Chapter 23

19 3 0
                                    

Shyna

"Wow naman Shyna, kahit pala broken ka nakakapag aral parin ng maayos."

"Sana all"

"Sana all broken?" Nakataas ang isang kilay kong tanong kay Jona na ikinatawa naman ng iba.

"Sana all kayang mag maintain ng top, di pa kasi ako tapos eh." Nakasimangot na sagot niya na ikinatawa naman naming lahat.

"How to be you po Miss Ramirez?"

"How to be you ba talaga Ken or How to be yours?" Biro ni Gio na ikinatawa nang buong klase.

"Porket single na ulit pumaparaan ka na dyan ha." Sabi pa nang iilan sa mga kaklase namin.

Yes, kalat na sa classroom na break na daw kami ni Marck. Dahil raw sa pag iiwasan namin, kahit na ni-isa sa amin at sa mga kaibigan namin ay walang nagsalita para rito.

Deal lang naman yung naging relasyon namin eh, kaya mas mabuti na rin na mismong mga tao sa paligid namin ang nag assume ng break up sa pagitan namin.

"Uy ready ba kayo para sa spoken word poetry natin?" Tanong ni Harvey.

Oo nga pala, isang linggo na ang nakalipas magmula nang nag umpisa ang second sem nang school year na ito at ngayon namin ipeperform ang Spoken Word Poetry na ipinagawa sa amin para sa subject na Oral Communication.

Hindi ko alam, pero kahit na wala akong future maging makata ay nakagawa parin ako. Siguro dahil may pinaghuhugutan.

"Next, Shyna Ramirez." Ayan na nga ba ang sinasabi ko, napakaswerte ko sa bunutan dito sa school dahil pangalawa ako sa natawag, pero kapag raffle napakamalas ko.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at pumwesto sa harapan. Nakalagay sa gilid ang mga upuan upang mabigyan nang espasyo ang mga magpeperform. Pero feeling ko ay magmumukha akong tuod mamaya habang nagsasalita.

Marck

"Akala Ko Lang Pala"

Nagsimula siya sa pagbanggit nang pamagat, at sa pamagat palang ay naghiyawan na ang lahat marahil alam na nila kung para kanino ito, para sa akin.

"Hanggang ngayon naaalala ko pa yung
araw na una kitang nakita sa apat na sulok nang silid na ito."
Napabuntong hininga siya.

"Pati na rin yung araw na nakita kitang lumuluha para sakaniya. At shempre yung araw kung kailan ako nagsimulang magpaka-tanga sayo."

"Sa ilang buwan nang ating relasyon,
Ikaw ay aking naging inspirasyon.
Ipinaramdam mo sa akin kung gaano kasaya ang magmahal,
Ngunit ipinaramdam mo rin sa akin kung gaano kasakit ang magmahal."

Nakaupo ako sa likod at nakatayo naman siya sa harapan, kung saan magkaharap kami ngunit magkalayo.

"Dumating yung araw na iniwasan mo na ako, bakit? Sa anong dahilan?" Tanong niya, na para bang direktang itinatanong ang mga ito sa akin.

"Tinanong kita kung siya parin ba? At tumango ka nang walang pag aalinlangan.
Bakit? Anong mayroon siya na wala ako? Anong kulang sa akin?"

Nakapikit na siya, ramdam ko rin ang paninitig nang lahat sa akin.

"Iyon, yung araw na gustong-gusto kong kalimutan at burahin sa kalendaryo.
Kung sana'y pwede lang, iyon ay aking buburahin kasabay ng aking nararamdaman para sayo."

Nang magmulat siya ay nagkatitigan kami, lahat nang emosyon ay nababasa ko sa kaniyang mga mata. Nakikita ko kung gaano ko siya nasasaktan, napakagago ko.

"Parang tayo yung paborito kong cartoon noong bata pa ako.
Yung tom and jerry, ako si tom at ikaw naman si jerry
Si tom na laging hinahabol si jerry, at si jerry na laging tumatakbo palayo sakanya.
Si tom, na kahit nasasaktan na todo habol parin."

Rebound VolunteerWhere stories live. Discover now