"Good morning, Mommy."I kissed her cheeks, "Morning." She dryly greeted me back.
Nasa hapag kainan kami upang mag-agahan ngunit wala pa si Daddy. Naabutan ko naman si Mommy na may kinakalikot sa kaniyang iPad, panigurado na tungkol ito sa association na kaniyang tinatrabaho.
"Bakit parang pagod na pagod ka? Ang sabi ng Daddy mo may pinuntahan ka raw na festival kagabi." Tumango ako bilang pagsagot.
"Yes po. Hindi ko na po nasabi sa inyo dahil nasa trabaho po kayo." Magalang kong sagot at napatango naman siya sa sinabi ko.
"How about your ankle? Bakit namumula?" Bumaba tuloy ang tingin ko sa aking paa at tinignan ito.
Ang talas talaga ng paningin ni Mommy. Hindi naman niya ako tinignan pero nakikita niya sa kaniyang peripheral vision ang pamumula ng ankle ko.
"Dahil po siguro sa sapatos ko." Bakit ba kasi ako nagsuot ng heels na sobrang taas? Mukha tuloy akong hirap maglakad ngayon.
"Wear comfortable shoes next time. Hindi naman party ang pinuntahan mo pero ang taas-taas ng takong mo."
She probably saw my shoes last night. Hinubad ko na kasi ito kaagad nang makababa ako ng sasakyan dahil sumasakit na ang paa ko.
Plano kong ipaalam kay Travis na nakauwi na ako pagkatapos kong maghalf bath ngunit dahil sa sobrang pagod ay nilamon na ako ng antok. Naisip ko nalang na baka sinabi ni Gray na hinatid na niya ako sa university para makauwi na ako.
"Good morning, beautiful ladies." Daddy kissed my head at ganoon din ang ginawa niya kay Mommy.
"Good morning," malambing na sambit ni Mommy at inilagay na sa lamesa ang kaniyang iPad para makakain na.
"Pinaghintay ko ba kayo?" Umiling ako habang nakangiti.
Daddy is less strict than Mommy. I mean, both of them are strict pero kung ihahalintulad sila sa isa't isa, masasabi kong mas nakakatakot si Mommy dahil sa paraan ng pagiging strikto niya.
"Kumusta na ang lagay ni Citrine? Nakahanap na ba ng abogado ang batang iyon?"
Abogado? For . . . what?
"Bloodstone's working on it." Sagot ni Daddy.
Para saan ang abogado? Hindi kaya mas lalong lumaki ang gulo na ginawa ni Citrine sa pamilya nila Samantha? Ang akala ko pa naman ay nasolusyonan na ito sa simpleng pag-uusap nila, ngayon naman mukhang aabot pa sa korte. Kawawa naman sila Tita Kristen at Tito Samuel, paniguradong problemado na naman sila dahil sa gulo na dala ni Citrine.
Minsan ay sinugod pa sa ospital si Tito Samuel nang malaman na may kumalat na balita na mayroon daw na scandal ang anak niya. Buong Montealegre ang nabahala noong mga panahon na 'yon ngunit hindi rin nagtagal ay natakpan din ang issue na iyon nang umangat ang stocks ng MCorp.
Si Kuya Bloodstone at Citrine talaga ang magkasama kapag may nalalaglag na isa sa kanila. My brother's always willing to cover up our cousin's mess, gano'n sila kalapit sa isa't isa.
And now . . . I heard Kuya Bloodstone is currently working on Citrine's case. I wonder kung anong kaso niya, panigurado na isasawalang bahala na naman ito ni Citrine at imbes na asikasuhin o ayusin ang problema niya ay baka magsagawa pa ito ng party.
"Anong kaso po?" Masuri kong tanong.
"Slander." Si Mommy na ang sumagot habang kumakain.
Slander? Paanong . . . paanong nangyari iyon?
"Ibig sabihin . . . haharap po si Citrine sa korte dahil sa pagbibintang niya ng walang ebidensya?" Halos hindi makapaniwala kong tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved Back (Montealegre Series #1)
General FictionHow long will you have to fight for your feelings for someone who doesn't love you? All Sapphire Zamira Montealegre wanted in her life is love from those people she cherishes the most; her family. She grew up with a silver spoon in her mouth and alw...