Chapter 51: Conversation

146K 2.3K 112
                                    


Geneva's POV

Kaaalis lang ni Cathy nung dumating si Sander sa inuupahan kong bahay.

Tumawag kasi siya sa akin kanina at hiningi ang address ko. Alam kong alam na niya ang nangyari sa amin ni Ralph.

"Gen, you can stay in one of my villas. I have a lot of vacant houses."

Tumigil ako sa pagpapakain kay Noah.

"Salamat, Sander, pero alam mong hindi magandang idea 'yan. Alam mo namang magkaibigan kayo ni Ralph."

"But we're friends too, right?"

"Sander, alam mo ang ibig kong sabihin."

Ngumiti siya saka nagkibit-balikat. "I know. Baka lang naman makumbinsi kita."

Napapailing ako at sinubuan na ulit si Noah.

"Ang lakas talagang kumain ng baby ko kaya ang taba-taba na oh..." nakangiting sabi ko saka nanggigigil na hinalikan ang anak ko sa mataba niyang pisngi. Tumawa siya pagkatapos kaya natawa rin ako. Ang cute cute talaga ng anak ko. Mana sa 'kin.

"He's cute though. I like fat babies. They're cuddly and adorable."

"Narinig mo 'yon, anak? Pinuri ka ng Tito Sander mo. Mag-thank you ka, kiss mo siya," sabi ko habang nakatingin lang sa 'kin ang baby ko at may sinasabi na hindi ko maintindihan.

Lumapit naman si Sander sa anak ko at yumuko para ka-level ng high chair nito at akmang hahalikan si Noah nung mabilis tinampal siya nito sa mukha at patalon-talon habang nakaupo.

Natawa ako na ikinasimangot ni Sander.

"Ayaw raw niya, eh. Sorry na lang," sabi ko na ikinailing ni Sander.

"Mana ka nga sa ama mo." Simangot nito.

Ang ngiti ko ay biglang napawi nung maalala bigla si Ralph dahil sa sinabi ni Sander. Kumusta na kaya siya? Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita. Wala akong balita sa kanya at hindi naman siya nagparamdam.

Pero bakit ako naging sentimental eh ako naman itong may gusto na magkalayo kami? Nakipagbalikan kaya siya kay Rachel?

Ayokong isipin. Kung ano man ang plano niya sa buhay, sa kanya na 'yon.

Wala naman akong karapatan sa kanya. Si Noah meron dahil ama niya ito. Pero kami ni Ralph, wala talagang dapat kapitan.

"I'm sorry for mentioning his name."

Napaangat ako ng tingin kay Sander. "Okay lang ako. Wag kang mag-alala sa 'kin."

"Okay ka ba talaga? I know you. You may look happy outside but it's the other way around deep inside. You're good in sugarcoating your feelings."

Pinunasan ko ang bibig ni Noah saka kinarga na siya matapos ko siyang pakainin.

"Minahal ko siya, Sander. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Ang totoo, hindi ko alam kung hanggang kailan. Hindi ko alam kung mawawala pa ba ito. Kahit masakit malaman ang katotohanan na hindi siya akin, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mahalin siya."

Napailing si Sander.

"I know he loves you too, Gen. But things are complicated because of his impulsive decisions. For now, I pray for your peace of mind. Be happy and strong for Genoah."

"Noah," pag-correct ko.

Ayoko talaga na tinatawag na Genoah ang anak ko. Ang pangit kasi talaga. Mas lalo ko siyang hindi makalilimutan kasi siya ang nagpangalan sa anak namin ng pagkapangit. Sorry but that's what I think.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon