BOTOHAN

9 0 0
                                    

Nalalapit na ang eleksyon sa lungsod ng San Pablo. Abala na naman ang mga politiko sa pangangampanya upang ganap na makapaglingkod sa bayan. Kaaawas lamang ni Giselle galing sa paaralan at ngayong araw ay ipinagdiriwang niya ang kanyang ikalabingwalong taon.

"Iboto niyo po si Andoy Garcia bilang konsehal sa nalalapit na eleksyon", sambit ng isang lalaking nakasalubong ni Giselle sa daan habang iniaabot nito ang isang flyer. Tinanggap na lamang ito ni Giselle at tumuloy sa paglalakad pauwi.

"Ako po si Rolando Rosales. Iboto niyo po ako sa darating na eleksyon bilang punong lungsod", sabi ng isang lalaking nakatigil sa tindahan. Nag-aabot ito ng flyer kay Giselle ngunit hindi niya ito tinanggap.

"Ano ba yan?! 18 pa lang ako ngayon pero dindumog na ako ng mga politiko para sa eleksyon na yan!", inis na inis si Giselle habang papasok sa gate ng kanilang bahay.

"Oh tamang tama Giselle, nandiyan si Jericho.Kanina ka pa niya hinihintay. May sasabihin daw siya sa'yo", sabi ng ina ni Giselle na si Osang habang naghuhugas ng pinggan.

Pumunta ang dalaga sasalas at nakita ang kanyang bestfriend na si Jericho. Simula sekondarya ay magkaklase na sila at halos kapatid na ang turing sa isa'tisa.

"Kuya Echo, bakit napadalaw ka?", tanong ni Giselle habang ibinababa ang kanyang bag.

"May sasabihin ako sa'yo", sagot ni Jericho.

"Ay grabe. Nagmamadali ba 'yan? Hindi pwedeng bukas sabihin sa'kin?", natatawa si Giselle habang nagsasalita, "Ano ba 'yon?", dagdag pa niya.

"Doon tayo sa labas", seryosong sagot ni Jericho at nauna nang lumabas sa bahay nina Giselle.

"Parang seryosong seryoso 'yang sasabihin mo ah", sambit ni Giselle habang sinusundan ang kanyang bestfriend.

"Matagal ko nang gusting sabihin sa'yo 'to,Giselle pero ngayon lang ako nakakuha ng lakas ng loob", sabi ni Jericho habang lumalapit sa dalaga.

Hindi mapakali si Giselle kung kaya't umaatras na lamang siya.

"Ano ba 'yon? Pasuspense ka lagi eh", idinaan na lamang sa biro ng dalaga ang kasalukuyang pangyayari upang hindi sila mailang sa isa'tisa.

"Gusto kita", mabilis na sagot ni Jericho.

"Ha? H-ha?", hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa gulat na kanyang naramdaman.

"Gusto kita, Giselle. Maaari bang maging tayo? Hindi ko kayang mawala ka pa sa buhay ko at maunahan pa ako ng mga lalaking may gusto sa'yo. Kaya pwede ba? Pwede bang tayo na lang?", ani Jericho.

"Gusto rin kita, Kuya Echo.Pero alam mo naman diba? Hindi pa pwedeng maging tayo dahil hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko", sambit ni Giselle sa isang malungkot na tono.

"Pwede naman", nagulat ang magkaibigan dahil biglang nagsalita ang ama ni Giselle, "Papayagan ko kayo ngunit may isang kondisyon".

"Ano po iyon?", tanong ng dalawa.

"Jericho, papaya akong maging kayo basta ako ang iboboto ninyo bilang punong bayan sa darating na eleksyon", nakangiting sambit ni Manong Robert.

"Si-sige po, Manong Robert. Kayo po ang iboboto namin ng mga kapamilya ko", sagot ni Jericho, " Maaari na po bang maging kami ng anak ninyo?".

"Oo naman, iho. Basta sa eleksyon ha? Alam na ninyo. Ito nga pala ang pera. Ipangampanya mo na rin ako. Bigyan mo ng tigbebente pesos ang mga taong boboto sa akin sa eleksyon", sabi ni Manong Robert at agad nang pumasok sa kanilang bahay.

Naging magkasintahan sina Jericho at Giselle ngunit hindi tumitigil si Jericho sa pangangampanya at pamimigay ng bente pesos sa mga taong kanyang pinangangampanyahan para kay Manong Robert hangga't hindi pa natatapos ang eleksyon. Samantala, tinatanggap ng mga tao ang perang ito at ipinambibili ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanila.

VarietyWhere stories live. Discover now