Chapter 47: Betrayal

127K 2.2K 262
                                    


Geneva's POV

Ang init. Wala man lang aircon dito sa NSO. Apat na oras na akong naghihintay rito. Napapagod na akong magpaypay gamit ang papel. Pag ako talaga naging pangulo ng Pilipinas pati sa kalsada ipapa-aircon ko.

"May mas iinit pa ba rito?" reklamo ko sabay paypay nang mas malakas.

"Nakaiinis nga. Wala man lang madaming electric fan. Ang tagal-tagal pa nila. Kanina pa ako nandito kaaantay," reklamo rin ng katabi ko. Nilingon ko siya saka tumingin din pala sa akin si ate.

"Ano po ang ire-request niyo?" tanong ko.

"Ah yung birth certificate ng anak ko. Mag-aaral na kasi ng high school kaya kailangan 'yon para makapag-enroll. Ikaw, hija?"

"Marriage certificate po."

"Kasal ka na pala?" Tumango ako. "Hindi halata. Ang ganda-ganda mo pa at mukhang dalaga pa."

"Salamat ho. Kayo rin naman, ang ganda."

Umiling siya. "Hindi, 'no. Sa apat na anak ko, hindi na nakagugulat na mukha na akong matanda. Ikaw tingnan mo ang bata pa at walang maipipintas. Siguro mayaman ang asawa mo kaya alagang-alaga ka?"

Ngumiti ako. "Hindi naman po. May magandang trabaho lang sapat para sa pang-araw-araw namin."

Ayoko namang sabihin na mayaman nga. Kasi naman baka marinig ng iba. Mamaya may bigla na lang mang-kidnap sa 'kin dito. Saka hindi ko gustong isipin na mayaman si Ralph. Para sa 'kin, simple lang siya. Ordinaryo lang siya gaya ko.

"Gano'n ba. Pogi siguro ang asawa mo, 'no? Ang ganda mo kasi tiyak na gwapo rin 'yon."

Umiling ako. "Nako, pangit po 'yon. Ako na ang nagsasabi sa inyo. Pinaglihi ho 'yon dati sa sama ng loob pero ngayon mukhang pinaglihi na siya sa linta."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nakatutuwa ka, hija. Mukhang masaya ang samahan niyong dalawa. May anak na ba kayong dalawa?"

"Opo. Isa pa lang," sabi ko. Tumango naman siya saka nagtanong kung anong edad at kung lalaki o babae ba na sinagot ko naman.

"Geneva Alarcon."

Napatigil ako sa pagpapaypay nung tinawag na ang pangalan ko. Nagpaalam na rin ako kay ate, yung kausap ko. Nagpasalamat din naman siya sa akin dahil sa may kausap siya ng ilang sandali.

Bigla akong kinabahan habang naglalakad ako palapit sa window kung saan ako tinawag.

"Ako po si Geneva Alarcon," sabi ko.

'Yon kasi ang ginamit ko dahil ang mga ID ko puro Alarcon ang apelyido. Wala ni isang Tan na nakalagay kaya 'yon pa rin ang ginamit ko.

Kinabahan ako kanina dahil do'n pa lang sa ID ay parang may clue na. Mas lalo akong kinabahan ngayon dahil malalaman ko na ang totoo. Kung isa ba talaga akong Tan.

"Miss Alarcon, nag-request po kayo ng marriage certificate, 'di ba?"

"Opo," napalunok akong sumagot.

May tiningnan siya sa computer at agad na tumingin sa akin. "Nakalagay rito na walang kasal na nakarehistro sa pangalang Geneva Alarcon at Ralph Tan."

Nanigas ang katawan ko sa narinig. Alam kong posibleng totoo ang sinabi ni Mel pero mas masakit pala pag may proweba na talaga. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"S-Sigurado po ba kayo? I-refresh niyo pa po."

"Nagawa ko na, miss."

"Refresh niyo pa po ulit. Baka kailangan ng ilang beses bago mag-appear."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon