Kabanata 36

3K 93 6
                                    




Ipinalibot ko sa aking katawan ang kulay tsokolateng balabal na nakita ko kanina sa kabinet...malakas na umihip ang pang gabing hangin habang naglalakad-lakad ako sa dalampasigan

Pinakiramdam kong mabuti ang mga hampas ng alon at ang pagsayaw ng aking buhok na sumasabay sa samyo ng hanging dagat. Natigil lang ang pagmumuni ko nang maramdaman ang iilang patak ng ulan. Napatingala ako sa madilim na kalangitan na walang mababakas na buwan ni mga bituin biglang nagsi kubli sa mga ulap kanina'y mayroon pa nito na nagsisilbing liwanag sa kalangitan pero ngayo'y wala na...   hinila ko sa aking ulo ang balabal ng maramdamang lumalakas ang patak niyon, iikot na sana ako patalikod para sana bumalik sa bahay nang marinig ko ang tawag sa akin ng pamilyar na boses

"Ate baby!" Parang kulog ang boses niya sa gitna nang mga malalakas na ulan palapit siya sa akin habang ang isang kamay ay nakahawak sa payong na dala...tila napako naman ako sa kinatatayuan ng makita ang madilim nitong expression hindi alintana ang tuluyan kong pagkakabasa...

Mabibigat ang lakad niya nang makalapit sa akin ay mabilis akong hinila palapit sa kanya...nanliliit ang mga matang sinuyod ang kabuohan ko at nang makitang basang basa na ako ay marahas siyang nagpakawala ng hininga pakiramdam ko ay may ginawa akong hindi niya nagustuhan!

Tinitigan niya ako ng malamig sabay bigay sa'kin no'ng dala niyang payong, hindi ko agad iyon kinuha dahil nasakop na ang buong atensyon ko ng mga mapang higop niyang mga mata.
Hindi ko pa sana iyon kukunin ng makita kong naiinip na siya... natataranta ko iyong kinuha sa kamay niya muntik ko pa iyong mabitawan nang magtama ang mga kamay namin sa pag-aakalang baka mapansin niya ang epekto niya sa akin ay umatras ako na balewala lang din, dahil mabilisan niyang ikinulong ang aking baywang at saka hinila ng mas malapit sa kanya!  Napalunok ako ng sunod-sunod ng maramdaman ang dibdib  niyang matigas! Napanguso ako nang magsimula niyang punasan nang likod ng palad niya ang mukha ko na may mga butil pala ng tubig galing sa ulan..titig na titig ako sa mata niya na kalauna'y naglalakbay na ang aking mga mata sa matutipuno niyang braso damn it! Posible ba talagang ma achieve ang ganitong klaseng katawan sa pamamagitan lang  ng mahigit isang taon? Anong klaseng pag g-gym ang ginawa ng mukong na ito at ganito na ang katawan?! Haler, labing anim lang ang edad ng asawa ko for god sake! Napunta ang tingin ko sa mamasa-masa at mapupula niyang labi mariin iyong nakadikit sa isat-isa na tili gigil na gigil sa kung saan!  God, feeling ko mabubuwal ako anumang oras ano ba itong mga pinag-iisip ko...kahalayan mo Kleyah paki rendahan naman!

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga mata niya na supladong  naka tiim bagang at nasa pagpupunas ang atensyon. Hindi ba siya aware sa epekto niya sa akin? Naku Kleyah mas mabuti nang hindi  niya mapansin ang epekto niya sayo aakalain pa nitong batang ito na sabik na sabik ka sa kanya- what the hell?! Anong sabik na sabik!

Mabilis kong ipinilig ang ulo at pumikit bakasakaling mawala ang mga mahahalay na pag-iisip na meron ako ngayon huminga pa muna ako ng malalim bago dumilat, nagulat pa ako ng pagdilat ko ay nakasalubong ng makasalanan kong mga mata ang walang imosyon niyang mga mata

"Uh..." hindi ko mahanap ang mga salita sa kabang nararamdaman.

Paano ko ba siya kakausapin gayong napakalamig ng pakikitungo niya idagdag pang kanina pa siya hindi nagsasalita..

Nalingunan ko ang balikat niya na nababasa na, mabilis kong iniangat ang tingin sa payong kung tutuosin ay malaki iyon at kasya ang dalawang tao pero dahil ang laki ng pinagbago ng katawan niya ay hindi kami magkasya.

"Nababasa ka..." nag-aalala kong sambit habang nakatingin sa balikat niyang nabasa na... tiyak na basang basa rin siya sa likod!

Bahagya niyang nilingon ang balikat pero agad ding inalis doon ang tingin at ipinag patuloy ang ginagawa.

"Sabi ko nababasa ka na!" Ulit ko pa dahil parang wala siyang pakialam na nababasa na siya, hindi niya parin ako pinansin.

Sintro ko ang payong palapit sa kanya na kaagad ding naibalik sa dati nitong pwesto.

"Okay lang na hindi na ako mag payong Realm... basa na kaya ako pero ikaw, baka magkasakit ka pa niyan..." saad ko sa maingat na boses

Galit niya akong tinapunan ng tingin

"What do you think? Na hahayaan kitang mabasa at solohin ang payong na ito ganon ba Kleyah?" Aniya sa naiiritang boses  "Wala akong pakialam kahit magkanda basa-basa ako dito ang mahalaga ay maayos ka! Basa narin ako pero kaya ko. Mas gugustohin kong ako ang magkasakit at hindi ikaw! Kung nasanay ka na ng mahigit tatlong taon na walang nag-aalala sayo pwes ako, kahit ako...kahit nakaratay ako sa hospital nag-aalala parin ako! Gustong gusto kong magising sa mga panahong iyon dahil pakiramdam ko wala akong kwentang asawa! Habang tulog ako sa putang-inang hospital na iyon ay hindi ko alam ang nangyayari sa asawa ko...kung ayos lang ba siya... na baka umiiyak na siya... At alam mo ba kung anong malala do'n Kleyah? Na walang kasiguradohang magigising parin ako!" mahaba niyang dagdag

Kaagad niyang pinunasan ang luhang kumawala sa mata niya...habang pigil na pigil ang sarili

"R...Realm.." tawag ko sa kanya sabay hawak sa siko niya

He looked so frustrated and miserable.

Iniwas niya sa akin ang paningin at mabilis na ikinuyom ang sariling kamao. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon umiyak...

"I'm sorry...I'm sorry Realm wala ako do'n...wala ako sa tabi mo nang mga panahong iyon...patawad..." garagal kong saad

Nagtagal pa kami doon nang ilang minuto sa kalagitnaan ng patak ng mga ulan sa samyo ng hangin dulot ng karagatan ang nagsisilbi naming panangga...ang payong...

"Lets go back..." basag niya sa katahimikan

Hindi na sing lamig nang kanina ang boses niya... kalmado na ngayon.. hinila niya ako para sana maka balik na  kami sa bahay nang hindi ako gumalaw

"R...Realm.." tawag ko sabay angat ng tingin sa kanya only to find out that he's bloodshot eyes are staring directly on mine.

"Balik na tayo sa bahay, masyado nang malamig dito baka magkasakit ka pa.."  malambing niyang sabi

Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nagpahila na pabalik sa bahay...

Nakatitig lang ako sa magkahawak naming mga kamay at sa huli napapangiti na lang ako sa katotohanang nakabalik na siya....

My 13 Years Old Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon