Chapter 5

254 8 0
                                    

Olivia's POV

"Gusto ko lang naman sagutin mo na ako at maging tayo pero hindi mo ako pinagbigyan masakit sa ego ko yun." Hindi ko naman pwedeng pilitin na magustuhan siya at masasakal lang ako dun if ever.

Papauwi na sana ako nung hinarangan niya ako. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya para magkaganito siya. He looks so wasted too at mukhang nakainom.

"Lucas, sorry pero wala talaga akong nadarama para sa'yo." Nakakaramdam na ako ng takot sa kanya dahil sa klase ng tingin niya.

"At kanino ka magkakagusto? Sa gago mong estudyante?" Ang kapal ng mukha!

"Wag mong tawaging gago si Nicholas. Mas matino siya kesa sa'yo." Nakita ko ang pagkuyom nito ng kamao saka galit na tumingin sa akin.

"Ah ganun ha! Halika dito ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kasama."

Hinila niya ako at pinasakay sa kotse niya. Gusto kong lumaban pero malakas siya.

"Lucas, ano ba!" Pinaharurot niya ang kotse niya.

"Kung hindi ka lang din naman magiging akin uunahan ko na sayo ang Nicholas na yun!"

"Lucas, tigilan mo na 'to!" Nahihintakutan na saad ko. I'm praying silently na sana may magligtas sa akin mula sa gagong ito!

"Hell no! Tapos ano? Hahayaan ko lang na maging masaya kayo?"

Mas naging matulin ang pagmamaneho niya dahilan para mas lalo akong matakot.

*Bzzt*

Tiningnan ko ang cp ko si Nicholas tumatawag sasagutin ko na sana ngunit inagaw yun ni Lucas at tinapon sa labas.

"Lucas, parang awa mo na! Itigil mo na ang kotse!" nakadama na ako ng kaba at takot sa maaring mangyari.

Ibang-iba siya sa Lucas na nakilala ko mabangis na lucas ang nakikita ko ngayon puno ng panganib at hindi ako nagkamali sa hinala ko sa kanya, nasa loob nga ang kulo niya.

Hininto niya ang kotse sa harap ng lumang bahay, halatang wala ng tao maging sa paligid puro kakahuyan. Saan niya ako dinala?

"Halika dito kahit sumigaw ka pa walang makakarinig sa'yo dito."

Natakot ako lalo na ng hinila niya na ako papasok. Diyos ko! iligtas niyo ako.

3rd person POV

Linggid sa kaalaman ni Lucas nakasunod pala sa kanila si Nicholas pupuntahan sana nito ang guro ng makitang sapilitang pinasok nito sa kotse si Olivia kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundan ang kotse nito.

"Hayop ka, Lucas! Saan mo dadalhin si Lyanna."

Nagtagis ang bagang ng binata at napahigpit ang hawak sa manibela.
Hininto niya ang kotse 'di kalayuan sa dating bahay nina lucas malapit sa gubat yun at hindi matao wala ka talagang maasahang tulong oras na mapahamak ka.

Dahan dahan siyang pumunta ng bahay nito at nagmatyag nang makarinig siya ng sigaw dun na siya naging naalerto, agad niyang pinuntahan ang pinangalingan ng sigaw at sumiklab ang galit ng binata nang makitang nasa ibabaw ng guro niya si Lucas sa galit hindi na niya naiisip ang maaring mangyari.

"Hayop ka!"

Marahas niyang hinila ang damit ng lalaki at ubod lakas na sinapak ito sa mukha.

"Tangina mong g*go ka!"

Sinipa niya si Lucas sa sikmura at walang habas na sinuntok ito. Nang mapagod tumayo siya at nilapitan niya ang guro at nag-alala na hinubad niya ang jacket saka pinasuot dito.

"Miss, ok lang ba kayo? May ginawa ba siya sa'yo?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya.

Sasagot na sana si Olivia nang makitang nasa likod na ng binata si Lucas.

Lessons And Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon