Epilogue

163K 2.3K 175
                                    


Geneva's POV

A year later...

"Ang ganda talaga ng anak ko... Bagay na bagay sa 'yo ang suot mo. Pa-kiss nga, anak." Pinaulanan ko siya ng maraming kiss.

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin dahil nanggigigil ako sa anak ko. Nakakunot na ang noo nito dahil sa mga halik ko. Mukhang hindi siya natutuwa.

"What on earth are you doing?!"

Napapiksi ako sa gulat nung biglang dumating si Ralph. Agad ko namang binaba si Noah at pinaupo sa lap ko habang nakaupo ako sa kama.

"Ikaw talaga, Ralph. Huwag ka ngang nanggugulat! Alam mo namang magugulatin ako. Baka mabitawan ko ang anak natin."

Nakakunot ang noo niya sa 'kin habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Noah.

"Why did you dress him up like that?"

Nginitian ko siya. "Maganda, 'di ba?"

Umiling siya saka kinuha ang anak namin. Kinarga niya ito. "No, our son is not gay!" sabi niya saka tumalikod at kumuha ng damit ni Noah. Sinundan ko sila.

"Hindi ko naman sinabi na bakla ang anak natin. Tinry ko lang naman na bihisan siya ng pambabaeng damit dahil curious akong malaman kung ano ang itsura pag nagkaanak tayo ng babae."

Bumalik siya sa kama at sumunod din ako. Hiniga niya si Noah saka tinanggal ang pink na dress na sinuot ko sa kanya. Pinalitan niya ito ng shorts at shirt na panlalaki na. "Your mom is crazy," mahinang sabi niya.

Akmang itatapon niya ang dress nung mabilis kong sinalo 'yon. "Wag mo namang itapon. 200 pesos pa bili ko nito, 'no."

Napapailing siyang tumingin sa 'kin. "If you want a daughter to dress up, just tell me.

Just don't turn our son into a girl."

"Uy, huwag ka ngang ganyan sa harap ni Noah. Marinig ka ng bata."

"Tsk," sabi niya saka lumabas ng kwarto kasama si Noah. Iniwan ba naman ako.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at sinundan silang dalawa. Naabutan ko silang naglalakad papunta sa sala nitong maliit na bahay kung saan kami nakatira ni Noah. Sinabayan ko si Ralph sa paglalakad.

"Ralph, sorry na. Hindi naman magiging bakla agad ang anak natin sa ginawa ko, eh."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Who knows kung ilang beses mo nang ginawa sa anak natin 'yon at kung ano-ano pa habang wala ako."

Ralph comes here almost everyday to see me and Noah. Minsan nga rito na siya nakatutulog dahil sa lagi siyang pagod pag dumadalaw rito. Meron din siyang duplicate key nitong bahay dahil humingi siya.

"Hindi ah! Isang beses lang kaya 'yon."

Napapailing siya.

"Ralph, sorry na. Hindi na mauulit."

Hindi niya ako pinansin kaya tumigil ako habang siya ay deretso pa ring naglalakad papunta sa couch ng living room.

"Sige, hindi mo ko patatawarin, hindi na kita papasukin dito. Iibahin ko ang lock nitong bahay. Walang kiss simula ngayon pati bukas at sa mga susunod na bukas. Hindi na rin kita—" Nagulat ako nung nasa harapan ko na agad siya. Ang bilis niya naman. Hindi ko man lang napansin ang pagbalik niya dahil busy ako sa kasasalita.

He's smiling at me like nothing happened. "Who told you I'm mad?" Saka ako hinapit sa baywang gamit ang isang kamay.

"Daddy not mad," sabat ni Noah na napapailing pa ang ulo.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon