A Wedding And A Funeral

50.7K 1.5K 130
                                    

Chapter Three

NANG sumunod na araw ay naging abala na sina LJ at Teagan sa preparasyon ng kasal. Kahit sa huwes lamang ang kasal nila ay excited ang magkabilang partido sa paghahanda. Ang wedding reception ay gaganapin sa isang five-star hotel kung saan isa sa mga major stockholder ang patriyarka ng mga Cordova.

Ilang kasal na ang nadaluhan niya. At ilang bride na rin ang inasistehan niya para maging perpekto ang dream wedding ng mga ito. Most of them were happy, excited, giddy, and very much in love. Kabaliktaran niya. Pakiramdam niya ay hindi siya ikakasal. Pakiramdam niya ay haharap siya sa hukom hindi para ikasal kundi para litisin. 

Marahil kung ibang lalaki ang pakakasalan niya ay hindi magiging ganoon kagulo ang estado ng puso't isipan niya. Pero si TJ iyon. Pagdating dito ay takot na siyang magtiwala, takot ng sumugal. 

"Iyan na ba ang isusuot mo?" tanong ng ina kay LJ nang mapasukan siya nito sa kanyang silid.

"Yes, 'Ma."

"Are you serious?" sinipat siya ng ina mula ulo hanggang paa. At tila hindi pa nakuntento, muli siya niyong hinayon ng tingin.

"What's wrong with my dress?" umikot siya para ipakita sa ina ang magandang lapat ng damit sa kanyang katawan.

"What's wrong with my dress?" umikot siya para ipakita sa ina ang magandang lapat ng damit sa kanyang katawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Deep V-neckline, spaghetti strapped, backless, A-line ang tabas at malambot ang tela. Humahapit sa kurba ng may-suot. Nagustuhan niya iyon dahil sa simplicity ng design. Simple ngunit napaka-elegante ng dating. Isa pang nagustuhan niya roon ay hindi iyon masyadong puting-puti. Medyo grayish iyon dahil sa embroidery detail. Ayaw niyang magsuot ng puting-puti. Pakiramdam niya ay hindi na iyon bagay sa kanya.

"Maganda. Kaya lang hindi ba parang masyado namang simple?"

"I like it. Hindi ko naman kailangang magpakagarbo na para akong rarampa sa catwalk."

Parang hindi pa rin sang-ayon ang kanyang ina.

"Fine. Put on some pieces of jewelry. I think the sapphire necklace and earrings we gave you on your eighteenth birthday will be perfect."

"Mama, ang alam ko ako ang stylist sa ating dalawa."

"I just want you to look perfect on your wedding day."

"I am," matamis niyang nginitian ang ina.

"Kung hindi lang kita anak ay hindi ako sasang-ayon."

"Aw, you are so mean, Mama."

Natatawang kinabig siya ng ina. "Of course, sweetheart. In my eyes, you will always be perfect. I can't believe my baby is now getting married."

"Kayo lang, eh. Ipinamimigay niyo na ako."

"I think it's about time na rin. Aba'y baka mag-expire na ang matris mo hindi mo na kami mabigyan ng apo."

"Hayun, kaya pala parang mas atat pa kayo kay Lolo na ipakasal ako kay Teagan James," nakalabing sabi niya nang maglayo silang mag-ina.

Lust of a Lifetime (Book I of Lust Trilogy)Where stories live. Discover now