RT2

975 35 0
                                    

General POV

"Mukhang imbyerna ang mamàaa!" Nang aasar na entrada ni Vhong sa dr ni Vice.

"Hay nako, Vhong. Kung mang aasar ka lang din naman ngayon, utang na labas. 'Wag muna ngayon. Wala ako sa mood." Walang ganang sabi ni bays na hindi inaalis ang titig sa phone niya.


Awtomatikong nagsipasok na din ang mga iba pang showtime hosts sa dr ng bakla para samahan si Vhong sa pangongompronta dito.


"Eh sisterette naman kasiii, nabalitaan kasi namin 'yung hindi pagsipot ni Calv--"

"Stop."


"Mommy, gusto lang naman namin itanong kung okay ka l--" 


"Mukha ba akong okay? Tangina, limang oras niya akong pinaghintay don tapos ni isang text ngayon, ni ha ni ho, wala! Bwiset!" Padabog na nilisan ng bakla ang dr niya.

---

Vice's POV

Nakakairita talaga. As in. Okay lang naman sa'kin kung hindi niya ako masisipot doon sa lakad namin. Syempre, busy din naman siyang tao. May mga anak siya at may trabaho siya. Halos araw araw ang training nila dahil malapit na ang finals nila.


Naiintindihan ko naman 'yon.


At kaya ko namang intindihin yon.


BASTA BA MAGPAPAALAM MUNA SIYA SA AKIN! HINDI YUNG NAGMUKHA AKONG TANGA KAKAHINTAY SA KANYA DON KASI SABI NIYA PUPUNTA DAW SIYA.


Walang isang salita pwe.


Nangako pa naman siya. : (


Napahinga muna ako nang malalim. Jusko Viceral, kalma. Nago-overthink ka na naman.


Napahinto ako nang saktong may makita akong cubicle. Bigla nalang din kasi akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan.


Kasabay nang pagpasok ko sa CR ay ang paglabas naman ng taong yon sa isang cubicle.


Nanlaki ang mata ko nang makitang ngayon niya palang itinataas ang brief at pantalon niya na parang hindi niya nakikita ang presensya ko!

Kaya di ko na napigilang isigaw ang pangalan niya!


"B-benigno?!"

Risk-takers [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon