Chapter 17

3K 62 12
                                    


Lisa's POV

Nagising ako matapos kong maramdaman na may malambot na pumatong sa ibabaw ng tiyan ko. Hindi ko masyadong makita kung ano dahil lutang pa ako.

"Wakey wakey Lisaaaa!"

Umupo na ako sa kama at tsaka ko lang napagtanto na isang maliit na pusa ang naka patong sa akin.

Wait.

Ano?!

"Jennie! What the hell is this?!" Sigaw ko kay Jennie na nakapambahay lang na nakatingin sa akin habang natatawa.

"It's obviously a cat Lisa!" Kinuha niya yung pusa na nilalaro yung kumot ko at hina halik halikan.

"Ang ibig kong sabihin bakit nandito yan?!"

Agad namang humiga si Jennie sa tabi ko habang inaalsa niya yung pusa at nakikipaglaro sa kanya.

"To keep you company. Ano pa ba? Matagal ko na kaya tong plano."

Napa buntong hininga na lang ako at napatingin sa maliit na pusa. Cute naman pala yung pusa.

"Grabe ka naman Jen. Alas otso pa ng umaga binubungad mo 'ko ng sorpresa. Tsaka sinabihan mo sana ako na bibigyan mo pala ako ng pusa."

"If I told you, alam kong hindi ka rin naman papayag. Kaya hindi nalang kita sinabihan, tsaka diba sabi mo mas gusto mo ng pusa kesa sa aso?"

Ang tagal na nun. Oo mas gusto ko ng pusa kesa sa aso. Wala talaga kasi silang pake sa amo nila at hindi clingy. Wala naman talaga akong problema sa mga aso, okay na si Kuma at Kai na minsan pinapaalaga sakin ni Jennie.

"Iwan ko nalang siya dito ha. Sayo naman talaga to, and I need to go to work na." Binigay niya sakin yung maliit na pusa at nakatingin ito sa akin. "Also, may iniwan ako sa table para sa hangover mo. Inumin mo." Sabi niya sa akin na parang nag te-threatened sakin.

Naalala ko tuloy si Puss sa kanya yung  nasa Shrek. Ang laki kasi ng mata at nag papa cute.

"Okay."

Agad ma umalis si Jennie at naiwan na lang ko dito sa kwarto ko kasama itong pusa.

Wait lang.

Kung sa akin natong pusang to, kailangan ko tong bigyan ng pangalan. How about Leo? Parang lion. Hindi naman mabangis yung mukha na parang leon pero okay na to.

"Ano kaya gagawin ko sayo?"

Nilalaro niya yung duvet ko at napabuntong hininga nanaman ako. Sakit ng ulo ko parang inuntog sa dingding.

*
*
*

Ilang oras na rin akong nakikipag laro kay Leo. Nandito ako nakaupo sa sahig at winawagayway ko yung laruan na may lubid na may isang cotton na bola sa dulo ng manipis na lubid.

Pinakain ko na rin siya kanina. Talagang binilhan ni Jennie yung pusa ng mga kailangan nito. Mabuti pa yung pusa, alagang alaga talaga.

"Oyy Leo. Sa tingin mo, mawawala na ba yung feelings ni mommy Jen mo sakin?" Tanong ko sa pusa na ngayoy naka tingin na sa akin at naka upo.

Napa buntong hininga ako at inalsa sya at pumunta sa kusina para kunin yung gatas niya. Baka kasi nagugutom.

"Oh eto, kailangan mong lumaki para maka akyat ka sa higaan ko."

Sa totoo lang hindi pa ako ready na mag alaga ng hayop, hindi ko nga masyadong ma alagaan yung sarili ko eh itong pusa pa kaya. Ang hirap kaya pag may responsibility.

Ang problema ko na lang ngayon kung pano lilinisin yung mga dumi niya at papaliguin sya.

Eto na nga ba sinasasbi ko pag merong pusa dito.

A Beautiful Night To Waste // jenlisaWhere stories live. Discover now