CHAPTER 10: Spell Casting

3.6K 179 28
                                    

Maghapong nagsasanay ng spellcasting sina Asana at Steffy habang hawak naman ni Luimero ang isang spellbook at tinuturuan sila kung paano bigkasin ang mga salitang nakasulat sa libro.

"Kailangan, isaulo niyo muna ang mga salitang dapat bigkasin kapag naisasaulo niyo na ito, saka niyo pa ito bibigkasin." Paliwanag ni Luimero sa dalawa.

Spellcasting at potion making ang pinakagusto ni Asana na pag-aralan. Kaya sobrang excited siya at nakikinig ng mabuti kay Luimero. Habang si Seyriel naman, mas mahilig siya sa levitation technique o ba kaya mga abilidad na kayang makapagpalutang o makapagpalipad ng mga bagay kaya habang nagpapaliwanag si Luimero, abala naman siya sa paglilipat ng Ki sa kanyang daliri at itinutok sa isang curse magic book na nasa mesa.

"Lumipad ka."

"Lumutang ka." Kaya lang walang nangyayari habang binubulong niya ang mga katagang ito.

"Ano ba 'yan. Kapag nanonood ako ng ganito sa TV ang dali-dali lang sa kanila ang magpalutang ng mga bagay. Tapos ako na nasa magic-magic world na 'to, di man lang magawa? Hmmp!" Disappointed niyang sambit sa sarili.

"Seyriel! Nakikinig ka ba?" Nandidilat na tanong ni Luimero. Nag-angat ng tingin si Seyriel at sumimangot.

"Makikinig po." Tinatamad niyang sagot.

"Kung gano'n, ano ang sinabi ko?" Tanong ulit ni Luimero.

"Sabi mo, Seyriel! Nakikinig ka ba?" Dahil sa sagot na iyon, umasim ang mukha ni Luimero. Kanina pa siya nagpapaliwanag pero wala man lang pumasok sa isip ni Seyriel.

Kung di lang talaga sa utos ng kanyang Master ay hahayaan niya na ang dalawang ito. Pinadala siya sa Zilcan Empire ng kanyang Master para hintayin ang pagbabalik ng mga kabataang naligaw mula sa mundo ng mga tao at turuan sila kung paano gamitin ang kanilang mga kakayahan.

Kadalasan kasi sa mga pinili, ay pinatapon sa mundo ng mga tao at doon na namumuhay. At kung may mga nakakapasok man sa Mysteria na galing sa mundo ng mga tao, tiyak na isa sila sa mga pinili o ba kaya anak sila ng mga pinili.

Ang mga pinili ay maituturing na Blessed child ng Mysteria dahil sila ang napiling mabigyan ng kakaibang lakas, abilidad at kapangyarihan.

May hinala si Luimero na isa sa mga pinili sina Asana at Seyriel ngunit kung totoong Arizon si Seyriel at Minju naman si Asana, ibig sabihin na mula sila sa hindi pangkaraniwang angkan. Kaya dapat itago niya sa iba ang pagkatao ng dalawa habang hindi pa sila lubos na malakas.

Isang wind elementalist si Asana pero marami siyang mga ability na maaring mapag-aralan at maaaring gamitin kung kinakailangan. Katulad ng spellcasting, teleportation, at mind reading.

Hinati ng mga Mysterian ang level ng Mysterian Ki ng bawat isa para malaman kung gaano na kalakas ang isang Mysterian. At natuklasan niyang nasa level 3 na agad ang lakas ni Asana.

Nagsisimula ang pagsusukat ng lakas at enerhiya ng mga Mysterian sa stage at level. Ang pinakauna na matatawag ding beginners stage ay ang novice, or stage one. Ang Novice stage ay binubuo ng level 1 to 10, bago mapunta sa Average stage o Second stage. Sinundan ng Elite stage, Expert, Master, at Grandmaster's stage. Nasa Elite stage level 3 na si Asana. Kapag mararating na niya ang Elite level ten mapupunta na siya sa Expert stage.

Kadalasan sa mga Mysterian ay may isa o dalawang ability. At iilan lang din ang nasa Elite habang nasa ten pababa pa lamang ang edad. Pero si Asana, sa edad na sampo, nasa stage 3 at level three na ang level ng lakas niya sa pagamit ng wind element.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Where stories live. Discover now