Fourth Touch

17.5K 449 32
                                    

CHAPTER FOUR

"NANDITO na ba 'yong anak mo?" tanong ni Sonja nang makapasok na sila sa condo unit nito.

Pagkatapos nilang maghalikan sa hotel kanina ay niyaya siya ni Jared na umaalis doon. Ipinagpaalam siya nito kay Jeffree. Pumayag naman ang kaibigan niya at base sa mga ngiti nito kanina nang magpaalam siya ay iniisip nitong merong namamagitan sa kanila ni Jared. Hindi pa rin makapaniwala si Sonja na napapayag siya nito. Aaminin niyang na-miss niya ang lugar nito.

"Yes. But don't worry about Jamie. Maagang natutulog 'yon," tugon naman ni Jared.

"Ano'ng iisipin niya kapag nakita niyang may kasamang iba ang daddy niya?"

Kinintalan ng halik ni Jared ang mga labi niya.

"Nothing. My son is a smart kid. Gusto mo siyang makilala?"

"Uhm..." Alanganin siyang tumawa. "Seryoso ka diyan?"

"Why not? Halika na, kailangan mo nang magpalit ng damit."

MALAKAS na napasinghap si Sonja nang bigla siyang yakapin ni Jared sa likuran at halikan siya sa leeg. Nahampas niya ang braso nito at napabungisngis. Nagpapaka-busy siya sa paggawa ng sandwich. Nagugutom si Jared pero sandwich lang daw ang gusto nitong kainin. Suot na naman niya ang T-shirt and boxers nito.

"Ano'ng problema mo, Red?"

Jared rested his face on her shoulder. Nakikiliti tuloy siya ng pagtama ng hininga nito sa kanyang pisngi.

"What did you call me?"

"Red. From Jared. Bakit?"

"No one's ever called me 'Red'. May parents call me 'James' though."

"Ano ba ang tawag sa'yo ng asawa mo?"

Hindi na siya nagtaka nang hindi agad nakasagot si Jared. Tiningnan niya ito at nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"'James' din ang tawag niya sa 'kin. That's why our son was named James Joseph. I would love you to call me 'Red' from now on if that's what you want." Hinalikan siya nito sa pisngi.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Pakiramdam niya, napaka-initimate nila ni Jared dahil hinayaan siya nitong bigyan ito ng palayaw. Parang idinuduyan ang puso niya.

"Let's eat. Ay, 'yong gatas pa pala."

"Ako na ang gagawa para sa'yo."

"Wow."

"RED?"

"Hmm?"

"Bakit mo 'ko dinala rito sa condo mo kung hindi rin naman tayo magse-sex?" Lalong isiniksik ni Sonja ang katawan kay Jared.

Nanonood silang dalawa ng TV sa kwarto nito habang nakahiga. Meron naman silang comforter pero mas gusto niya ang init na nanggagaling sa katawan nito.

Jared chuckled.

"I've been wanting to take you the moment I saw you a while ago at the hotel. I don't know, Sonja. But just holding you like this, I feel so contented."

"Ang sabihin mo, wala ka lang sa mood."

"Sino'ng wala sa mood? Hmm?"

Napahagikhik si Sonja nang daganan siya ni Jared at pinupog ng halik ang kanyang leeg.

"Okay na, tama na! Red!" impit na sabi niya.

Hindi umalis sa pagkakadagan sa kanya si Jared pero patuloy nitong hinalikan ang kanyang pisngi, leeg, at buhok. At sa totoo lang, nakakamanghang ganoon din ang pakiramdam niya. Magkayakap lang sila nito pero parang kontento na si Sonja.

Sleeping With The Billionaire [To Be Published under Sweetheart Romances]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora