What About Love?

56.9K 1.5K 195
                                    

Chapter Two

DAHIL sa pagkamatay ni Felipe Stamos, LJ insisted na sa huwes na lamang muna sila magpakasal ni TJ. She wants a grand wedding for herself. Ngunit sa kabilisan ng mga pangyayari sa kanila ni TJ, naisip niyang hindi tamang magpakagarbo sila sa isang kasalan na hindi pa niya sigurado kung ano ang kahihinatnan. Ang sabihing wala siyang tiwala kay TJ ay kulang. Kilala niya ito, hindi ito nasisiyahan sa isang monogamous relationship. Bago pa niya ito nahuling nakikipaglampungan kay Caroline ay kaliwa't kanan na ang babaing nagpapakita ng motibo rito. Hindi man nito hantarang pinatulan ang mga iyon, ay hindi pa rin siya nakakasiguro kung maliban sa higad na si Caroline ay may pinatulan pa itong iba habang magkasintahan pa sila.

Palibhasa siguro guwapo, malingat lang siya ng konti may kalandian na itong iba. And she must admit, she was quite besotted with TJ that she got so jealous and over possessive. She was only twenty-three years old nang maging kasintahan ito. Walang pormal na ligawang namagitan sa kanila. Parang biru-biruan lamang ng kanilang mga Lolo. Na ano raw kaya kung ang naudlot na romansa sa pagitan ng Mama niya at Daddy ni TJ ay sila ang magtuloy?

Isang araw namalayan na lamang ni LJ na niyayaya na siya ni TJ na mag-date. One month after that, they officially became a couple. In fairness to him, he's a very sweet boyfriend. Thoughtful ito at maalaga. Madalas din siya nitong gawing subject sa mga paintings nito. Kapag may tampo siya rito at nagseselos ang madalas nitong panuhol ay portrait niya. Lahat na yata ng iba't ibang medium sa pagguhit ay nagamit na nito para iguhit ang larawan niya. 

Tanggap naman niya na lapitin si TJ ng babae. Pero iyong masaksihan mismo ng mga mata niya ang kataksilan nito ay hindi niya mapapalampas. At ang malala pa, best friend pa niya ang napili nitong kalantiriin. She lost her best friend the same day she lost her boyfriend. Sampung buwang relasyon na nauwi lamang sa wala. At ang pagkakamali niya ay isinuko niya rito ang lahat nang walang reserbasyon. Her trust, her love, and her virginity. Inakala niyang sa paulit-ulit na pagsusuko ng katawan kay TJ ay hindi na ito maghahanap pa ng iba. Ngunit nagkamali siya. Mabuti na lamang at hindi nagbunga ang maraming beses nilang pagtatalik. Dahil kung nagkataon ay may isang buhay na maiipit sa pagitan nilang dalawa. 

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" tanong ng ina kay LJ. "I've waited for this day, to see my daughter get married. Tapos sa huwes ka lang magpapakasal?"

"Mama, alam mo kung gaano ako ka-close kina Uncle Ipe. He's like a father to me. At si Kuya Rafe ay para ko na ring kapatid. Hindi man nila hinihiling sa akin na sumunod ako sa tradisyon, gusto ko pa ring patapusin ang pagluluksa nila bago ako magpakasal sa simbahan."

Napabuntong-hininga ang ginang. "I understand, I'm sorry."

"Puwede rin namang ipagpaliban ang kasal hanggang sa makapagbabang-luksa sina Kuya Rafe at Aunt Camilla. I want them to be there on my wedding day."

"At ano? Hihintayin nating lomobo ang tiyan mo?"

"Mama?!" Namilog ang mga mata ni LJ. "That's ridiculous, I'm not pregnant."

"At paano kang nakasiguro, aber? Hindi lahat ng gumagamit ng condom ay ciento por ciento na hindi mabubuntis."

"Mama?!"

"Your Kuya PJ was the proof of that."

Natakpan ni LJ ang mukha dahil parang biglang sinilihan iyon. Hindi siya makapaniwalang pinag-uusapan nilang mag-ina ang tungkol sa mga ganoong bagay. It sounds awkward and gross.

Nang i-anunsyo ng katulong ang pagdating ni Teagan ay kaagad na nagpahanda ng miryenda ang kanyang ina.

"Hello po, Tita."

"Hi, TJ," magiliw na tinanggap ng ginang ang paghalik ng mamanugangin sa pisngi nito. 

"I brought some cashew tarts, Tita. I know it's your favorite."

Lust of a Lifetime (Book I of Lust Trilogy)Where stories live. Discover now