CHAPTER THREE

666 25 0
                                    


Alumpihit si Lynette nang ibigay ang itinerary kay Aidan. Somewhere in her mind, she'd been hearing that silly song...

Tuwing ika'y makikita... ako'y natutunaw... parang ice cream na bilad... sa ilalim ng araw.

"Excuse me." Biglang pumasok si Joanne. "Makikisingit muna ako..."

Ibinaling niya ang tingin sa kaibigan. Nanunudyong sinulyapan ni Joanne si Aidan na ang atensiyon ay nakatuon pa rin sa pinag-aaralang itinerary.

Pakindat-kindat na lumapit ang kaibigan sa kanya. "O, hayan na 'yong ipinapahanap mo sa aking architect/contractor para kay Mrs. Toscano."

"Kanino mo 'to nakuha?"

"Hindi na importante 'yon, basta't tawagan mo. Alam na n'ong tao ang gusto mo."

"Okay 'to, ha?"

"Oo sabi." Lumabas na ito ng kanyang cubicle.

Bumaba ang tingin ni Lynette sa iniwang calling card ni Joanne. Wala-sa-loob na binasa niya ang pangalang nakasulat doon.

"Architect Eugene Morales."

Nagulat siya nang biglang masamid ang kaharap.

"Is there anything wrong?" nagtatakang tanong niya kay Aidan.

"W-wala, ma'am. May nakaalala lang siguro sa 'kin."

"Kung clear na ang instructions ko, you may go now."

She was back to her business-minded self with her very businesslike voice, pero nang tumayo naman si Aidan, parang gusto niyang pigilan ang lalaki. Parang gusto niyang ipagtimpla ng kape, suhulan ng candies — anything to keep him near!

But of course, she didn't.

Dinala yata ni Aidan ang liwanag palabas. Nang umalis ito, biglang nagdilim ang cubicle ni Lynette. Wala na siyang kagana-ganang magtrabaho.

Pero kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman. Dinampot niya ang calling card na ibinigay ni Joanne at idinayal ang numero ng arkitektong inirekomenda ng kaibigan.

Isang maliit na tinig ang sumagot sa ikalawang ring. "M.B. Builders, good afternoon."

"May I speak with Architect Morales?"

"Hold on your line, please. I will transfer you to his local number."

Na-impress agad si Lynette. Kung may trunkline ang opisinang tinawagan, ibig sabihin, malaking construction firm iyon. Pihadong hindi siya mapapahiya kung irerekomenda niya sa kliyente.

"Architect Morales here," bungad ng baritonong tinig sa kabilang linya.

"Good afternoon, Architect Morales. I was referred to you by Miss Joanna Cunanan. This is Lynette Concepcion of Global Real Estate Corporation."

"Oh, yes. I spoke to her just a few minutes ago."

"May client kasi ako para sa iyo. That is... kung magkakasundo tayo sa usapan."

"I know what you mean. Sinabi na rin sa akin ni Joanne ang tungkol diyan."

"When can I see you?"

"I am free on Thursday. If you want, we can have lunch out after my long breakfast meeting."

"That's fine with me."

"Astrodome Café at twelve o'clock?"

"Will do. Kung puwede rin sana, bigyan mo ako ng sample ng inyong nagawa na, including referrals from your clients. And if you can manage, gusto ko ring makita ang company profile n'yo."

No Money, No Honey (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara