100 Tula Para Kay Stella: Fidel Lansangan

41 0 0
                                    


Kagaya ka ba ni Fidel?

Character: Fidel Lansangan
Movie: 100 Tula Para Kay Stella (2017)

Traits:
Kapos ang tiwala sa sarili | Matayog ang potensyal | Sariling pakiramdam lang ang kadalasang iniisip

Character Review:
Sinasalamin ng karakter ni Fidel ay ang patok na salita ngayon na 'MARUPOK'. Marupok na tipong kung sino ang (unang) makapansin at magmabuti ng trato sa kanya ay magiging parang prinsesang sinalba na ng puting kabalyerong nakasakay sa kabayo, magkabaliktad na kasarian nga lang. Hindi pa niya alam umibig maski ang kahulugan ng salitang ito. Kailangan ni Fidel ng mga kaibigan o mga puwedeng magbigay ng tunay na payo lalo na sa pagkilatis ng totoong nararamdaman ng kapwa. Ni halos hindi niya itinanong ang sarili kung ano kaya ang nararamdaman ng taong gusto niya (Stella), na para bang sariling pakiramdam, imahe, at pakay lang ang iniisip.

Favorite Scene:
(Audition sa Young Performers' Guild)
Guild Leaders: "Ang kailangan natin [sa guild], ay yung talented at confident members. Hindi puwedeng talented, hindi puwedeng confident lang."
Dormmate: "[So,] let's build his confidence!"
Tsk, tsk. Anak ng... anong klaseng leader ba kayo?
Dito umusbong at nakita ang gilas ni Fidel. Ang problema kasi sa mga tao, hindi pa nakikilala ang kapwa, hinuhusgahan na, sinusukuan pa. Hindi patas kasing hindi pagbigyan ang tao magpatunay sa kanilang mga sarili dahil para mo siyang isinisilid sa aquarium at ang iba pang mga kagaya niya.

Evaluation:
Ang manok na si Fidel ay ang tipong hindi agad-agad nagiging tinola sa hapagkainan. Dahil ang mga kagaya niyang manok ay buga ng usok lang ang kailangan; kakaibang potensyal at tapang ang ipamamalas nito na siyang maghahari sa mga sabungan, basta ba matuto ring magbasa ng kapwa. Okay lang 'yan, Fidel. Akalain mo nga 'yun, nabulag ka man kay Stella, hindi naman ito naging hadlang sa iyong pag-aaral. Darating din si Autumn.

Green light ni Fidel: pag-aaral. Nakakabilib na hindi niya ginawang pabayaan ang kanyang pag-aaral. Kapag acads muna, acads muna!

Ikaw ba, ano ang sa iyo?

[Visit us on Facebook at www.facebook.com/thegreenlight.ph and be featured through writing your (movie, tv series, anime, theater, and novel) character analysis.

Together let's aim to deliver realizations to the masses by encouraging them to be understanding of different personalities.]

Character Reviews (Movie, TV Show,& Anime)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن