Pangalan.

26 0 0
                                    

Kasali ako sa ilalaban ng aming school. Broadcasters kumbaga. Dahil sa paganito ng aming paaralan, doon ko siya unang nasilayan. Hihi. Kwento ko na ba? Sige na nga.

Habang naghihintay kami kung kailan magsisimula ay wala namang tigil ang mga mata ko sa paglilibot. Boring kase. Hanggang sa hindi inaasahan, nahagip siya ng paningin ko. Nakakulay gray siya. Maayos ang gupit ng buhok. Tahimik na nakaupo kung saan sila assigned. At natigilan ako nang makita ko siyang tumawa.

Ano yon? Inlab ako agad?

Hindi ko na naalis ang mga mata ko sa kaniya. Binabawi ko na. Hindi pala boring.

Hanggang sa nagsimula na nga. Pinanood ko din siya. Grabe! Ang galing! Ang astig niya magsalita. Buo ang boses, shomay!

Gusto ko siyang hanapin at tanungin ang pangalan. Pero nang sulyapan ko ulit kung saan siya nakaupo. Bakante na ang pwestong yun. Mabilis kong hinanap ang grupo nila. Basta ang palatandaan ko. Naka gray silang lahat. At isa pa, magnanakaw siya. Ninakaw niya puso ko. Charot. Lol.

Pero hindi yata pumanig ang tadhana sakin. Nakaalis na pala sila. Iniwan niya ako. Lol.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong parang tanga na naghahanap sa kaniya sa social media.

" Ano ba kaseng pangalan niya? " Inis akong napasabunot sa buhok. Gad, binabaliw niya ako.

Nagtype ako sa laptop ko. Ngunit napatigil din nang may maalala. Ni hindi ko din alam pati name ng school niya. Badtrip!

" Hmm? Ano na Yen?" Pagkausap ko sa sarili ko.

So I typed. * Nakagray na lalaki.

Pero alam kong walang lalabas!

Napailing ako at naghanap ng pwedeng konektado sa kaniya. 

Nagtanong na din ako sa kasamahan ko kung anong school siya. Pero kahit isa. Walang may alam. Naiinis na ako.

Ano ba kasing pangalan mo?!

At ito na nga. Dumating ang araw na pinakahihintay ko. May laban ulit kami. Syempre, nakita ko ulit siya. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Adik amp.

"Samahan mo ako." Desperado kong hinila si Ara.

" Teka. Saan tayo?" Takang ani niya.

" Basta. " Nakangising sambit ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang lumapit sa kaniya. Nakaupo ka pa. Ang pogi mo sa blue shirt mo, grabe!

Tumigil kami sa harapan niya. Hindi ko na marinig ang binubulong ni Ara dahil natabunan na ng malakas na tibok ng puso ko.

"H-Hi?" Nag angat siya ng tingin. Kumunot ang noo.

"Hello?"

Natawa ako. Kasi...argh! Ang cute niya. " I'm Yenna!" Inabot ko ang kamay ko.

Tumingin siya sa likod ko bago tumayo. " Hello, Yenna. " Tae! Ang ganda ng boses.

Hinintay ko ang isusunod niya. Pero  may nginitian na siya agad sa may likudan ko. Hindi.. kailangan kong malaman ang pangalan niya.

Tumango siya sakin. Akmang aalis na ngunit mabilis ako kaya napigilan ko siya.

" Yes?" Takang ani niya.

Nanginig ang labi ko. " I'm Yenna..."

Natawa siya. " Okay. You're Yenna. " Tumango tango pa siya.

Teka, paano ko ba to sasabihin? Ugh! Ang hirap!

" Uy, gurl ano na?" Bulong sakin ni Ara.  Hindi ko siya pinansin.

" I mean, what's your name?" Sa wakas, natanong ko din!

Ngumiti siya sakin. " Uh. Sorry. I'm Erwin. Erwin Reyes."

Kaya naman, nang malaman ko ang pangalan niya ay mabilis pa sa pagreply niya sayo akong nagbrowse sa aking fb account.

" Erwin...Erwin..Reyes.." sambit ko habang hinanap ang possible account niya. " Ayun! My gosh! Ang bebe ko!" Sigaw ko sa sobrang tuwa.

I clicked his name. Agad ko siyang inistalk. Mwahahahaha. Aken ka na ngayon. Wala ka ng kawala! Hmp! Pinaghintay mo ako.

Ngunit natigilan ako dahil sa isang post na nakatagged sa kaniya.

Maria Jane Cruz tagged Erwin Reyes in this photo.

Hi, Love? Happy Anniversary ✨ Thank you for always there for me. Nasabi ko na naman sayo lahat. Hahaha. So, yeah, ily!

Literal nalaglag ang panga ko. Ano daw?

Erwin Reyes is in a relationship with Maria Jane Cruz.

Damn. Sa isang iglap nawala ang excitement ko. Pagod na napahiga ako sa kama. Okay. Tapos na. At least nalaman ko ang name niya.

Tae, may girlfriend pala.

AIMEESSHH'S One shot StoriesWhere stories live. Discover now