Kabanata 14

3.4K 114 6
                                    

A/N: Dhagets hello! Happy 9th monthsarry dhagets nag papasalamat ako at naging parte kayo ng buhay ko Alkair, Amerodin, Ramil, Jabber, Rohaifah,Subaida,Jamaira. maraming salamat guys hahha ayon nga mahal na mahal ko kayo-- this chapter is dedicated to you guys. Hope you like this update..muah~

#Happy reading.

Kabanata 14

Kwarto




"Mga anak pasok na kayo..lumalalim na ang gabi." tawag ni tita

Sabay kaming napalingon sa mama niya na bandang nakatayo sa veranda ng bahay. Nauna nang tumayo si Rem a tsaka ako maingat na hinila patayo..magkahawak kamay kaming pumasok sa loob.

Naabutan namin na nag-uusap ang parents niya sa may hagdanan sabay nila kaming nilingon.

Inakbayan ako ng asawa ko!

"It's getting late..pahinga na tayo." Tito said

Plano na naming dalawa na matulog dito noong nasa bahay pa kami.. at isa pa iyon din ang gusto ng manugang ko kaya pinaunlakan narin namin..

Hinalikan ako ni tita at niyakap ganoon din ang ginawa niya kay Rem. Nginitian naman ako ni tito sabay tango.

"Mauna na kaming umakyat. Good night!" paalam nilang dalawa.

Teka!

"Umm.. wait lang po tita,tito.." lumingon agad sila sa amin "Saan po ako matutulog?" Maingat kong tanong.
Nilingon ko si Rem nakatingin siya sa gilid  napakamot siya sa batok at may kung anong ibinubulong sa hangin na hindi ko naman naririnig

Parang bombang sumabog sa giyera sa kakatawa ang mama niya sa sinabi  ko.

"Oh, darling..diba nasabi ng anak ko na magtatabi kayo sa iisang kwarto in one bed..besides paano kayo makakabuo niyan kung hiwalay kayo ng hinihigaan?" Hindi parin matigil-tigil sa kakatawa si tita.

Bahagyang napa-awang ang bibig ko sa narinig..what? What the hell? again?

Magre-react na sana ako at saka liningon si Rem halos hindi na niya ako matignan..

"We have no choice, pinlano nila to."  Nauna na siyang lumakad nang nasa gitna na siya ng hagdanan ay saka pa niya napansing hindi pa ako gumagalaw sa kinkatayuan ko muli  bumalik siya at saka marahan akong hinila paakyat.

Namalayan ko na lang na nasa kwarto na niya kami, iniwan niya ako saglit at lumabas.

Napatingin ako sa mga dingding at nakitang simple lang iyon..black and white ang kulay halatang kwartong panlalaki ganoon rin yong kwarto niya sa bahay pero mas organisado ito at mukhang pormal na kwarto sa paningin.

Ang linis.. study table lang  upuan book, shelf, cabinet, flatscreen, kama at mga medalyang nakadisplay malapit sa salamin. May mga picture frame rin na nandoon noong bata pa siya at ang ibay kuha noong mga sinalihan niyang contest academic pa yan o sports lahat panalo!

Ano pang hindi niya pa naipapanalo? Psh!

Napataas ang kilay ko ng may isang frame na nakatalikod mula sa kinatatayuan ko, nakaharap iyon sa bandang ulunan ng kama..makikita lang kung hihiga ka o pupunta ka sa gilid ng kama.

Marahan akong naglakad patungong gilid ng kama maingat kong kinuha ang picture at napa-awang lang ang mga labi ko sa nakita..

Picture namin yon no'ng wedding day namin.. napatawa na lang ako ng maalala ang exact scene noong oras na yon...kinukuhanan  kaming dalawa no'n ng picture nang bigla niya akong inakbayan..bahagya akong nagulat aalisin ko na sana ang kamay niyang yon ng humalakhak siya timing namang na click yong camera kaya ito ang kinalabasan..mukha akong shunga!

Ang sabi pa niya ang cute nitong picture namin..ito yong pinaka gusto niyang litrato naming dalawa no'ng kinasal kami..

Nakangiti ko iyong niyakap ng mahigpit bago inilagay ulit sa dati nitong kinalalagyan. Pumihit na ako para maglakad ulit ng bumukas muli ang pinto.

Pumasok siya habang may dalang dalawang baso ng gatas inilagay niya iyon sa study table at saka ako hinarap.

"Mauuna kang maligo?" umiwas siya ng tingin habang tinatanong  iyon.

"Hindi. Sabay tayo, gusto mo?" sarkastiko kong sagot.

Bahagya pa siyang napa-atras ng marinig ako.

"S-seryoso ka?" nakita kong may namumuong iilang butil ng pawis sa noo niya.

Mainit ba? Ang lakas kaya ng aircon nilalamig ako tapos siya pinagpapawisan?

"Malamang diba, natural nagbibiro lang ako tss." inirapan ko siya.

Tumayo siya ng maayos at pasimpleng pinunasan ang noo nito.

tinagilid ko ang ulo ko at pinakatitigan siya

"Nag-iinit ka?" taas kilay kong tanong.

Bahagya siyang nagitla at naglakad ng dalawang beses pa atras.

"H-hindi sadyang mainit lang..teka lang y-yong aircon pupuntahan ko saglit."

Tatalikuran na sana niya ako ng pigilan ko siya.

"Baliw ka ba? Ang lamig lamig kaya!" medyo iritado kong sabi "At saka umayos ka nga para kang bata ay! Sandali bata ka nga pala.."

Dahan-dahan siyang humarap sa akin nakasimangot na siya.

"Whatever! Asan ang mga damit ko? Maliligo ako."

Nakasimangot parin niyang kinuha ang bag ko at maingat niya iyong ibinigay..

"Kung hindi lang kita mahal.." mahina niyang bulong  pero dinig ko naman tss.

Hindi ko na lang iyon pinansin at naglakad na papasok sa isang pinto pagkapasok ko pa lang ay agad na tumambad sa akin ang malapad na salamin  may mga maliliit na towel na para sa pampunas ang nakahelirang naka sabit sa bawat isang lababo. 

Namangha pa ako sa nakita.. may dalawa  pang pinto sa loob. Isa isa ko iyong binuksan..iyong naunang pinto ay CR. Iyong mas malaking pinto ay Shower room at ang nasa gilid ay isang jacuzzi..hmm I want to try that..

Mag-iisang oras na ako sa loob ng lumabas ako..napasarap ang pagpapahinga ko sa jacuzzi nayon.. inaayos ko ang tuwalya sa buhok ko ng makalabas na ako..isang kulay na peach na pares na pampatulog ang sinuot ko.

Naabutan kong naghihintay sa Rem sa paanan ng kama habang nakaupo roon may tuwalyang nakasabit sa balikat niya..may dala rin siyang pamalit. Agad siyang tumayo ng makita ako.

"Tapos ka na?" tanong niya pa.

Hindi ba obvious? Halata naman diba? Hindi ko na lang siya sinagot.

"Ah, ano iyong gatas.." tinuro niya ang study table yong akin na lang may laman "..ininom ko na yong akin..inumin mo narin yong sayo ate baby nilamig na yata."

Tumango lang ako habang hindi parin siya tinitignan. Naramdaman ko na lang ang yapak ng mga paa niya at ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Napabuntong hininga na lang ako.. dumertso ako sa study table at ininom na ang gatas ko.

Nang medyo natuyo na ang buhok ko ay sinuklay ko na iyon..walang blower dito sa kwarto niya kaya manu-manu.

Kinuha ko ang remote control at pumanhik na sa kama bago sumandal doon at in-on ang TV at namili na nang channel.

Napalingon ako sa pintong pinasukan niya ng bumukas iyon. Ginugulo niya ng bahagya ang buhok gamit ang tuwalya nakatingin ako sa kanya ng mariin napalunok pa ako ng tatlong beses.

My 13 Years Old Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now