Dribble # 32

20.8K 525 41
                                    

Naalimpungatan ako dahil may mga naririnig akong bulungan.

"Gising na sya." ani ng isang boses at agad akong nagmulat ng mga mata. Nasa ospital pa din ako. Nakita ko ang tropa na nakatingin sa akin. Tiningnan ko ang kama,tumatawa si Khymer dahil parang may sinabi si Brix.

Kumirot ang dibdib ko na naman. Kailangan ko na sigurong harapin talaga at magsimula sa umpisa,pati na din ang maghintay kung kailan babalik ang alaala nya.

"Kamusta na teh?" ani Jolikor.

"Sabihin mo nga,may sakit ka ba?" dagdag naman ni Jawo.

"Wala. Im okay. Ayos lang ako." sagot ko pero kay Khymer pa din ako nakatingin. Umayos ako ng upo,lap pala ni Kayt ang natulugan ko sa sofa.

"Sigurado ka?" ani naman ni Chivan. Nakatitig sa akin si Chammy at Shaye.

"Na overfatigue lang sya dahil walang pahinga at tamang tulog." ang sabi ni Kayt at tiningnan ako.

"Galing kami sa school clinic kanina kaya alam namin." ang sabi ni Rei na nag aalala akong tiningnan.

"Bakit ba ako ang pinag uusapan nyo?" inis kong sabi na ikinagulat nila. Pati sina Khymer at Brix ay napatingin. Hindi ko na talaga siguro kinakaya.

"Magpahinga ka mun kaya." ani Shaye. Hindi ko sya sinagot dahil iniisip ko kung nasaan sina Kheeth at mga magulang nila.

Huminga ako ng malalim. Nagsisi ako sa pag sigaw ko. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng private room.

Nagugulat at napapatingin sa akin ang lahat ng mga nakakasalubong ko. Pakiramdam ko,lahat ng paghihirap ko sa pag iibigan namin ni Khymer ay nabalewala na lang bigla.

Napunta ako sa garden ng ospital. Hingal na hingal ako at nananakit na naman ang dibdib ko. This overfatigue is gonna kill me.

Naupo ako sa isang sementadong bench. Nakayuko lang ako,kaya ng may tumabi ay hindi ko ito pinansin.

"Sumusuko ka na ba?" boses iyon ni Chandler kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi. Hindi ako susuko. Nasasaktan lang ako sa nangyari. Parang naglaho lahat ng pinaghirapan ko."

"Tama yan. Huwag kang sumuko. Alam kong matapang ka. Kinaya mo nga lahat ng pagsubok eh. Ngayon ka pa ba bibitaw? Amnesia lang naman yan." ani Chandler. Ngayon lang ulit kami nakapag usap ng ganito dahil masyado akong nagpaka busy sa sarili kong buhay pag ibig,hindi ko na nabibigyang pansin ang ibang tao.

"Hinding hindi ko sya isusuko. May pinangako sya sa akin. At saka hindi lang amnesia ang makakagiba sa akin. Pero naguguluhan pa talaga ako." ang pag amin ko. "Maghihintay ako,hihintayin kong bumalik ang mga nawala nyang alaala."

Tiningnan ako ni Chandler at nginitian. "Bakit ka maghihintay kung pwede ka namang paraan? Kung noon ay nagpanggap ka,bakit hindi mo itama ngayon,ipakita at iparamdam mo sa kanya kung anong dahilan at nagmamahalan kayo. Its your chance,Meekz."

Napangiti ako. Tama sya,bakit nga ba ako maghihintay kung may magagawa naman ako?

Bumalik kami sa private room na determinado na ako. Hindi na ako magpapadala sa kalungkutan baka ikamatay ko pa ito.

"Uhm,guys. Uuwi na muna ako." ang paalam ko sa kanila. Sayang wala dito si Kheet pati sina Tito at Tita.

"Sabay na ako." ang halos sabay na sabi nina Kayt at Rei. Oo nga pala,sila kasama ko pagpunta dito kanina.

"Sige." pagsang ayon ko. Nagbeso sina Shaye,Chammy at Jolikor. Samantalang niyakap naman ako nina Jawo,Chivan at Brix. "Uhm,Tol. Una na ako ah?" pagbaling ko kay Khymer,naiiyak na naman ako pero kailangan kong pigilan.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon