CHAPTER XXV

849 67 1
                                    

CHAPTER XXV

Dahan-dahang iminulat ni Veronica ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa sahig at naaaninag ang barandilya sa may taas ng hagdanan. Animo'y may nakatayo mula roon at pinagmamasdan silang dalawa ni Sasha. Sa kanyang muling pagkurap ay nawala na ito. Nilingon niya ang katabing si Sasha na nakadapa at walang malay. Sinubukang tumayo ni Veronica ngunit may kirot siyang nararamdaman sa kanyang balakang at likod.

Sinubukan niyang tumayo ngunit agad siyang nabuwal nang hilahin ni Sasha ang kanyang buhok.

"Hindi pa ako tapos sa iyo! Magbabayad ka!" Sigaw ni Sasha at muli ay pumaibabaw ito kay Veronica. Hindi nito ininda ang sakit ng katawan. Ipinagpatuloy nito ang pagsasampal kay Veronica na hinaharangan ng magkabilang braso ang mukha.

"Tama na 'yan!" Sigaw ni Christopher at binitbit palayo si Sasha. Dahan-dahan namang tumayo si Veronica.

"C-Christopher?" Bulong ni Veronica. Sinundan talaga ng binata si Sasha dahil nababatid nitong may hindi gagawing maganda ang dalaga kay Veronica

"Bitiwan mo ako, Chris! Kailangan kong patayin ang babaeng iyan! Siya ang may kasalanan ng lahat! Siya ang pumatay sa mga kaibigan ko!" sigaw ni Sasha at akma pang susugod ngunit agad na niyapos ni Christopher ang bewang nito.

Napaluha na lang si Veronica. Napahawak siya sa magkabilang tuhod at tiningala ang dalawa.

"H-hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ako ang pumatay sa kanila. Ang gusto ko lang naman ay gumanti sa inyo. Gusto ko kayong masaktan pero hindi ko inakalang mauuwi sa patayan ang lahat," paliwanag ni Veronica at mas lalong napahagulgol.

Mababanaag sa mukha ni Christopher ang pagkabigla.

"See? Umamin na siya!" Banat ni Sasha at akmang susugod ngunit mahigpit siyang pinigilan ni Christopher.

"Tama na, Sasha. Hindi malulutas ang lahat sa ganito," ani Christopher at binalingan ng tingin si Veronica. "Nalilito ako. S-sinong pumapatay? A-anong nangyayari?"

"May nakita akong lalaki sa lumang salamin ni Lola. Akala ko panaginip lang pero nangako itong tutulungan ako sa aking problema. Gagantihan niya ang mga nanakit sa akin. Nangako siyang tutulungan niya ako. Hanggang sa magsimula na ang patayan. Hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako sa anumang klaseng sumpang ibinigay niya sa akin. Pero, hindi ko ginusto ang kinahantungan ng lahat. Sorry. I'm really sorry!" pakiusap ni Veronica.

"Bitiwan mo ako, Chris! I need to kill that bitch!" sigaw ni Sasha ngunit bago pa siya tuluyang makawala sa bisig ni Christopher ay agad na gumuhit ang napakaliwanag na kidlat sa paligid. Sumunod rito ang malakas na dagundong ng kulog at ang nakapangingilabot na halakhak sa paligid.

"C-Chris!" sigaw ni Sasha at yumakap sa binata. Napa-atras naman si Veronica at napadako ang tingin sa itaas ng hagdan. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakahawak sa barandilya ang pigura ng isang babae. Hubo't-hubad ito.

"M-Mandy?" ani Sasha at nangilid ang mga luha nito. Ngumisi si Mandy at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan. Napa-atras ang tatlo habang bumababa si Mandy. Tumakbo sila sa may pinto ngunit nakasarado na ito. Humarang din sa paligid nila ang sofa at ilang furnitures kaya hindi sila makaalis sa kinatatayuan nila. Binalik nila ang tingin sa multo ng dalaga. Tumigil ito sa unang baitang.

"Oscar!" Sigaw naman ni Christopher nang makilala ang sumunod na nagpakita sa kanila. Bumaba rin ito at tumayo sa likod ni Mandy.

Sumunod na nagpakita ang mga kaluluwa nina Kaye at Melvin. Pumila rin ang mga ito sa dalawang nauna. Tila ba napako lang sa kanilang kinatatayuan ang tatlo.

"A-aling M-Myrna?" Bulalas ni Veronica nang makita ang mayordoma. Sumunod na nagpakita ang kaluluwa ni Thea.

May mga kaluluwa pang lumabas na hindi na nila nakilala pa. Nakapila ang mga ito sa bawat baitang ng hagdan. Ang huling nagpakita ay ang umuusok na pigura ni Seraphim.

Seraphim (Completed)Where stories live. Discover now