CHAPTER XVI

842 76 4
                                    



"BELIEVE me guys, I saw her... I saw Mandy's ghost the night she died!" pangungulit ni Sasha. Lunch break nila at as usual, ang pagkamatay ni Mandy ang topic ng barkada. At dahil absent si Oscar ay wala silang matanungan kung ano ba talaga ang eksaktong nangyari ng gabing iyon.

"Kung multo nga iyon ni Mandy bakit naman sa iyo lang siya magpapakita at hindi sa buong barkada?" nagtatakang tanong ni Kaye.

"E-ewan ko... S-sigurado ba kasi kayong kahit isa man sa inyo walang nakakita o nakaramdam sa kanya kahit sa panaginip man lang?" tanong niya habang muling nararamdaman ang takot na dulot nang nakitang multo noong nakaraan.

"Wala nga. Alam mo baka gutom ka lang nang time na 'yun. O puyat kasi sabi mo 'di ba late na nagkaroon ng kuryente sa inyo?" si Melvin.

"O kaya baka nagi-guilty ka lang..."

Seryoso siyang napatingin kay Christoper na ngayon ay boyfriend na niya bilang kapalit ng ginawa nitong pagpapahiya kay Veronica sa buong campus. At buhat nang magkita-kita sila kanina ay ngayon niya lang ito narinig na nagsalita. Hindi rin kasi nito sinasagot ang mga text at tawag niya nitong nakaraan kaya para rin siyang walang boyfriend. "Bakit naman ako magi-guilty? Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya."

"Guilty hindi dahil sa pagkamatay ni Mandy kung hindi dahil sa nangyari sa controller room," mahinang sagot ni Christoper na sa ibang direksyon nakatuon ang mga tingin.

"Ano ba talagang gusto mong palabasin Christoper?!" naiinis na muling tanong niya dahil hindi na niya gusto ang tono ng pananalita nito. Nabawasan ang pagkasira ng araw niya kanina nang malamang hindi makapapasok si Veronica dahil may sakit daw ito ngunit parang pati si Christoper ay absent din dahil sa inaasal nito ngayon.

"Guys relax! Ngayon pa ba tayo magtatalo-talo?!" naiinis na awat ni Kaye.

"Whatever," aniya na iniikot ang mga mata at tumayo na habang dala ang gamit.

"Where are you going?" tanong ni Melvin.

"Eh 'di pupuntahan ko si Oscar para magpakwento kung ano talaga ang nangyari ng gabing iyon!"

"Pero Sasha kauuwi lang daw niya sa bahay. Baka hindi pa niya kayanin magkwento dahil sa trauma at saka may klase pa tayo na kailangang pasukan," pigil ni Kaye. Madalas ay naiinis na ito sa inaasal ng kaibigan pero wala itong magagawa dahil si Sasha ang leader ng barkada.

"At isa pa, sobrang lakas pa ang ulan," dagdag ni Melvin. Wala na raw bagyo pero patuloy pa rin ang malakas na ulan sa lugar nila kaya naiinis ito kung bakit hindi pa kinansela ang klase ngayong araw.

"I don't care. Kung ayaw ninyong sumama wala rin naman akong pakialam basta pupuntahan ko si Oscar kahit mag-isa lang ako!"

Saglit na nagtinginan ang tatlo bago halos sabay-sabay na napabuntung hininga at tumayo upang sundan ang papalabas ng canteen na si Sasha.

*****

Gumuguhit ang maliwanag na mga linya ng kidlat kasunod ang malakas na ingay ng kulog sa maitim na kalangitan habang ibinabagsak ang malalaking butil ng ulan sa nagpuputik ng lupa. Tahimik iyong pinagmamasdan ni Veronica mula sa bintana ng attic nila.

"Ano ang laman ng iyon isipan, Veronica?" tanong ng lalaki sa loob ng malaking salamin. Si Seraphim.

"Marami... Si Lola Sally, ang mga klase na hindi ko pinasukan, ang buong Saint Gregory Academy, ang mga estudyante doon at 'yung mga bagay-bagay na tumatakbo ngayon sa isipan nila. Sigurado ako na ang lahat ng mga iyon ay tungkol sa akin. Tungkol sa pagkapahiya ko," nalulungkot na tugon niya.

Seraphim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon