" Ang ganda no?" Tanong ko habang nakatingin sa kalangitang punong puno ng naggagandahang mga bituin.
" Yeah, ang ganda." Malumanay niyang saad.
Nilingon ko siya at nakadikit sa kalangitan ang kanyang mga mata.
Akala ko sakin, nakatingin! Psh!
" Buti nakalabas pa tayo, kahit gabi na." Natatawang sambit ko.
Tumingin siya sakin saka ngumisi. " Syempre, ako pa? Basta kasama ako, Papayagan ka."
" Yabang neto." Hampas ko sa braso niya. Tumawa lang siya at binaling ang tingin sa mga bituin.
Lagi kaming magkasamang dalawa. Kung saan siya, matik na nandon din ako, kabuntot niya. At kung aalis man ako, sya din ang kasama ko. Kaya halos lahat yata ng events sa buhay ko, ay kasama ko siya.
Tiningnan ko siya mula sa gilid ng kanyang mukha. Napakainosente niyang tingnan, maganda ang mga mata, matangos ang ilong, may pagkapulang mga labi. Lahat ng magugustuhan mo sa isang lalaki ay nasa kanya na.
Nangiti ako sa di maipaliwanag na dahilan.
" Liam.."
Tumingin siya sakin. " Hmm?"
" May tanong ako." Ngiti ko.
" Hm, sige ano yon?"
Umayos ako ng upo. " Halimbawa, may gusto ka, paano mo sasabihin sa kanya ang nararamdaman mo?" Kunot noong tanong ko.
Nanliit ang mga mata niya sakin at umayos din ng upo.
" Hey, sino yan ha?"
" Anong sino?" Takang tanong ko.
" Sino yang gusto mo?" Seryosong tanong niya.
Natawa ako. " Baliw, halimbawa nga."
" Siguraduhin mo lang, Jije ah?"
" Oo nga! Kaya sagutin mo na ako!" Iritang saad ko.
" Nanligaw ka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. " Ano??"
" Wala! Hahahaha!" Umayos siya at humarap na sakin. " Halimbawa, may gusto ako. Syempre, aaminin ko sa kanya. Alam mo na, baka maunahan pa. " Seryosong sambit niya. " A philosopher once said, Mabuti na yung aminin, kaysa kimkimin. " Nakangising dagdag niya na akala mo ay napakaganda nong sinabi niya.
May pa philosopher, philosopher pang nalalaman?! Psh.
" Ano? Nasagot ko na ba?" Tumaas baba ang kanyang kilay.
" Yeah, grabe! Life changing nung sinabi mo, walanjo naiyak ako." Sarkastikong ani ko.
" Tsk, sinagot ko lang yung tanong mo." He pouted his lips.
" O, sya sya sige. Salamat." Natatawang saad ko.
" E, bakit ba natanong mo bigla?"
Natigilan ako sa tinanong niya. Bakit nga ba, tinanong ko? Tiningnan ko siya. Huminga ako ng malalim.
" Sabi mo, pag may gustong tao, aminin na diba?"
Taka siyang tumango. " Oo."
Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Nang magmulat ako ay hinawakan ko ang kamay niya. Nagtataka siyang tumingin sakin. Taena!! Sasabihin ko na ba?
Kaya ko to!" Liam, matagal ko ng gustong sabihin sayo to. Hindi ko lang masabi k--kase, natatakot ako. Natatakot sa magiging reaksyon mo."
" T--Teka, Hindi kita maintindihan."
Tinitigan ko siya ng mariin. " L--Liam, mangako ka..hindi mo ako lalayuan."
" Yeah, I promise." Takang aniya.
Huminga ako ng malalim. " M--Mahal kita, L--Liam."
Napapikit ako ng bigkasin ko yun. Ramdam kong natigilan siya sa biglaang pag amin ko. Sabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbitaw niya sa kamay ko. Agad akong napatingin sa kanya.
" W--What? Paano? "
Umiling ako. " Hindi ..ko alam."
Gulat niya akong tiningnan at ilang beses na umiling. Napatayo siya kaya napatayo na din ako.
" L--Liam.." pagtawag ko.
Liningon niya ako. " H--Hindi ko maintindihan. Alam mo naman--"
" Oo alam ko! Kaya naiinis ako sa sarili ko. " Tumulo ang luha ko sa ginawang pagputol ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at napasabunot sa buhok. " Damn it!"
" I--Im sorry. Hindi ko sinasadyang mahalin ka.." umiiyak na saad ko.
Tinitigan niya ako ng matagal. Tila ba, inaalam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo, tila ba hinuhukay niya ang kaluluwa ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ko at ilang beses itong hinalikan.
"Damn, I still can't believe. " Bulong niya. Napayuko ako. Humigpit pa lalo ang yakap niya at parang ayaw na akong pakawalan pa.
" I'm sorry, Jije. Pero hindi tayo pwede." Narinig ko ang pagkabasag ng boses niya.
Umiiyak siya...
" God knows how much I love you too. " Nanigas ako sa idinagdag niya.
"L--Liam.."
" But we're cousins. Kaya hindi tayo pwede." Dagdag niya na nagpadurog ng puso ko. Nawalan ako ng gana at tila nagising sa isang kahibangang...
Oo nga pala, hindi kami pwede..
Oo nga pala, konektado kami sa isat isa..
Oo nga pala, magpinsan kaming dalawa..
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙