Nang Dahil sa Bote

616 20 37
                                    

Ellie's POV

Nakaupo lamang ako dito sa damuhan sa ilalim ng malaking puno. Malapit ito sa may garden ng school namin.

Break time naman kaya ayos lang! Ayoko naman sa Canteen ,masyadong maingay. Mas gusto ko pa dito tahimik lang,makakapag isip pa ko. Payapa ang paligid,naririnig ko ang huni ng mga ibon. Hayy!

" Haaay!" Nag inat muna ako sandali. Ang sarap kase eh.

Umupo na lamang ako ulit. Tinatamad ako eh. Mamaya pa naman ang klase,dito na muna ako.

" Araaaaaaaaaay!" Agad akong napabalikwas. Dahil may tumama sa mukha ko.

Himas himas ko ito. Peste! Ang sakit... Ano ba yun?

Tiningnan ko ang bagay na tumama sa mukha ko.
Tumayo ako at nilapitan ito.

" Ano to?" Kinuha ko ito." Psh! Kala ko naman kung ano? ...Bote lang pala. Teka! Kanino naman kaya to? "

Agad akong nakarinig ng yabag ng paa,papalapit dito. Aha! Iyon ata ang bumato nito eh.

Bitbit ko pa rin ito papunta sa pwesto ko kanina.

Pagbalik ko,may nakita akong lalaki na papadaan ,nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.

Aha! Ito siguro ang may ari at naghagis ng pesteng bote na to!!

Hinabol ko agad siya.

" Hoy! Ikaw!" Sigaw ko. Pero hindi ito lumingon at patuloy lang sa paglalakad.

" Hoy! Lalake!" Sigaw ko ulit pero tila wala itong narinig.

Arrgh! Kami lang naman dito ah! Bakit ba ayaw lumingon nito?

This time, binato ko na siya nitong boteng hawak ko. At ayuuuun! Sapul sa mukhang pugad niyang ulo.

Napatigil naman siya dahil doon. Teka? Parang pamilyar siya sakin ah!

Dahan dahan siyang lumingon sa gawi ko...At halos lumuwa ang mata ko ng humarap ito sakin at makilala ko....

PATAY!

Pinulot niya yung bote.
Ngumisi siya at nagsimulang maglakad palapit sakin. Peste! Bakit siya pa?

Nang makalapit na siya ay tumigil siya sa harapan ko,saka ngumisi ulit.

" Ikaw ba yung bumato sakin nito" isinenyas niya pa yung bote ng mineral water na walang laman.

" Ahmm. Oo" di ako makatingin sa kanya.

Kasi naman! Si Kiel!..Kiel Lacson. Pamilya niya ang may ari ng school na to at bully pa siya dito. Peste talaga! Sabi na at parang pamilyat siya.

" Why did you do that?" Nakatitig talaga siya sakin.

Napatikhim naman muna ako bago sumagot.

" Eh! Binato mo din naman ako! Sapul pa nga sa mukha ko eh!" Sigaw ko sakanya.

Kala niya matatakot ako? No way! Pweeh!

Napakunot naman yung noo niya dahil sa sinabi ko.

" Ha? Really? Are you sure, na ako yun?" Masungit niyang tanong.

Sure nga ba akong siya yun? Pero kase...Siya lang naman yung tao dito eh saka ako.

Di naman ako nakasagot sakanya. Pagak naman siyang napatawa at saka nameywang sa harap ko.

" See? Di mo nga ako nakita eh! Tsk tsk! Bato kase ng bato" sumama ang tingin niya sakin.

Sinamaan ko din naman siya ng tingin. Kala niya sa lang marunong ah!

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon