INTRO

1K 147 70
                                    

To my old readers especially to Skyblue_Shadow03, Junssi, jirehcutisism, binago ko na ang plot nito at nagdesisyon akong gamitin ang pangalawang plot na naisip ko noon. Siguro ay ihahalo ko ang ilang elements sa naunang kwento na nabasa ninyo. Maging ang ilang minor characters ay wala na rin sa version na ito. I hope you will still support this story. Thank you! 💜

- Wintermoonie
(former UN: NorikoTheGhost)

──⊹⊱✫⊰⊹──

Dalawang tao ang tumatakbo sa kagubatan habang mahigpit na hinahawakan ang kanilang dalang armas. Kapwa nakatakip ang mga mukha nila, tanging mata lang ang nakikita at nakasuot sila ng purong itim na damit.

Makulimlim ang langit, nananaig ang kulay gris na mga ulap kaysa sa mga kulay puti, at kahit huni ng ibon o kaluskos ng mga hayop ay hindi mo halos maririnig sa mga sandaling ito.

Nagtago sa likod ng isang malaking bato ang isang dalaga kasama ng isang binata, kapwa sila hingal na hingal mula sa pagtakbo habang pinagmamasdan ang paligid kung may nakasunod bang kalaban.

"Itakas mo ang grupo," utos ng dalaga na syang ikinabigla naman ng binata. "Bumalik kayo sa base at ako na ang bahalang iligaw ang mga kumag na 'to!"

Umiling ang binata sa suhestyon nya. "Alam mong hindi sila papayag na buhay mo ang magiging kapalit para sa kaligtasan nila!" Mariin ang pagtutol nito.

Marahas na tumingin ang dalaga sa kanya. "Fire, I am not asking you as a friend. I am ordering you as your commander. Do as I say!" matigas na sambit nito ngunit ayaw magpatinag ng binata.

Narinig nila na may kumaluskos mula sa hindi kalayuan at alam nilang pareho na anumang oras ay mahuhuli sila ng mga kalaban.

"Rule number one, Tala. No one gets left behind." Paalala ng binatang tinawag nyang Fire bago tinutok ang baril sa likuran ng dalaga at pinaputukan ang lalaking dapat ay babaril dito.

Ngumisi ang dalaga sa ginawang iyon ni Fire. Sya naman ngayon ang tumutok at bumaril sa taong nasa likuran ng binata. Asintado ito at derecho sa utak ang balang pinakawalan nya.

"Golden Rule, Fire. Stay alive!" Sagot nito sa kanya bago tumayo at pinaputukan ang dalawa pang lalaki na nagtatago sa likod ng matataas na punong kahoy. Sumabay naman sa kanya ang kasama nito na syang bumaril sa mga armadong lalaki na nasa likuran ni Tala.

When it comes to battle field, silang dalawa ang laging nasa front line dahil hindi sila natatakot sa bala ng baril ng kanilang mga kaaway, bagkus ay sinasabayan nila ito kaya naman ang tawag sa kanilang dalawa ay "Death Star Duo".

Pinulot nilang dalawa ang mga armas ng kanilang mga napatay at lumisan na. Bago pa man ding mangyari ito ay nagkausap na ang lahat na magkikita sa iisang lugar at doon ang punta nila ngayon - sa bayan ng Fontana, isang maliit na barrio kung saan maraming mga mersenaryo ang nagtitinda ng armas at gamot herbal para sa mga manlalakbay.

Tinignan ni Tala ang relo sa kanyang pulsuhan. "May treinta minutos pa tayo para makarating sa Fontana. Kung sakaling magkagulo, get in the vehicle and..."

Hindi natapos ni Tala ang kanyang sasabihin ng bigla syang hinila ni Fire palayo. Biglang sumabog ang kinatatayuan nila kani-kanina lamang. Hinanap nila kung saan ito nagmula at nakita ang bulto ng isang tao sa itaas ng puno na may kargang missile gun.

Itinaas ni Fire ang kanyang arma at sinalubong ng kanyang bala ang maliit na missile kaya sumabog ito sa kalagitnaan ng hangin. Pinasundan nya ito ng isa pang bala na tumama sa gitnang noo ng lalaki. "Asshole!" bulalas ng binata ng tuluyang mahulog ang kalaban nila mula sa sanga ng puno at wala ng buhay.

"Shit!" bulalas ni Tala ng mapansin nitong unti-unting lumalaki ang apoy sa paligid dahil sa pagpapasabog ng kalaban nila kanina. It started a forest fire. "Umalis na tayo bago tayo matupok ng apoy!"

The RebelsWhere stories live. Discover now