EPILOGUE :3

29.2K 747 231
                                    

"Give that to me! You jerk!" dinig kong sigaw ni Cassian sa labas kaya napatayo ako.

Ano na namang pinag aagawan ng mga batang iyon?

Sumilip ako sa pinto,at nakita ko sila sa bakuran,nagkaka initan,mga away bata.

"What if I dont?" sagot ni Sydd.

"Give it to him or I'll punch your ugly face!" ang pagsabat naman ni Mykee.

"Kids?! Ano na naman yan? May pupuntahan pa tayo. Huwag kayong mag away!" sita ko sa mga ito. "Pabalik na mga parents nyo,at ikaw Cassian,dito ka!"

"Papu! Ayaw ibigay ni Sydd ang toy ko!" sumbong ng anak namin ni Khymer na si Cassian,he's five years old.

"Okay lang yan,padating na si Uncle Tooya,baka may pasalubong yon sayo." sabi ko at ginulo ang buhok nito. Agad itong nagpout,kamukhang kamukha tuloy ni Khymer.

"Here's your toy and Im sorry,gusto ko lang naman pansinin mo ako." ani Sydd,ang five years old ding anak ni Eirige,napangiti ako at ginulo din ang buhok nito.

"We can be friends,tayong tatlo ng walang away,diba Ninong?" pagsingit ni Mykee,6 years old na sya at kamukhang kamukha ni Brix.

"Tama,dun na kayo sa playroom,tawagin ko kayo pag dumating na sila."

Nag unahan ang mga itong pumasok sa loob ng bahay. Iniwan sila sa akin kanina ng mga tatay nila para sunduin ang kani kanilang mga asawa.

Pumasok na din ako sa loob ng bahay. Naupo sa sofa at napaisip.

Limang taon na ang nakakaraan. Pagkatapos ng mga kaganapan sa Nasugbu noon ay lalo akong nanghina. Dahil gusto ko pa silang makasama ay pumayag ako sa heart transplant. Naging kumplikado iyon at tumigil daw ang tibok ng puso ko pero after 5 seconds bumalik ulit. Kaya ayon,nagpatuloy ang buhay namin.

Pumunta kami ng Baguio,nagpakasal kami ni Khymer,hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Akala ko family outing lang with tropa,pero kasal pala. Pinagsasapak ko pa nun si Khymer dahil sobrang nagulat talaga ako.

One month after ng kasal ay lumipad sya papuntang Canada para mag under go sa isang Surrogacy,then bumalik sya ng pinas. After 9 months magka sama kaming lumipad papuntang Canada para kuhain ang bata. Medyo naawa ako dun sa ina,pero sabi nito trabaho nya yun at sanay na sya,pero sana daw balang araw ay ipakilala namin sa kanya ang bata.

Lagi din sa bahay sina Brix at Zoey kaya naging malapit kami lalo. Pero isang araw nagulat kami dumating si Eirige kasama sina Kheeth at Keyk na may dalang baby. Anak daw ni Eirige sa naka one night stand nya at ayaw itong akuin ng ina.

Lumaking magkakasama ang mga bata pero laging kaaway nila si Sydd,gaya ng tatay nya eh gangster ang attitude.

Si Kayt? Ayon,busy sa asawa nya na ngayong taon lang nabuntis kaya hindi sya masyadong nakakasama sa amin. Tulad nga ngayon may lakad kami at absent sya.

Sa tropa naman ay ang laki ng pinagbago,lahat sila sobrang successful na,at lahat sila ay mga ninong at ninang nina Cassian at Mykee.

Si kuya Tooya may asawa na din,ang saya ko para sa kanya,biruin mo,yung matagal ng may crush sa kanya nung elementary sila ang napangasawa nya,at binayayaan sila ng kambal,lalaki at babae.

Kung tatanungin nyo kung saan ang lakad namin ngayon? Dyan lang sa tabi-tabi! Haha chos lang! Pupunta kami sa Boracay,nauna na dun ang parents nina Khymer at Kheet,pati sina Mama at Papa at Mama Amelia. Si Kheeth daw susunod sila ni Keyk bukas,kung nasaan ngayon ang dalawang iyon ay wala akong idea.

"Nandito na kami! Umarkila na lang kami ng Van para hindi na tayo mag iiwan ng sasakyan sa airport." biglang sabi ng kakapasok pa lang na si Khymer.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now