RT1

1.7K 44 9
                                    

Kamusta nga kaya ngayon si Vice Ganda sa likod ng camera?

































"Buern, paabot naman ng phone ko diyan sa tabi mo biliii!"excited at tila batang utos ni Vice na kapapasok lang ng dr niya ngayon. Katatapos lang kasi ng Showtime kaya dumiretso na siya agad dito.

"Teka lang naman, mamà! Nagmamadali? May lakad, may lakad?"pamimilosopo ni Buern dito. Itinago ni Buern ang phone ni Vice sa likod niya matapos itong makuha para asarin ito.

"Wala akong lakad! Pero baka ikaw, baka gusto mong maglakad pauwi?"pagtataray sa kanya ng kanyang baklang amo.

"Hay nako, Ruben! Ibigay mo na nga kay meme yang cellphone niya, baka umiyak pa yan oh."sabat naman ni Archie sa usapan na kalalabas lang ng CR.

"At bakit naman iiyak yan? Ano yan baby?"paggatong naman ni Aaron sa usapan nilang tatlo na prenteng nakaupo sa katabing sofa ni Buern.

"Oo, baby ni Abueva!" Singit naman ng kapapasok lang ng dr niya na si Jhong. Tumawa naman ang apat na nasa loob ng dr maliban kay Vice na nakasimangot pero nagpipigil na ngayon ng ngiti dahil sa minention na pangalan ni Jhong.

"Andami niyong sinabi, para kukunin ko lang yung phone ko eh!"galit galitang sabi ng amo nila. Binigay ni Buern agad ang phone nito. Hinablot naman ni Vice ang mga lipstick sa may table niya at pinagbababato ang mga 'to.

"Napaka malisosya niyo! Magkaibigan nga lang kasi kami, mga vaklang tooo!"

"Wews. Magkaibigan lang?"paninigurado ni Buern dito

"Ahm, b-best friend?"parang hindi na din siguradong sagot pabalik ni Vice

"BEST FRIEND LANG?"Sabay sabay na sabi ng apat habang binibigyan nila si Vice ng nagdududang tingin.


"Oh edi special friend! Sweetfriend, ganern."pasukong sahi ni Vice na napapairap nalang sa pago-overreact ng mga kasama.


"Ayseseees! Sweetfriend daw pero nakita kong naghahalikan kahapon sa parking lot."natatawang sabi ni Jhong.


Namula ang mukha ni Vice at tila natatarantang tinalikudan ang mga kasama."Doon na nga muna ko kay sisterette tse!"sabay pabagsak na sinara ang pintuan ng dr niya.


Tila robot na otomatikong tinignan ng team Vice si Jhong nang sabay sabay. Nanlalaki ang mga mata nilang tinignan ito na tila ba mga lulong na sila sa droga.

"NAGHALIKAN NA ANG CALVICE?!??!"Sabay sabay ulit na sigaw ng team vice.

"Hin--"

"Puta, bat di na ako updateeed!"naiinis na sambit ni Buern with matching padabog dabog pa ng paa niya.


"SHET SHET SHET, KINIKILIG AKO! KAILANGAN KO 'TONG ITWEET!"nagdidiliryong sigaw naman ni Archie, hawak na niya ngayon ang selpon niya nang biglang hablutin ito ni Aaron at sinabunutan naman siya ni Buern.

"Tanga, gusto mo bang mawalan ng trabaho?"hingal na tanong sa kanya ni Aaron.

"Teka nga!"pag aagaw ni Jhong sa atensyon ng tatlo."Ang gugulo niyo. Ang totoo kasi niyan, binibiro ko lang naman yon. Hindi totoo na nakita ko silang naghahalikan."naglakad lakad ito habang mistulang may iniisip nang malalim."Pero ang ipinagtataka ko, bakit kaya hindi niya itinanggi 'yung sinabi ko?"

"Atsaka, namumula siya kanina diba? Pansin niyo?"nagtataka na ding sabi ni Buern

"Atsaka natataranta siya! Ibig sabihin ba non....?"-Aaron



Risk-takers [On-hold]Where stories live. Discover now