CHAPTER 27: Halamang Incenia

3.5K 177 25
                                    

Si Aya ang nanguna sa pagdarasal. At siya lang din ang nagsalita.

"Sa ngalan ng Poong may likha sa lahat ng nilalang dito sa lupa. Sa ama ng lahat ng Diyos at Diyosa at sa mga tagapagbantay ng mga bagay at nilalang na inyong nilikha. Ipagpaumanhin niyo po ang aming pagambala sa inyong pamamahinga. Ipagpaumanhin niyo po kung may nagawa man kaming kasalanan o mga bagay na hindi niyo nagustuhan.

Hindi po namin ginustong makagawa ng mga pagkakamali. Nandito po kami ngayon, hinihingi po ang inyong pahintulot. Maaari po bang humiling sa inyo? Iyon ay kung pahihintulutan niyo. Maaari po ba naming bigyan muli ng kulay ang paligid na ito? Maaari po ba naming muling bigyan ng buhay at ayusin ang mga nasira sa lugar na ito? Maaari bang buksang muli ang mga lagusan ng mga tubig patungo sa mga bukal para may matirhan ang mga nilalang na umaasa lamang sa tubig?

At sa sinumang makapangyarihang tagapagbantay ng lugar na ito, maaari ba naming pakealaman ang mga halamang gamot? Hindi po namin sadyang gustong makialam. Pero kailangan lang po namin ng mga halamang gamot para sa aming mga pangangailangan. Maaari po ba? Kung maaari po, bigyan niyo po kami ng palatandaan at kung hindi po maaari ay bigyan niyo rin po kami ng palatandaan." Iyan ang dasal ni Aya.

Iminulat nila ang mga mata saka napatingin sa gitna ng kanilang kinaroroonan. Nakita nila si Seyriel na nakaupo at nakatungo ang ulo. Ilang sandali pa'y napahiga na habang humihilik. Hindi tuloy nila maiwasang maisip na ito na yata ang palatandaan na hinihiling nila. Palatandaan na ang ibig sabihin ay hindi sila pagbibigyan.

"Kahit kailan talaga." Sambit na lamang ni Asana. Alam niyang nakatulog ito sa kakahintay sa kanilang matapos sa pagdarasal.

"Dumidilim na ang buong paligid. Mas mabuti sigurong matulog na muna tayo." Sabi ni Shinnon sa kanila sabay sulyap sa batang nauna ng matulog.

"Mas mabuti nga 'yon. Bukas na lamang natin simulan ulit ang mga dapat nating gawin." Sagot ni Asana. Gumawa sila ng protective barrier sa kanilang paligid bago nagsitulog.

Nagprisinta si Shinnon na siyang magbabantay sa paligid ngunit di sinasadyang makaramdam din siya ng antok at nakatulog.

Nang makatulog na ang lahat nagising naman si Seyriel at kinuso ang mga mata.

"Nakatulog din ba sila sa kakadasal?" Tanong pa niya sa sarili. Pinagmasdan niya ang mga kasama.

Nasa tabi niya si Asana at ginawang unan ang kanyang backpack. Si Izumi at Aya magkayakap na nakahiga sa mga tuyong dahon. Si Arken nakaupo habang nakasandal ang likuran sa kahoy. Si Kurt naman, nakahiga sa ibabaw ng bato. Si Shinnon naman nakaupo habang hawak ang espada at nakasandal ang likuran sa gilid ng bato kung saan si Kurt.

Tumayo si Seyriel at inilibot ang paningin sa buong paligid. Kanina pa niya nararamdaman ang kakaibang malakas na presensya.

"Nakapagtataka. Hindi naman sila matutulog nalang basta-basta. Lalo pa't nasa mapanganib na lugar kami."

Alam niyang maingat sina Shinnon at Kurt ngunit nagtataka siyang natutulog din ang dalawa.

"Parang nananayo ang balahibo ko. Nakakakilabot pero di naman ako nakakaramdam ng panganib." Napatingin siya sa isang direksyon.

" Nakikita ba niya tayo? " pinagpapawisang tanong ng isang nilalang.

"Paano niya tayo makikita e wala naman dito ang mga katawan natin?" Sagot ng isa.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon