Shotgun Wedding

144K 2.2K 155
                                    

Chapter One

"GOING once, going twice? Congratulations, Mr. Teagan James Cordova. You just won an evening with our birthday girl, Ms. Lauryn Joyce dela Costa."

Inawat ni LJ ang mapaismid nang tumayo si TJ at lapitan siya sa stage. Iyon ang huling bahagi ng kanyang birthday celebration slash fundraising event para sa charity organization na kanyang sinusuportahan. Nang abutin ng lalaki ang kanyang kamay ay kamuntik na niyang hatakin iyon pabalik. Mabuti na lamang at mabilis niyang naawat ang sarili. But the lout, he kissed the back of her hand for a good thirty seconds that she almost lost her temper and slapped his face. The nerve! 

"It's been a while, mon minou," he flashed his most charming smile that used to make her stomach felt fluttery.

"I am not your kitty, so stop calling me that," pigil ang pag-alsa ng tinig na sikmat niya rito.

"You are my kitty 'cause you always purr like one, mon minou."

Nag-init ang buong mukha ni LJ. Anhin na lang ay kalmutin niya ang mukha ni TJ para mawala ang nakakainis na ngiti sa mga labi nito. Pero naisip niyang sa halip na magpaapekto sa mga sinasabi nito ay iibahin na lang niya ang istratehiya.

"You probably missed this kitty purring, you even paid one million pesos just to have a romantic dinner with her."

"You bet, I do," naging maaligasgas ang dating ng boses nito. 

Pasimpleng napalunok si LJ. Buwisit na lalaki. Mukhang ginagamit ang lahat para akitin siya. And it's been what? Six years mula nang mahuli niya itong kalambutsingan ang best friend niyang si Caroline. 

Ito ang una't huli niyang seryosong nobyo. Pagkatapos nito ay naging temporary na lamang ang mga sumunod. Nasira ang paniniwala niya sa isang commitment. Pati sa pakikipagkaibigan ay naging mapili na rin siya. 

"Do we hear the song 'Together Again'?" may panunuksong wika ng auctioneer slash host ng pagtitipong iyon, si Benj. Common friend nila ito at alam nito ang history sa pagitan nila ni TJ.

Umugong ang panunukso mula sa mga guests. Nagpatay-malisya na lamang si LJ at hindi pinatulan ang mga biro. Kahit pa nga si TJ ay mukhang bigay na bigay sa tudyuhan.

Hinayaan niya itong igiya siya pababa ng stage patungo sa mesang kinauupuan niya kanina bago siya pinaakyat ng auctioneer sa entablado sa pagsisimula ng bidding. Ibinigay ni TJ ang tseke na nagkakahalagang isang milyong piso.

"Thank you for your very generous donation, Mr. Cordova," may pekeng ngiting wika ng dalaga at iniabot sa accountant na humahawak ng proceeds ang tseke.

"I don't mind spending all my wealth if I could spend another day with you, mon minou."

"Aw, I'm afraid you have to wait another year for that to happen, Mr. Cordova. You see, this is a once a year charity event only. Maliban na lang kung wala kaming maisip na ibang idea to raise more funds next year, may pagkakataon ka uling mag-bid para makipag-date sa akin."

"Very disappointing. But do you really have to be so formal in addressing me, mon minou? Para naman tayong walang pinagsamahan niyan. And need I remind you, we're going on a date. Don't tell me habang magkasama tayo ay tatawagin mo akong 'Mr. Cordova'? Baka naman mapagkamalan akong professor n'yan."

"Ayaw mo no'n? Kagalang-galang."

"I can't pretend someone I am not."

"Right, because you are an inveterate rake."

Kumiling ang ulo nito kasabay ang pagsilay ng isang mapanuksong ngiti.

"See you tomorrow night, Teagan James," bago pa siya madala sa pagpapaulan nito ng charm ay inilahad niya ang kamay. "Seven o'clock, sharp. Versailles Hotel, my secretary already made a reservation there."

Lust of a Lifetime (Book I of Lust Trilogy)Where stories live. Discover now