iv. red stain on her skirt

1.6K 52 1
                                    


"Kumusta naman ang pag-aaral mo, Sapphire?"

Habang nasa hapag-kainan kami at kumakain ay hindi ko maiwasan na mapanguso sa tanong ni Mommy patungkol sa aking pag-aaral. She's always strict when it comes to this at kung sasagot man ako ay dapat magugustuhan niya ang sasabihin ko.

"Gano'n parin po, Mommy." Nanatili akong nakatungo habang kumakain.

Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil natatakot ako na may sasabihin pa siya. Ang totoo niyan, I should be confident dahil sa mga matataas kong grado ngunit nawawala ang lakas ng loob ko kapag kausap ko sila.

"How about Sarmiento? Balita ko parehas kayong 1.25 sa dalawang subjects." Mas lalo akong napatungo sa sinabi niya.

Panigurado ako na ihahalintulad niya muli ang grado naming dalawa ni Travis sapagkat magkadikit lamang ang mga grado namin sa isa't isa.

"Yes, Mommy." I answered. "Pero mataas naman ako sa ibang subject."

"You should be." Napatingin ako kay Daddy na sumali sa usapan namin. "Kailangan ay mataasan mo siya sa lahat ng bagay, Sapphire. Hindi ka dapat tumatanggap ng pagkatalo."

I felt pressured dahil sa mga sinabi nila, pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko dahil sa mga binitawan nilang salita. Aminado ako na masipag akongmag-aral ngunit kung minsan ay hindi talaga maiwasan na magkaparehas kami ng grado ni Travis. Mahina akong bumuntong hininga para mawala ang sikip na nararamdaman ko.

"Yes po." Magalang kong tugon.

Gusto kong maging masaya dahil makalipas ang ilang araw na hindi namin pagsasama ay nagsama na kami muli ngunit imbes na saya ang maramdaman ko ay lungkot ang bumalot sa'kin.

Gusto ko rin sana magpaalam para sa linggo ngunit mukhang hindi ito ang tamang oras dahil mukhang may problema sa association nila Mommy at may kaunting kaguluhan ang naganap sa MCorp.

"Kumusta na nga pala si Bloodstone, hon?" Biglang tanong ni Mommy kay Daddy.

"He's doing fine. May nangyari lang na hindi maganda kanina sa kompanya."

"And Citrine? Ano ng balita?" Dagdag niyang tanong.

"Wala parin." Maikling tugon ni Daddy, "Hayaan mo muna sila, hon. My brother is already solving my nephew's problem."

He's talking about Samantha and Citrine's issue.

"Mabuti kung ganoon," nakahinga ng maluwag si Mommy sa narinig. "Sana lamang ay hindi malaman ng iba na kasabwat niya Bloodstone dahil kung hindi ay baka pati ang MCorp ay maapektuhan."

"Nanatiling tahimik ang anak natin pati na rin si Citrine, hon. Mukhang hinahayaan lang nila ang mga rumors, kaya leave it to them. It's their problem."

Napaiwas ako ng tingin. Kumusta na kaya si Citrine? Hindi ko pa nalalaman kung alam na ba ni Crystal ang nangyari sa Kuya niya. Panigurado'y uuwi iyon kaagad kapag nalaman niya ang gulo na ginawa ng kaniyang kapatid.

Natapos ang hapunan namin ngunit hindi man lamang ako nakapagsalita dahil seryoso ang kanilang mga pinag-uusapan. Minsan ay napapaisip ako kung gaano kaswerte si Amethyst kila Tito at Tita dahil kahit kailan ay hindi nasabi sa akin ni Amethyst kung gaano siya nahihirapan sa puder ng kaniyang mga magulang.

Pumasok ako sa aking kuwarto at hiniga ang aking katawan sa aking malambot na kama. Nakatingala ako sa aking kisame at pinagmamasdan ang aking ilaw na nag sisilbing liwanag sa aking kuwarto. Kung nandito kaya si Kuya, ganito kaya ang mangyayari sa'kin? Pakiramdam ko'y nahihirapan akong kumilos dahil sa tingin nila'y lahat ng aking ginagawa ay hindi sapat.

The Girl He Never Loved Back (Montealegre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon