Second Touch

20.2K 486 20
                                    

CHAPTER TWO

NARIRINIG ni Sonja ang boses ni Jared sa labas pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Mukhang sa cellphone ito may kausap. Siya naman ay hinuhugasan ang pinagkainan nila. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nito tinatanong ang pangalan niya. Hindi ba siya mukhang interesting sa paningin nito?

Ano nga ba ang dapat niyang asahan? She's just a one-night stand. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang isiping iyon.

Nang matapos siyang maghugas ng pinggan ay lumabas na rin siya. Nakatayo sa harap ng glass-panelled wall si Jared, sa tabi ng wedding picture nito. Tumila na ang ulan.

She just stood there until he bid good-bye to someone on the other line.

"Uuwi na 'ko," kaswal na sabi niya nang lumingon ito at lumapit sa kanya.

"I almost forgot," anito. "How much?"

Napataas ang kilay niya. Ano ang pinagsasasabi nito?

"How much... what?" naguguluhang tanong niya.

"About last night."

Kumunot ang noo niya. Tinatanong pala nito ang presyo niya. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

"I am not a sex worker."

"Your lack of experience said so."

She almost hissed at him. Ipamukha ba sa kanyang virgin siya? Inirapan lang niya ito.

"What is your name, woman?" tanong nito. May mumunting ngiting sumilay sa mga labi nito.

Funny but it made Sonja's heart skipped a beat.

"Akala ko, hindi mo na 'ko tatanungin. Sonja Sta. Maria, at your service." Inilahad niya ang kanyang kamay. "You are?" Kunwari hindi niya alam.

"Jared James Yap. You can just call me 'Jared'." Tinanggap ni Jared ang kamay niya. Sa halip nga lang na pisilin iyon ay dinala iyon ni Jared sa mga labi nito at hinalikan ang likuran ng kanyang palad.

His eyes didn't leave hers. Napatulala tuloy siya rito. She felt weird... and giddy at the same time. Tila may maliliit na boltahe ng kuryenteng gumapang sa kanyang kamay papunta sa iba't ibang parte ng kanyang katawan sa simpleng pagdantay ng labi nito sa kanyang balat. Kinikilig ba siya sa lagay na iyon? At tama bang kiligin siya sa ka-one-night stand lang niya?

Ang gulo ko rin talaga.

"Hindi ka ba natatakot sa akin, Miss?" tanong nito.

"Bakit naman ako matatakot?"

"I am ugly."

"Dahil sa peklat mo?" Umasim ang mukha niya. "Araw-araw, ang dami kong nakakasalamuhang taong wala namang peklat kagaya mo pero pangit at nakakatakot ang ugali. Ang gwapo mo kaya. Lalo na sa wedding picture mo."

Nakita na naman niya ang sandaling-sandaling pagkatigil ni Jared.

"At mabango ka rin," mabilis na dugtong niya.

"Thanks," he said with a smile. "I'm glad you don't mind. Hindi ako gaanong na-conscious." Kumunot ang noo ni Jared na parang nahihiwagaan. "Weird," anito. "Are we supposed to talk like this?"

Sa halip na tumugon ay umangat ang isang kamay ni Sonja at hinaplos ang peklat ni Jared sa mukha. He flinched but he didn't move away. Hindi rin maintindihan ni Sonja pero parang nama-magnet siya rito kahit noong unang beses niya itong makita.

Who'd have thought?

"Pa'no mo nakuha ang mga 'to?" tanong niya.

Napasinghap siya nang marahas na hulihin ni Jared ang pulsuhan niya at inilayo sa mukha nito. Dumilim ang anyo nito nang para bang merong naalala. Katulad din ng pagkakabanggit niya tungkol sa asawa nito kanina.

Sleeping With The Billionaire [To Be Published under Sweetheart Romances]Where stories live. Discover now