28.

30 6 0
                                    

Mahigit isang linggo din akong nagkulong sa bahay, hindi dahil yun ang desisyon ng parents ko pero dahil nga nalaman kong nakabalik na si Herin ay ayoko nang lumabas at baka makita pa niya ako.










Sinabihan ko sila Mom na wag itong papayagang pumasok ng bahay if ever malaman niya ang bago naming address dito sa lugar namin. At nalaman nga niya ito pero ang sinabi daw ni Dad ay nasa Finland ako ngayon at doon nagpapahinga saglit. Ilang beses daw itong nagtangkang pumasok ng bahay pero sa awa ng Diyos ay di naman niya nagawa yun sa tulong ng parents ko.















Pero hindi puwedeng magtago ako buong buhay. I mean, i'm dying right? Para saan pa ang pagtatago kung sa huli ay mamamatay din naman ako? Kailangan ko ng ienjoy ang natitirang araw ng buhay ko.















At kailangan kong makita si Jeno kahit na alam kong hindi magbabago ang lahat.














Oo, ang tanga ko diba? Nasaktan na ako lahat lahat pero siya pa din ang hinahanap ko.







Hindi na yata nag eexist ang pride ko sa bagay na to. Gaya ng sinabi ko, mamamatay na ako. Kailangan ko ng lubusin ang mga natitirang momento ng buhay ko.














Kung tungkol sa heart donor na inaasikaso ng lahat, ay wala pa ding magandang balita tungkol rito. Nagresign na nga si Mom sa trabaho niya at halos wala siya lagi sa bahay para humanap ng paraan para maghanap ng donor. Siya yung hindi nawawalan ng pag asa talaga, kahit na ilang beses kong sinabi na bumitaw na ako sa pag asang mabubuhay pa ako ng matagal.











May mga ilang oras ding umiiyak ako kasi nalulungkot ako. Naging miserable na ako nung una, tapos mamamatay din pala ako. Bakit hindi ko kayang maging masaya man lang para maramdaman ko at maappreciate ko man lang yung buhay na meron ako?







Minsan natutulala na lang ako at lumilipad na ang isip. Iniisip kung after death ba ay magiging masaya ako. Sa piling ng Diyos at libo libo niyang anghel.










Teka, paano ko nasisigurong makakasama ko sila doon? Naging mabuting tao ba ako? Hindi diba?















"Nana .." narinig ko ang boses ni Mark kaya tiningala ko ang lumapit sa kinauupuan ko. Nginitian ko ito ng pilit.







"Bakit ka pa pumasok kung namumutla ka? Baka mapano ka pa dito." he said sitting beside me.









Maaga palang naman, at nasa classroom na ako. At alam kong alam na ng lahat na mamamatay na ako.











"Ayaw mo ba akong makita?" i asked smiling.










Nakita ko ang lungkot sa mata nito, "Pumunta ang Dad ko sa Canada. May mga kaibigan itong Doktor na puwedeng tumulong sayo. Dapat nagpapahinga ka para pag dumating na iyong donated heart mo, kayanin mo ang operasyon."






Hinawakan pa nito ang kamay ko at pinili kong tanggalin iyon. "Mapapagod lang din naman ako eh. Mapapagod lang ako sa bahay na mag isa. Ayoko munang maramdaman na mag isa ako at mawawala na ako soon."







"Wag mo nga sabihin yan. Mabubuhay ka pa ng matagal." he said wiping my tears away.










"Bakit ba naniniwala pa din kayo na may pag asa pa? Wala ng milagro sa mundo." i laughed a fake one. Tahimik lang itong nagmamasid sakin.











Overplay ver2: SouthernHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin