Kabanata 9

3.9K 124 3
                                    

Kabanata 9

Ligaw



"Baby?" Tawag niya sa akin habang naglalakad kami pauwi. Napatingin ako sa kanya, Anong nangyari sa ate baby kuno?

"Bakit baby lang, Where's the ate baby?" Naka kunot noo kong tanong

Napangisi siya sa tanong ko.

"Hmm. Gusto mo yong ate baby kaysa baby?" Mapaglaro niyang tanong

Godness! Malamang diba? Kaya ko nga tinatanong! Sinimangutan ko na lang siya bago itinuon ang tingin sa daan. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at saka pinagsalikop ang mga daliri namin..

Napatingin tuloy ako sa kanya.. Naabutan kong nakatitig siya sa magkahawak naming mga kamay. Inangat niya ang ulo niya at nginitian na naman niya ako ng pamatay! Shit!

"Ate baby..tayo na ah?" Bigla niyang sabi sa gitna ng mahabang katahimikan.

malamang diba tayo na?

"Oo, tayo na." sabay hila sa kamay niya.

"Seryoso? Tayo na talaga? Walang bawian?" Paninigurado niya at mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Wait. What do you mean na tayo na?" Naguguluhan kong tanong. Kumunot bigla ang noo niya.

"I mean.. yong tayo..ikaw at ako..in a relationship. Teka ano bang iniisip mo?" nagtataka niyang sabi

Ay! Ganoon ba yon?

Naglakad siya sa unahan ko sabay harap sa akin.

"Ah, e akala ko..ang ibig mong sabihin ay yong tayo na..lumakad na tayo.." napangiwi ako sa sinabi ko.

Ang layo naman yata ng iniisip ko sa sinabi niya. Gosh!

Napabuntong hininga siya bago sumimangot.

"So ano ate baby? Tayo na? Huh? Huh?" Nakanguso niya pang sabi animo'y maiiyak na!

Atat ka na ba asawa ko? Napangisi na lang ako sa naiisip.

"Bakit magiging tayo..nanligaw ka ba?" patuya kong sabi habang naka taas ang isang kilay.

"So, ang ibig mong sabihin payag ka nang ligawan ko?" Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.

Napailing ako sabay halakhak.

Galawang Realm Isquevel!

"H-hey! Bakit ka ba tumatawa?" nag-aalinlangan niyang tanong.

"W-wala..yong moves mo kasi.." napatawa na naman ako..

Shit! I should stop laughing.. baka magtampo na naman to.. ang hirap pa namang paamuhin!

"Anong meron sa moves ko? Laos na ba?" seryosong aniya "Tss. Babaguhin ko na lang..ayoko ng laos na galawan.. dapat ay iyong ako lang ang nakaka-alam. "dagdag pa niya sabay tango

"Hindi, hindi..actually ikaw lang yong nakagawa't nakapagsabi no'n sakin.." sabay ngiti ko.

Nakahinga siya ng maluwag

"Oo na.." bigla kong sabi

"Anong oo na?" nagtataka niyang sabi

Ay! Ang slow mo bata!

"Pwede ka ng manligaw!" inis kong sagot at saka nagsimula nang maglakad agad din naman siyang humabol naglalakad siya ng patalikod ang lagay e nakaharap siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin bago siya sinuway!

"Pwede rin namang hindi na..tsk. Pinapahirapan mo lang ako e, asawa naman kita meaning..akin ka!" nginisian niya ako bago umayos sa paglalakad.

Akin ka..akin ka..parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain.. sinong mag-aakala na kakainin niya yong gulay na inilagay ko sa plato niya? Hello? Isa yon sa lagi naming pinag tatalunan dati e.. naramdaman niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya siya nag-angat ng tingin sa akin..

My 13 Years Old Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon