Dribol eyt :3

18.7K 422 40
                                    

Kitang kita ko kung paano umigting ang bagang ni Khymer,kinuyom nya ang kanyang mga kamao,mabilis syang naglakad palapit sa amin ni Eirige.

Napaka bilis ng pangyayari. Sumalampak ako sa sahig sa lakas ng suntok ni Khymer. Ako ang tinamaan dahil mabilis kong ihinarang ang aking sarili.

"Meekz!" agad akong dinaluhan ni Eirige kahit kapwa pa kami hubo't hubad. Ayoko syang madamay,ako naman ang may gusto nito. Mabilis na nag unahan ang mga luha ko,nalasahan ko ang dugo sa labi ko,napahawak ako sa dibdib ko dahil kumirot na ito.

"Masakit diba? Ganyan din naramdaman ko ng marinig at makita ko ang video." ani ko at tiningnan si Khymer na nagulat dahil ako ang tinamaan nya.

"Magpapaliwanag ako." ani Khymer at itatayo sana ako pero itinulak ko sya.

"Tama na! Nagsinungaling ka! Marami kang oras para magsabi pero hindi mo ginawa! Ngayon nakipag sex ako sa pinsan mo,masakit diba?" ani ko at humagulhol. Iniabot ni Eirige ang mga damit ko.

"Mickey.. Hayaan mo akong magpaliwanag." ang nagmamaka awa nyang sabi. Tumayo ako at isinuot isa isa ang mga damit ko. "Bakit pinsan ko pa?"

"Huwag mo syang idamay. Ako ang may gusto nito." sabi ko ng makapag bihis. "Ang sakit sakit. Nagawa mo akong lokohin! Kwits na tayo!"

"Ayusin natin ito. Kalimutan nating may mga nangyari." aniya pero umiling ako.

"Sobra kitang mahal. At ikamamatay ko ang pagmamahal ko sayo." at pinunasan ko ang mga luha ko. Ayoko sanang ako ang tumuldok sa relasyon namin,pero kasi sobrang sakit na.

"Oh. Wala naman palang problema eh. Mukhang sya na ang puputol sa relasyon nyo." napatingin kami sa nagsalita.

Si Nova. Nasa pintuan at nakahalukipkip.

"Stay out of this,Nova. Pabayaan mo sila." ang pagsingit ni Eirige.

"And why? May nangyari sa amin,so kami na. At alam na ito ng mga magulang namin. Kaya nga kami umuwi para ipaalam ito sa lahat at para makipag break na si Khymer kay Mickey. Huwag kang magsalita na parang ang bait mo Eirige,dahil pati jowa ng pinsan mo pinatos mo." taas kilay na sagot ni Nova.

Namutla si Khymer kaya tiningnan ko siya. "T-totoo ba?"

Yumuko sya. Napahagulhol na ako. I was expecting na kahit dito sa pagkakataong ito ay isalba nya ang relasyon namin,tulad ng sinasabi nya kanina daw na aayusin daw namin ito.

"G-girlfriend ko na si Nova." nakayukong sabi ni Khymer.

"I can't believe this." bulalas ni Eirige.

"Salamat at nagpakatotoo ka. Gusto ko lang malaman mo na walang kasing sakit itong ginawa mo. Hinding hindi na mawawala ang sakit na ginawa mo." at muli kong pinunasan ang mga luha ko.

Parang sasabog na ang dibdib ko. Nagsisimula nang mahirapan ako sa paghinga. Dito din pala patungo ang lahat ng ito,sa isang paghihiwalay.

"Pero nakipag sex ka kay Eirige,ang sakit nun,Mickey."

"Dahil ayoko ng magmukhang kawawa! Pagod na akong umiyak at maging mahina! Pero wala din namang saysay kung nakipag sex ako kay Eirige! Dahil kayo na pala ni Nova!"

"Oh crap. Stop the drama!" ani Nova. Mabilis ko syang tiningnan ng masama. Naglakad ako palapit sa kanya,halata sa mukha nya na kinabahan sya.

"Ngayon lang ako papatol sa babae." sabi ko,hinablot ko ang braso nya at ang buong lakas kong hinagis palapit sa kama. "Nakaharang ka sa dadaanan ko!"

"I will sue you! Magsisisi ka!" nakasalampak na sigaw ni Nova. Itinayo sya ni Eirige pero itinulak nya ito.

"Gawin mo gusto mo. Gawin nyo gusto nyo!" at tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now