Chapter 10

37 5 0
                                    

Shyna

"Wuhooo!  Nandito na si Mr. Foundation 2018!" Hiyawan ang mga kaklase namin pagkapasok niya. Lunes ngayon at balik nanaman sa dati.

Nakipagbiruan siya sa mga ito, but when he saw me looking at him natahimik siya at umupo sa pwesto niya.

"Eto pa. Ms. SMHS 2018!" Pumasok si Nina at sinalubong rin siya ng hiyawan mula sa mga kaklase namin.

Napansin ko ang pagtatama ng mga tingin nilang dalawa. Nagkaayos na ba sila? Nagkabalikan?

Nag umpisa na kaagad ang klase pagkarating ni Ms. Suares. Nakinig ako sa discussion at pinigilan ko ang sarili na lumingon sa pwesto niya.

"Tignan natin yung ranking natin." Pag-aaya ni Misty pagkatapos ng unang klase namin.

"Mamayang break time na lang." I can use that as an excuse para iwasan siya.

I, again, distracted myself by listening to the class discussion of Mr. Torres.

"Wow bago yata ito ha?" Dinig kong sinabi ni Jona ngunit nagpatuloy ako sa pagsusulat.

"Bakit?" Tanong ni Glaiza.

"She's writing. At mukhang seryoso pa sa pakikinig." Ramdam ko ang pagkagulat sa boses niya.

"First time yata 'to."

"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Danica.

"Baka nabagok ang ulo kagabi mga teh." Si Justin.

Napairap na lamang ako dahil parang wala ako sa tabi nila kung pag usapan ako. "Just listen. Ang daldal niyo."

"Tumitira ka ba ng droga?" I look at them with a shock on my face.

"Pinagsasabi niyo?"

"O baka may sakit? Check niyo nga baka nilalagnat lang." Inilagay naman ni Glaiza ang likod ng palad niya sa noo ko, na agad ko namang tinanggal.

"Gaga. Nagbabagong buhay na ako, kaya makinig na lang kayo kundi isusumbong ko kayo kay sir." Sabi ko na lamang para tigilan nila ako.

Matapos ang dalawang oras, na hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang pakikinig ng hindi natutulog. Dumating na si Ms. Yalung at kaagad na may idinikit sa bulletin board sa loob ng classroom.

"Good Afternoon class."

"Good Afternoon Ms. Yalung." Sabay-sabay na bati namin sakaniya.

"You can look at your grades and classroom ranking from that paper." Itinuro niya ang papel na idinikit niya. "Your cards will be released after the finals at the end of semester. While your school rankings are posted in the bulletin board near the faculty room."

Nagtayuan ang iilan sa mga kaklase ko at akmang lalabas ng classroom pero tinawag sila ni Ms. Yalung.

"Later." Isang salita na nagpabalik sa mga kaklase ko sa kaniya-kaniyang upuan.

"By the way, congratulations to our section's pride who brought home the bacon. To our Mr. Foundation and of course Ms. SMHS 2018." Nagpalakpakan ang lahat, pwera sa akin. "I'm very proud of you two."

"Thank You po." They said in unison, our classmates faked a cough teasing them.

"Okay enough. Let me introduce your new classmate." Nag umpisa ang mga bulung-bulungan namin dahil sa sinabi niya.

"Pwede ba yun?" Tanong ni Danica.

"Hindi ba't mahuhuli na siya kasi tapos na tayong nag exam for midterms." Sabi ko.

Napatango-tango naman sila.

"Keep quiet." Pinalo niya ng dalawang beses ang kaniyang mesa para patahimikin kami. "He took the exam last wednesday at pumasa naman siya kaya tinanggap rito."

Rebound VolunteerМесто, где живут истории. Откройте их для себя