ROOFTOP

16 0 0
                                    

A/N: Marami pong typo ito. Don't judge meh hahaha. 

--gigijungxx

---------------------------

Ikaapat ng Marso, taong 2014, maagang gumising si Alyana dela Cruz alyas 'Anya' dahil ito ang pinakahihintay niyang araw—ang araw kung kailan malalaman ang mag-aaral na tatanghaling 'valedictorian' para sa Taong Panuruan 2013-2014. Si Anya ay pumapasok sa isang sikat na paaralan sa lungsod ng Quezon at siya ay maituturing na isa sa mga mag-aaral na ipinagmamalaki ng paaralan.

"Bes, bilisan mo! Nakapost na yung pinakahihintay natin sa bulletin board!", sambit ng matalik na kaibigan ni Anya na si Sandra. Si Sandra ay isang mag-aaral na maituturing na katamtaman lamang ngunit maraming ipinaglalaban. Siya ang ultimate bestfriend ni Anya, simula elementarya pa lamang ay kambal-tuko na sila.

"Nakita mo na ba bes? Ano? Sino? " pagtakbong tumungo sa kinaroroonan ni Sandra si Anya at nang makarating sa tapat ng bulletin board ay agad nitong tingnan ang itinanghal na valedictorian. Biglang bumuhos ang luha galing sa mga mata ni Anya at napayakap na lamang ito kay Sandra.

"Bakit ganyan ang resulta? Baka nagkakamali sila ng lagay, Bes! Imposibleng hindi ikaw ang valedictorian. Tuktukan ko sila eh!" galit na galit si Sandra habang sinasambit ang sama ng loob. Nakita niya si Naomi na mag-isang tumitingin sa bulletin board at nang makita nito ang resulta ay ngumisi ito.

"Hoy Naomi", mataray na sambit ni Sandra habang nilalapitan ang itinanghal na valedictorian. Si Naomi at Anya ay palaging magkalaban sa pagiging 1st honor mula elementarya ngunit kilala si Naomi bilang isang mag-aaral na gagawin ang lahat upang magkamit ng unang karangalan, " Ano na naman ang ibinigay mong suhol sa teacher para maging valedictorian ka ha?, " itinulak ni Sandra si Naomi hanggang sa mapabagsak na lamang ito sa sahig samantalang napatulala na lamang si Anya habang tinitingnan si Naomi.

         "Tara na, Anya", hinigit ni Sandra ang kaniyang best friend patungong kantina at iniwan nilang nakahandusay sa sahig ang valedictorian na si Naomi.

Dala-dala ni Sandra ang pagkaing kanyang binili para kay Anya. Umupo na ito sa gitnang parte ng kantina kung saan malungkot pa ring nakatitig sa tumatakbong orasan si Anya.

"Oh, bes. Ikain mo lang iyan. Wala namang magagawa 'yang pagmumukmok mo eh", sabi ni Sandra sabay kagat sa binili niyang hotdog sandwich.

"Grabe ano! Unexpected talaga. Akala nating lahat si Anya na ang valedictorian tapos biglang si Naomi. Haha, ang funny. Bumulok na ba si Anya?", umalingawngaw ang boses ng mga babaeng nasa tabi ng lamesa nina Sandra at bigla silang nagtawanan. Napayuko na lamang si Anya sa kanyang narinig at itinigil ang kanyang pagkain.

"Hoy mga babaeng mukha namang tuko, kung wala kayong sasabihing maganda, 'wag na lang kayong magsalita. Bumabaho yung canteen eh. Yuck.", sarkastikong sambit ni Sandra kung kaya't umalis na lamang ang mga babae sa kantina.

"Bes! Okay ka lang ba? Huwag ka nang malungkot. Miss ko na yung best friend kong masayahin. Hayskul pa lang tayo oh! May college pa kaya!", nakatungo pa rin si Anya habang nagsasalita si Sandra, "Huy bes!", makikita na ang kalungkutan sa mata ni Sandra. Biglang tumunghay si Anya at pinagtawanan si Sandra. 

"Ano ka ba bes? Ang saya mo talagang pagtripan. Para namang hindi mo ako kilala ano? Ayos lang sa akin na hindi ako valedictorian. Ang mahalaga nandiyan kayo para sakin. Bonus lang naman 'yang ganyan eh, mahalaga ay natututo tayo", tuloy pa rin sa pagtawa si Anya habang nakayuko sa hiya ang kaibigan niyang si Sandra.

VarietyWhere stories live. Discover now