SIKRETO

11 0 0
                                    

Sa kasalukuyang panahon, habang nasa garahe ng bahay ng Pamilya Alfonso at tulala ang dalagitang si Carmelita, 18 taong gulang, na naglilinis ng kotse, dumating ang kanyang ninang na si Gng. Maria Alfonso, 39 na taong gulang. Si Carmelita ay naninirahan sa bahay ng Pamilya Alfonso sapagkat kasalukuyan siyang nag-aaral sa Ateneo de Manila habang ang tunay niyang pamilya ay nasa probinsya ng Samar.

Maria: Carmelita?

Nakatulala pa rin ang dalaga habang hawak niya ang basahan na pamunas sa kotse.

Maria: Carmelita?

Napabaling na ang atensyon ni Carmelita sa kanyang ninang at nagulat ito.

Carmelita: Bakit po ninang?

Maria: Pumasok ka na sa loob. Kakain na tayo.

Agad na sumunod ang dalaga kay Maria at nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay.

Arjey: Mama? Kakain na ba?

Nagiinat-inat at humihikab pa si Arjey, 18 taong gulang, habang bumababa sa hagdanan at papunta sa kinaroroonan ni Carmelita. Biglang napatigil sa paghuhugas ng kamay ang dalaga at kakikitaan ng takot ang kanyang mukha.

Maria:Maupo na kayo dito, Arjey at Carmelita.

Umupo na ang magkinakapatid sa hapagkainan ngunit tinitigan lamang ni Carmelita ang pagkain.

Maria: Oh, Carmelita? Bakit ayaw mo pang kumain? May problema ka ba?

Carmelita: Wa-wala po.

Maria: Arjey, lapitan mo nga itong kinakapatid mo. Kausapin mo at mukhang may problema total beshy naman kayo.

Carmelita: Huwag! Diyan ka lang. Huwag kang lalapit sakin.

Hinawakan ni Arjey ang kamay ni Carmelita ngunit tinanggal niya ito nang nanginginig ang kanyang mga kamay. Takot pa rin ang namamayani sa mukha ni Carmelita kung kaya't nanahimik na lamang si Arjey.

Maria: Ano bang nangyayari? Arjey! Magsabi ka ng totoo! Bakit ganyan si Carmelita? Bakit takot siya sa'yo? Anong ginawa mo sa kinakapatid mo?!

Umiiyak na si Carmelita habang kinikilatis ni Maria si Arjey. Nabalot ang buong bahay ng mga Alfonso ng sigaw ng ilaw ng tahanan.

Carmelita:Tama na! Magsasabi na po kami ng totoo ni Arjey.

Napabaling na ang atensyon ni Maria kay Carmelita at agad na nagtungo si Arjey sa kanyang kinakapatid. Hinawakan ni Arjey ang kamay ni Carmelita habang umiiyak pa rin ito.

Arjey: Mama, may relasyon kami ni Carmelita.

Maria: Ano?! Paano niyo ito nagawa? Hindi niyo baa lam na para na kayong magkapatid tapos magkakaroon kayo ng relasyon?! Anong kalokohan 'to Carmelita? Wala kang utang na loob! Marianong garapon naman oh.

Sinampal ni Maria si Carmelita at itinulak tulak pa ito.

Carmelita:Huwag po Ninang! Masasaktan ang bata.

Nanlaki ang mata ni Maria at Arjey sa kanilang narinig.

Maria: Buntis ka?! Wala ka talagang uta—

Arjey: Sinong ama niyan? Sigurado akong hindi ako.

'Di na mapigil ang luha sa mga mata ni Carmelita at tanging kalungkutan lamang ang makikita kay Arjey.

Carmelita: Pasensya na po kayo. Marahil iniisip niyo na imoral akong tao, pero ngayon lamang ako naglakas loob na sabihin ang buong katotohanan. Hindi si Arjey ang ama ng dinadala ko dahil ginahasa ako ni ninong. Ninang pasensya na po kayo. Arjey, sorry. Hindi ko magawang sabihin 'to dahil nagbanta si ninong na mapapahamak tayong lahat oras na sabihin ko ito. Sorry po.

Maria: Nagawa mo pang siraan ang ninong mo? Marianong garapon naman talaga oh. Ganda ka ha? Pati asawa ko papatulan mo pa! Lumayas ka dito! Simula ngayon, wala na kayo ng anak ko. Lumayas ka na!

Arjey: Hindi! Palalayasin mo si Carmelita? Pwes, sasama ako! Bubuhayin naming ang kapatid ko at ituturing na parang sarili naming anak. Bakit hindi mo maintindihan? Si papa ang may kasalanan! Aalis kami dahil hindi namin kayang makasama siya sa iisang bubong. Halika na, Carmelita!

Iniwan nina Arjey at Carmelita si Maria sa bahay ng pamilya Alfonso na nag-iisa, tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

VarietyWhere stories live. Discover now