CHAPTER VII

1.4K 131 16
                                    

"GOOD morning!"

Napalingon parehas sina Stefan at Veronica sa bumating si Christopher, kasama nito ang buong barkada na sina Kaye, Mandy, Sasha, Oscar at Melvin. Nasa canteen sila ng campus at kasalukuyang kumakain ng tanghalian.

"H-hi guys!" nakangiting tugon ni Veronica. Nagsisimula na naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Ramdam niya kasing nasa kanila ang mga tingin ng ibang estudyante sa loob ng campus. It's either kinaiinisan siya ng mga ito o kinaiinggitan. Sino ba naman ang hindi maiinggit kapag nilapitan ng mga sikat na estudyante sa buong campus!?

"Pwede ba kaming mag-join dito sa table ninyo?" si Sasha ang nagtanong ng may napakatamis na ngiti sa mga labi.

"Pero marami pa namang –" ani Stefan.

"Sure, Sasha. You guys can join us," putol ni Veronica sa sinasabi ni Stefan. Nasa isip niyang bihira lang kasi mangyari ang ganito, ang makipagkaibigan ang mga sikat na estudyante sa mga nilalangaw na estudyanteng kagaya nila.

Nagpatuloy naman sa pagkain si Stefan. Ayaw na kasi nitong makipagtalo pa kay Veronica kagaya nang nangyari kahapon. Ayaw nitong nagagalit si Veronica.

"Anyway Veronica, may gusto nga palang itanong si Chris sa 'yo," ani Mandy na may sarkastikong mga ngiti.

"A-ano 'yun?"

"Pwede ba kitang ihatid pauwi sa inyo mamaya?" tanong ni Chris sa dalaga.

"H-ha? A-ako?" Gustong kurutin ni Veronica ang sarili sa tanong na iyon. Malamang siya ang kausap ni Christoper at wala ng iba. Pero ang cute talaga nito lalo na kapag tumitingin sa kanya ang singkiting mga mata.

"Magkasabay na kaming –"

"Oo naman!" kaagad niyang muling pinutol ang sinasabi ni Stefan.

Tuluyan naman nang nawalan ng gana sa pagkain si Stefan bago binitawan ang mga kubyertos at tumayo. "Excuse me guys. Una na ako sa inyo. Magkita na lang tayo sa classroom Veronica." Makahulugan pa nitong tiningnan si Sasha bago tuluyang umalis.

"Anong problema no'n?" natatawang tanong ni Melvin.

"Going back sa tinatanong ni Chris sa iyo Veronica," agaw atensyon naman ni Sasha na hindi pinapahalatang apektado sa mga tingin na iniwanan ni Stefan. "So pwede ba talaga? Baka kasi may date kayo ni Stefan na maabala niya mamaya."

Pigil naman sa pagtawa sina Mandy, Kaye, Oscar at Wendy na hindi pinapahalata sa kanya. Bakas na bakas kasi sa kanya na nagkokontrol siyang hindi ipakita ang kilig na nararamdaman.

"Oo naman, okay lang. Wala naman na akong pupuntahan mamaya after class."

"Well, that's good," ani Sasha na malaki na ang ngiti sa mga labi. Naglalaro na sa isip nitong dire-diretso na ang espesyal na planong ginawa ng barkada para kay Veronica.

"Thank you my victory," ani Christopher na hinawakan pa ang baba niya.

Nakangiti naman siyang tumango. Ngiting parang wala nang bukas.

*****

"Hindi ka na dapat pumayag na ihatid ka niya eh," sabi ni Stefan habang naglalakad sila papuntang comfort room.

"Umiral na naman 'yang pagiging negative mo Stefan," nakasimangot na sagot ni Veronica. Ayaw niya nang makipagtalo pa dito dahil ayaw niyang ma-badtrip bago ang pagkikita nila ni Christoper mamaya. Kaya nga siya pupunta ng C.R. para makapag-retouch man lang tapos maba-bad trip lang siya ni Stefan. "Saka ayaw mo no'n, sinasama na nila tayo sa barkada nila. Ibig sabihin, hindi na tayo magiging mga loosers pa."

Seraphim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon