CHAPTER TEN

799 28 0
                                    

"Come in."

Inaasahan niyang si Kyra—ang bago niyang sekretarya—ang papasok sa pinto ng opisina. Napasimangot si Lynette nang masalubong ang tila pasukab na tingin ni Joanne sa kanya.

More or less, alam niyang mangungulit na naman ang kaibigan.

"Keep your cool, I'll be out in a minute," may pagkasarkastikong sabi ni Joanne. "Dinala ko lang 'yan."

"What's this?" Tinanggap ni Lynette ang tsekeng iniabot ng kaibigan.

"Padala ng MV Builders. Malaki naman daw ang account na ipinasok mo sa kanila kaya dinagdagan nila ang commission mo."

Namula ang mukha ni Lynette, nainsulto. Pare-pareho naman nilang alam na kahit wala siyang partisipasyon, makukuha ni Aidan ang account na iyon kay Mrs. Toscano.

Pinunit ni Lynette ang tseke sa gitna at ibinigay kay Joanne. "Pakibalik na lang sa kanila. Hindi ko kailangan 'yan."

Tumaas ang kilay ni Joanne. "Are you sure? This is a lot of money, Lynette. Puwede na itong pang-down payment sa isang moderate-size na lupa somewhere in the city."

"I don't care. I don't need it."

Nagbuntong-hininga ito bago pabagsak na naupo sa couch na nasa loob ng kanyang office.

"Face it, Lynette. It was Aidan that you need. Mahal mo siya. Mahal ka niya. Don't waste your time sulking. He'd been trying to kill himself for two weeks now. Stop him."

Determinado si Lynette na huwag pakinggan ang sinasabi ni Joanne ngunit tuluyan nang natunaw ang determinasyon niya sa huling sinabi ng kaibigan.

"K-kill himself?" ulit ni Lynette, hoping na sana ay nagkamali lang siya ng pandinig.

"I have his address." Tumayo na si Joanne. "Move now before it's too late."

MARAHANG kumatok si Lynette sa pinto ng condo unit ni Aidan. Malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nang walang sumagot, sinubukan niyang pihitin ang doorknob.

Bukas.

Pumasok si Lynette. Agad siyang sinalubong ng nakasusulasok na amoy ng alak.

Nawindang si Lynette sa kaguluhang nakikita sa paligid. Halos lahat ng gamit ay wala sa ayos, kung hindi man nakatumba. May basag na vase sa isang sulok, may mamasa-masa pang mantsa ng kape sa kulay-kremang carpet ng sahig.

And there, in the middle of the living room, lies Aidan. hubad-baro ito at mahinang naghihilik.

Marahan siyang lumapit sa lalaki. May awang humaplos sa kanyang puso nang makita ang laki ng ipinagbago ng pisikal nitong anyo. Malaki ang ipinayat ni Aidan, humpak ang pisngi, mamad ang mga labi at bahagya nang nakalubog ang mga mata.

Mahaba na rin ang balbas at bigoteng palatandaan ng ilang araw ding hindi pag-aahit. Sa isang kamay nitong bahagya nang nakabukas, nakapatong pa ang isang bote ng alak na wala nang laman.

Lumuhod si Lynette sa tagiliran ni Aidan. At bago pa niya napigilan ang sarili, tila may sariling isip ang isang kamay niyang kumilos at humaplos sa pisngi ng lalaki.

"A-Aidan..." Napuno ng emosyon ang kanyang lalamunan.

Umungol ang lalaki at pumihit patagilid. Ngunit dahil nakaharang siya, bumangga ang katawan nito sa kanyang kandungan.

Saka nito idinilat ang mga mata.

"What are you doing here?" mabalasik na tanong ni Aidan pagkakita sa kanya.

No Money, No Honey (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon