Chapter 8

191 9 0
                                    

Olivia's POV

"Mahal kita, Ma'am Lyanna!" Nagulat ako sa pag-confess nito sa akin. Hindi ko pa rin maiwasan magsulat tuwing nagco-confess siya sa akin.

It's been a week nung mangyari ang aksidente niya at ngayon ay balik sa pag-aaral na ito. Nagulat pa nga ako kasi baka hindi pa siya magaling. Miss na daw kasi niya ako. Bolero.

"Nick!" Hinawakan pa nito ang kamay ko.

"Please, give me a chance patutunayan ko sa'yo na mahal talaga kita." Halata ang pagsumamo sa boses nito.

Bumuntong hininga ako saka pinisil ang kamay niya.

"Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila, Ma'am! Handa akong ipaglaban ka kahit kanino."

Natatakot ako sa maaring mangyari kapag sinunod ko ang puso ko pero mas natatakot ako sa part na mawawala si Nick sa akin. Nung na-aksidente siya dun ko na-realize na mahalaga siya sa akin. Nagulat ako nung lumuhod ito sa harap ko.

"Nick."

"I love you please! Lahat ng gusto mo gagawin ko at mag-aaral ako ng mabuti just please tanggapin mo lang ako." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko nung makita kong umiiyak na siya.

Hinawakan ko ang ang braso niya at pinatayo siya, nakahawak rin ito sa kamay ko habang nagsusumamo pa rin ang mga mata niya. Bahala na! Ganito siguro talaga kapag nagmamahal.

Hinawakan ko ang pisngi niya saka pinunasan ang luha sa pisngi niya. I can't believe na kayang umiyak ni Nick ng ganito. I know him as a bully and a playboy hindi ko akalain na sa akin pa siya mahuhulog.

"Basta ipangako mo na hindi ka na makikipag-away and please pag pumasok ka wear a decent uniform." Maldita kong saad sa kanya.

Tumango siya at tumango din ako. Puno ng kasiyahan ang ekspresyon nito sa mukha.

"Payag ka na, Ma'am?"

Ngumiti ako.

"Oo, Nick."

Abot tenga na ata ang ngiti niya. Napasuntok ito sa hangin.

"Yes yes!!"

"Pero Nick sana sekreto lang natin ito. Ayokong malaman ng iba yung tungkol sa ating dalawa. Hindi sa ikinakahiya kita ang iniisip ko lang ay yung pinaghirapan ko at ikaw mismo."

Niyakap niya ako.

"Kung yun ang gusto mo, Ma'am."

"Salamat! Maging mabuting mag-aaral ka na dapat ha." Ngumiti siya saka dinampian ng halik ang noo ko.

"Oo, Ma'am pangako yan."

"Tara na baka may makakita pa sa atin dito."

Kinuha niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya at hinawakan ang kamay ko saka sabay na kaming lumakad.

Someone's POV

Kinuyom ko ang kamao ko sa nakita ko. Hindi pwede ito akin ka lang Olivia hindi ka pwedeng mapunta sa iba hindi ako papayag. humanda ka sa akin De Guilano malalaman ng lahat ang sekreto niyo! Akin lang siya, akin lang! Sinabunutan ko ang buhok ko at nanlilisik ang mata na nakatitig sa kanila. Kinuha ko ang cp ko at may tinawagan.

"Hello, Who's this?"

"Hello, Mrs. De Guilano."

Tama kayo, Ina ni Nick ang tinawagan ko para ipaalalam sa kanya ang lahat.

"Yes? May i know who you are?"

"I'm *******"

"I see. So, What's the problem? Why did you call?"

"I want to inform you about your son and his teacher."

"What?!"

Bakas ang galit sa tinig nito. Napangisi ako.

"They're having an affair."

"Are you kidding me? My son won't do that."

"Nagawa niya na."

"Ok! Thank you for the information."

Binaba ko na ang cp ko at ngumisi. Hindi kayo magiging masaya.

Nick's POV

"Ma, Bakit?"

Pagpasok ko ng mansyon naabutan ko si Mama na nakaupo sa couch. Nagulat pa ako kasi parang inaabangan niya talaga ako.

"Is it true?"

"About what?" Naguguluhan ako sa inaakto niya.

"That you're having an affair with your teacher?"

Nabigla ako. Paano nalaman ni mama? Fvck! Sino ang nagsumbong sa kanya?

"So, it's true!?" Gaya ng pangako ko kay Lyanna ipaglalaban ko siya kahit kay Mama pa

"Ma, I love her!"

"That's insane, Nicholas Alfonso!"

"No, ma! I love her! Wala akong pakialam kung guro ko siya."

Nakaramdam ako ng sakit sa pisngi nang sinampal niya ako. Napahaplos ako sa pisngi ko at galit na tumitig sa kanya.

"Hindi kita pinalaki para magkaganyan. You're such an immoral na pati teacher mo pinatos mo!"

"Wala akong pakialam sa sasabihin niyo o ng ibang tao! I love her and no one can break us apart not even you!"

Tumalikod ako at lumakad.

"Hindi mo magugustuhan pag nagalit ako, Alfonso!"

"The hell I care!"

"Alfonso, come back here!"

Hindi ko siya pinansin deretso lang ako sa paglabas. Mahal ko si Mama pero oras na makialam siya sa amin ni Lyanna tatalikuran ko siya. Ngayon ko lang naramdaman maging masaya ng ganito tapos ipagkakait niya pa.

Pinuntahan ko si Ma'am Lyanna syempre bumili muna ako ng bulaklak.

"Nick." Halatang nagulat siya sa biglaan kong pagbisita sa kanya.

Ngumiti ako napatingin siya sa pisngi ko napansin niya sigurong namumula yun.

"Ano'ng nangyari, Nick?" Halata ang pag-aalala sa boses niya.

"Wala to ma'am para sayo nga pala, ma'am." Binigay ko sa kanya ang bulaklak.

"Salamat!" Inamoy niya pa yun saka ngumiti. Damn! I'm fvcking smitten.

"Hi, pogi."

Napatingin ako sa likod ni ma'am yung bakla niyang kaibigan.

"Hello po! Magandang gabi."

"Ayyiieeh!"

Ngumiti ako.

"Pasok ka, Nick."

Pumasok ako.

"Ano gusto mo? Juice o soft drinks?"

"Ikaw." At ngumisi sa kanya.

Namula siya at natawa si bakla.

"Sweet mo, pogi. Alagaan mo si pinsan ha!"

"Oo naman mahal ko siya eh."

Pumunta si Lyanna sa kusina naiwan kami ni bakla este Xavier pala.

"Akala ko noon sila na ni Isaac ang magkakatuluyan." Panimula nito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Isaac?"

"Ex niya. Nag-tagal sila pero nag-loko ang gago."

"Ano?!"

"Hindi niya nasabi sayo?"

"Hindi." May ex siya?

"Teacher din si Isaac kaso sa ibang school. Naka-affair niya yung isa niyang estudyante habang sila ni Via."

"Gago yun ah!" Kinuyom ko ang kamao ko.

"Yun nga sana wag mo ng saktan si pinsan."

"Hindi pangako. Ipaglalaban ko siya."

Hindi ko bibitawan si Lyanna ano man ang mangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon