Chapter 2

58 6 0
                                    

Shyna

"Ngayong akala ni Nina at ng mga kaibigan mong tayo na, di na tayo pwedeng umatras paniguradong bukas lang ay kalat na to sa classroom." Seryosong seryoso na sabi ni Marck at mukhang problemado pa siya.

"Sino bang nagsabi na aatras ako?" Ngiting ngiti kong sagot sakanya.
Napatulala na lang siya sakin at napa-iling pagkatapos.

"Look, let's be serious okay? We need to have an agreement and i-paalam natin to sa pinsan mo dahil baka patayin ako nun." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Teka hindi pwede! Papagalitan ako nun kapag sinabi mong pinilit kitang gawin akong rebound baka pagalitan nya ko tapos isumbong pa ako kila papa." Pigil ko sakanya.

"Ako naman ang papatayin ng pinsan mo, and no we'll just pretend." Nakakunot ang noong sabi niya.

"Ah basta! Sige na please? Please? Please?" Sana gumana sana gumana.

"Fine!"

"Yey! Thanks boyfie! Hahaha"

"Tss"

"So...what's the plan?"

"Let's just pretend na mag girlfriend-boyfriend tayo sa harap nila for 2 weeks." Bagot niyang sabi.

"Aba hindi lang ako magmumukhang kawawa nun! Issue dito issue doon ang mangyayari tsaka magmumukha kang loser sa harap nila noh at iisipin nang lahat na rebound mo lang ako, edi nadali? Kaya I'll be your rebound girlfriend, that means we'll be in a relationship for real." Nakakaloka tong Marck na to ketali-talino pero pagdating sa bagay na ganito napaka ewan.

"What?" Parang hindi lalake naku mas marunong pa yata akong manligaw kaysa sakanya. Pasalamat ka at mahal kita.

Kahit hindi mo ako mahal.

"Sakto August 1 ngayon, let's be in a relationship until December bago mag Christmas vacation. Feeling ko naman makakalimutan mo na ang feelings mo kay Nina after 4 months at hindi na nila tayo paghihinalaan." Shempre patagalin natin chance ko na to aba wag ng pakawalan pa hahahaha. "Pwede rin naman nating i-extend hanggang March kung gusto mo hehe."

Napairap siya dahil sa huling sinabi ko, parang bakla naman to halikan ko kaya? Para maging tunay na lalake hihihi.

"What about after the vacation? The cause of our break up?"

"Grabe ha? Iniisip mo na talaga agad yun?"

"Of course." He smirked.

"Well, sabihin na lang natin na di tayo nagkasundo laging nag aaway that's why we decided to end it." Nakasimangot kong sagot sa tanong niya.

"Okay, deal."

"Deal? Hanggang March?" Gulat kong tanong.

"No. Hanggang December." Nakakunot-noo niyang sagot.

"Ay sayang akala ko makakalusot."

"Tss. Tara na, baka sitahin na tayo ng guard dahil tayong dalawa na lang dito baka ano pang isipin nila." Uwian na kasi at kami na lang ang nasa loob ng classroom, wala na ring gaanong mga estudyante sa mga katabi naming classroom.

Akmang lalabas na siya ng room nang pigilan ko siya. "Bakit?" Magkahalong inis at pagtataka niyang tanong, badtrip talaga ngayong araw itong boyfriend ko kaya kanina pa nagsusungit. Feel na feel.

"HHWW?" request ko sakanya habang nakangiti ng abot langit.

Napairap nanaman siya sa ere bago niya hawakan yung kamay ko at hinila na palabas ng classroom.

"Teka yung bag ko." Iniangat niya yung right hand nya para ipakita sakin yung bag ko, na hawak-hawak na pala niya, na lalong nagpangiti sa akin. Sweet.

Rebound VolunteerWhere stories live. Discover now