Chapter 2

319 11 0
                                    

Olivia's POV

Naglalakad kami sa hallway kasama ko si Tin habang nag-uusap kaming dalawa.

"Pasaway talaga si De Guilano, Via." sambit ni Tin. Napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig. Ano na naman ang ginawa nun?

"Bakit? Ano ang nangyari?"

"Nakipag-away na naman kagabi." Hayy naku! Sinasabi ko na nga ba. Hindi na talaga magbabago yun.

"Ano?!" Sumasakit talaga palagi ang ulo ko sa kanya.

"Sila naman daw nauna rumesbak lang sina Nick kasi may binabastos na babae tinulungan lang nila."

Naiintindihan ko ang ginawa nila kaso paano kung napahamak sila? Eh 'di nadale pa sila.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa lalaking yun.

"Kahit na! naku talagang batang yun."

"Bakit parang concerned ka ata teh?" Pang-aasar nito sa akin pero inirapan ko siya.

"Estudyante ko yun eh malamang mag-alala ako. kamusta naman siya?" Normal lang naman na mag-alala ako di'ba? Kasi estudyante ko siya. No malice.

"Hi, Miss Lyanna and Miss Christine!"

Lumingon kami ni Tin. Nakangiti pa ang mokong, meron siyang pasa sa labi at pisngi.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Napansin niya ata na seryoso ako kaya umayos siya.

"Ano! napaaway lang." Saka ito napakamot sa kilay at umiwas ng tingin sa akin.

"Ano'ng sabi ko sa'yo kahapon? Hindi ka na ba talaga titino?"

"Ma'am! sorry na kasi sila nauna eh. May binabastos silang babae, Ma'am. Nagtanong lang si Marco kung ano ang ginawa nila sa babae pero ano'ng ginawa nila? tinulak nila ang kaibigan namin tss ayun sinapak namin sila" paliwanag niya. Hindi ako nagsalita nanatili lang akong nakatitig sa kanya, yumuko siya.

"Op ako grabe!"

Sinamaan ko ng tingin si Tin.

"Miss, sorry na!"

"Wag mo na ulit gagawin yun. Estudyante kita nag-aalala lang ako."

"Opo! promise." Tipid siyang ngumiti.

Sumabay na siya sa amin sa paglakad dinala niya ang librong dala-dala ko. Nagpaalam na si Tin at pumasok na sa room ng mga Estudyante niya. Napailing ako ng ngumiti siya ng nakakaloko bago pumasok.

Pumasok ako ng room na kasabay si Nick.

"Diyan mo lang ilagay."

Nilagay niya sa mesa ang gamit ko.

Naupo na siya sa upuan niya at nagsimula na akong magturo at nakikinig naman siya ang importante lang naman sa akin tumino siya at mag-aral ng mabuti para naman sa ikabubuti niya kaya nagiging istrikta ako sa kanya.

Nicholas's POV

"Pre! tulala ka" tinapik ako sa balikat ni Marco, kasama niya si Kurt. Mga kaibigan ko silang dalawa.

"Wala. May iniisip lang," uminom ako sa bote na hawak ko. Nasa isang bar kami.

"Sino naman? Si Clary?" Tss! Ni hindi ko yun minahal. Bakit ko yun hahanapin?

"Hindi! Tss! Si Miss Lyanna." Saka ako ngumiti habang pinaglalaruan sa kamay ko ang bote na hawak.

"Ha? Seryoso ka? Eh Teacher mo yun eh!" tumabi sila sa akin at parang interesado sa sinabi ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Tuwing nakikita ko siya buo na ang araw at pag nagtuturo siya damn! Palagi akong nakikinig. Hindi ko ito magawa sa ibang professor sa kanya lang. There's something about her na mapapasunod ka talaga lalo na pag nagseryoso siya.

Lessons And Affair Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ