakatingin siya kay Grimm.

Nakababata niya itong kapatid at sadyang pasaway... Palagi nitong sinasabi na magiging mabait ito pero taliwas naman ang pinaggagawa nito. Matangkad ito kumpara sa kanya.. Naka-pony tail ang mahaba nitong kulay-pulang-buhok. Kulay-pula din ang iris ng mga mata nito na nakakatakot titigan. May kalakihan ang katawan nito at maputi ang kulay ng balat.

Samantalang parehong kayumanggi ang kulay ng balat ng mga magulang nila... Wala din itong kamukha sa kanila... Parang hindi nila kadugo.. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang itsura ng kapatid niyang ito kumpara sa kanila... Ganoon pa man, mahal nila ito kahit na kakaiba..

"Hmmmmfff!!... Eh sila naman kasi eh... Kinursunada nila ako eh nanahimik ako.... Hindi ko sila sana papatulan pero mapilit sila... At dahil mabait ako, may mabuting puso... Pinagbigyan ko na lang ang gusto nila... Nakipag-away ako... Hush, wala naman pala silang kuwenta... At dahil naawa ako... Inilublob ko pa silang lahat sa ilog para malinisan ang madudungis nilang katawan.. Ha ha ha ha ha!!!!..."

Galit na sinuntok ni Andrey ang mesa. Napatigil naman sa pagtawa si Grimm at matamang tumitig sa kaharap niya... Napangiwi siya.. Galit na galit ang Kuya niya.

"Hindi pagpapakabait ang ginawa mo! At hindi ka rin naawa sa kanila! Kapag hindi ka pa umayos, isusumbong kita kay Tatay!" galit nitong wika sa kanya..

"H-Huwag!! Huwag ka namang ganyan, Kuya Andrey!!... Promise!... Pag-aaralan ko na talaga kung paano ang totoong pagpapakabait!!!.." tarantang wika ni Grimm..

Kapag isinumbong siya ng Kuya niya sa kanilang Tatay Andy, tiyak na makakatikim siya ng palo de sinturon sa puwet...

Grimm Redshade-ang demon na tumakas sa Hell dahil senentensiyahan siya ng kamatayan ng kanyang creator na si Belphegor-isa sa Seven Prince of Hell... The sin of Sloth. Wala kasi siyang matukso at makuhang kaluluwa ng tao.... At dahil isa siyang failure creation... Nasentensiyahan siya ng kamatayan ng wala sa oras... Pero bago pa mangyari na bitayin siya at itapon sa kumukulong asupre, tumakas siya sa Hell.. At para lalong galitin ang Inferno... Isinumpa niya na magpapakabait siya at gagawa siya ng kabutihan dito sa mundo.. Kokontrahin niya ang kasamaan..

Dito sa mundo ng mga tao, ipinanganak siya at lumaki ng normal... Hindi naman niya sinasadyang mapunta sa pamilyang kinabibilangan niya ngayon... Nagkataon lang na ang nanay Rosa niya ang nagamit niyang daan para makapunta siya sa mundo ng mga tao... May maliit silang bakery at iyon ang pinagkukunan nila ng kabuhayan... Tumutulong silang dalawa ng Kuya niya sa bakery kapag wala sila sa eskuwela...

Kapansin-pansin ang kakaiba niyang itsura kumpara sa mga ito... Ganoon pa man, hindi iyon naging hadlang para hindi siya tanggapin at mahalin ng itinuturing niyang pamilya... Walang kaalam-alam ang mga ito sa totoo niyang pagkatao... Na hindi niya totoong kadugo ang mga ito... At hindi siya tao...

Pero sa totoo lang, masaya siya sa piling nila. Ganoon pala ang pakiramdam ng may nagmamahal at nagmamalasakit sa'yo... Kaya nga kahit paano, pinipilit niyang maging mabait at pinag-aaralan niya kung paano ba talaga iyon?

"Sige na... Hindi kita isusumbong kay Tatay Andy... Basta mangako sa akin na kapag may kumursunada sa'yo, umiwas ka na lang." pukaw ng Kuya niya.

Nawala tuloy ang iniisip niya.

"Talaga, Kuya?! Salamat! Dahil diyan, ako na lang muna ang mangangahoy! Dito ka na lang!" masigla niyang wika.

Nangangahoy siya dahil tradisyunal sa pagluluto ang Lola Epang nila... Anyway, mas masarap naman talaga ang luto sa kahoy at palayok... Ibang-iba ang lasa...

"Hmm... Sige na.. Basta iwasan mo na ang pakikipag-away ah?!" pahabol pa ni Andrey sa kapatid.

Napailing na lang siya ng lumabas na ito...

**************************************

ESCAPE FROM HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon