RT12

1.3K 57 28
                                    

Vice's POV

"Buhay pa pala 'tong bahay na 'to?"

"Oo naman, bahay natin 'to eh."sagot niya habang ipinaghahain ako. "Sabay na'ting ipinundar 'to, atsaka ito na lang ang natitira sa'king ala-ala natin 'no. Sayang naman kung iiwan ko. "

Umupo siya sa kaharap na upuan nitong mesa at nagsimula ng kumain habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kanya.

"Uy, bakit naman 'di mo ginagalaw pagkain mo?" Nakatitig na ito sa'kin ngayon.

Napangisi ako. "So, ganito na lang 'yon?"

"Ang alin?"

"Eto!" Malakas na hinampas ko ang lamesa kaya naman nabasag ang mga baso sa ibabaw neto. "Umalis ka nang hindi nagpapa alam. Tapos ngayon, babalik ka na lang ulit nang walang paabiso! Tapos ngayon? Sinasabi mong babawiin mo ako nang hindi ka nagpapaliwanag?"

Napabuntong hininga si Ion ngunit kalaunan ay nginitian rin ako. "Magpapaliwanag ako pero hindi ngayon."Tinabihan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang pagkakuryente dahil sa hawak niya sa'kin. "Sa ngayon, gusto ko munang magsimula ulit tayo. Magkakilanlan ulit. Magsimula ng bago. At punan lahat ng naging pagkukulang ko sa'yo sa loob ng madaming taon na 'yon."

Gusto kong magalit at magwala sa sinabi niya dahil gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan. Deserve ko naman 'yon eh.

Nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Please? Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Promise! Hinding hindi ko sasayangin!"

Napakasarap sa pakiramdam makulong sa bisig niya. Napakatagal ko ng hindi naramdaman 'yung ganitong pakiramdam.

Mas humigpit pa ang yakap niya sa'kin. "Mahal, please?"

Mahal. Awtomatikong nagsituluan ang mga luha ko ng madinig ko ulit sa kanya 'yon.

Gustong gusto ko na lang pumayag sa gusto niya at magsama na lang ulit kami pero hindi 'yon madali.

Masakit pa din kasi.

Pakiramdam ko sirang sira na'ko. Wala na akong maibibigay sa kanya at sa kahit na sino pero...gusto ko pa ding subukan.

Ay ,oo nga pala...'yung deal!!!

"Di ba may deal tayo?" Hinarap ko siya sa'kin. "Sa loob ng dalawang buwan, magiging tay--"

"Teka, pumapayag ka na?"

"Pumayag naman ako ah! Ayan, kinalimutan mo na agad?"

"May dumaan kasi na sasakyan nung sumagot ka non kaya 'dui ko narinig pero talaga? Pumapayag ka na?"

"Ayaw mo?"

"Gusto syimpre!! Sabi ko nga sisimulan ko na ngayon 'yon eh hahahahahhhhhahahahahahahhaha!!"parang baliw na sabi sa'kin ni Ion. Nawawala na naman ang mga mata niya dahil sa lawak ng pagkakangiti niya.

Nagulat ako nang hunagikhik na naman ito. Lah? Siraulo.





---
"Ako na kasi ang maghuhugas!" Sabay agaw ko sa hawak niyang plato.

"Ayokong mapagod ang reyna ko 'no. Kaya akin na 'yan, ako ng bahala di--"

"Ako na nga kaseee!"

"Ako na nga kasiii"

'Di ko namang mapigilang matawa sa boses niya.

"Ba't ka tumatawa?"nagtataka ngunit nangigiting tanong niya sa'kin. "Haynako. 'Wag na tayong magtalo dito. Sabay na lang nating hugasan 'to. Ikaw ang tagasabon ta's ako ang tagabanlaw hehe.''

"Fine."



--
"Ano ba, Ion!!!" Kunwaring galit kong sigaw kay Ion. Paano ba naman? Naka back hug siya sa'kin habang naghuhugas ako! 'Di tuloy ako makaoag focus sa ginagawa ko.

"Bakiiit? Anong nagawa kong malii?"

Pinatay ko naman ang gripo at hinarap siya. "Pwede mo naman kasing banlawan 'yang mga plato pagkatapos kong sabunin lahat, 'divahh?"

"Eh, wala ng thrill 'yon pagkaganon!"

"Wow naman."natatawa akong bumalik na ulit sa pagsasabon. "Spell thrill munaaa?"pang aasar ko pa dito.

"Ahh, ganon?"ipinahid nito ang may sabon niyang kamay sa mukha ko!

"Hoy 'yung make up ko!!!!!" Nanlilisik ang mga mata ako. "Siraulo ka, eto ang sa'yo!" Binato ko sa kanya lahat ng tubig na inipon ko kanina sa mangkok HAHAHAHAHSHAJAHA.

"Hoy mahal, teka lang naman, bago 'yung sapatos ko!"

Mas lalo akong natawa nang makita kong may mantya na 'yung sobrang puti niyang sapatos kanina hahahaha. Buti nga sa'yo. Hmp.

Tumawa nang nakakaloko si Ion. Mukhang may binabalak ang mokong. "You want waR? I'll give you waR!"

Tapos lumabas siya ng bahay. Saan naman pupunta 'yon? Pero laking gulat ko nang bumalik siya dito nang may bitbit bitbit na hose! Hayup talaga

"Anong trip mo? Nagsasayang ka ng tubig!" Tumakbo ako palayo sa kanya at hinabol niya naman ako!

"Okay lang, ikaw naman magbabayad eh." At tumawa na naman 'to nang nakakaloko.

Tinignan ko naman siya nang masama. Kaya sumeryoso ang gago.

Nag peace sign ito sa'kin at ngumiti. "Joke lang, mahal. Hehe."

Naabutan niya ako kaya nayakap niya ako. Back hug na naman. Binitawan niya ang hose at siniksik niya ang ulo niya sa likudan ko.

Napangiti ako. Bagama't hinihingal ako ay hindi ko naman maitatangging nag enjoy ako nang husto. Pero syempre hindi ko 'yun aaminin sa kanya 'no! Pakipot muna, aba maghirap din siya. "Bitawan mo nga ako."

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang mabilis niyang pag-iling.

Sa paghigpit ng yakap niya ay nararamdaman ko na pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. "Tatapakan ko 'tong bago mong sapatos o bibitawan mo 'ko?" Pananakot ko pa.

"Edi tapakan mo."sa wakas at niluwagan niya nang kaunti ang pagkakayakap niya sa'kin. Itinapat niya ang labi niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga. "Kahit anong mangyari, hinding hindi na kita bibitawan ulit."















---
A/N: Wazzzuuupppp!!!! Masasaya ang puso ngayon ng mga pusong kahel haa😭Sorry nga pala ngayon lang ulit ako nakapag ud. Hihihi. Pero salamat sa mga nagbabasa (kung may nagbabasa man ahshshshahaha) Pero siguro last na ud ko na to or iho hold ko na lang muna to? Basta. Nagka problema lang kasi ih. Pasensyaaa HAHSHAHAHSAH PERO MARAMING SALAMAT PO SA SUPORTAAAAAA. Love lots! Xoxo. Hanggang sa mulii!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Risk-takers [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon