JHOPEEEEEEEEEE (18)

94 4 0
                                    

Aray ang sakit ng katawan ko,

Pagdilat ng mata ko nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw dito sa kwarto,

Teka nasan ako?

"Huy gaga buti gising ka na!", hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko dahil sa sakit, pero nagawa kong lingunin si Ran na nagtatatalak sa tabi ko,

"Hep! Ang ingay mo, ang sakit ng ulo ko pwede pakihinaan naman yung boses mo? Nasan ako? Nasan yung anak ko?" Tanong ko sakanya,

"Obvious ba nasa hospital ka ho, si Janeah na kay Cynth ba yun, yung kasama mo sa concert kagabe", sagot niya,

"Bakit nasa hospital ako? Saka bakit may bandage ako sa ulo? Tapos sa braso? Sa binti? sa hita? Bakit puro ako pasa-", tinakpan niya yung bibig ko para matigil ako sa pagtatanong,

"Maghunus dili ka nga, kundi ba naman sa katangahan mo", sabi niya saka ako iniupo,

"So ano ba nangyari? Ang alam ko lang tumatakbo ko sa ilalim ng malakas na ulan", sabi ko,

"Oo kala mo mala kdrama yung takbo ng buhay mo noh? Hay na ko Angel nanggigigil ako sayo!", inis na sabi niya,

"Bakit ba kase? Ano nga nangyari? Bakit paggising ko andito na ko sa ospital?", makulit na tanong ko,

"Bumangga kalang naman-", nagulat ako sa isasagot niya kaya naputol ko yung pagsasalita niya,

"Bumangga? Ano ba Ran, sinabing tumatakbo lang ako eh, anong bumangga yung sinasabi mo eh hindi naman ako nakasasakyan" sabi ko na kinanuot ng noo niya,

"Gusto kitang batukan sa totoo lang, sasakyan lang ba bumabangga ha? Di ba pwedeng sasakyan ang binabangga? Katangahan mo pati yung truck na nakaparada sa gilid ng daan binangga mo" sagot niya,

"Ano? Kamusta yung truck?", tanong ko kaya napaakma siya sakin, pero binawi din naman niya,

"Ayon critical! Jusmiyo malamang truck pa din, asa namang kaya mong palagan yung truck oh tignan mo tuloy nangyari sayo, sakit sa katawan no?", pang iinis niya,

Teka, buti may nakakita sakin? Sino nagdala sakin dito? Psh kasalanan to nung dalawang lalaking yun eh,

"Sino nagdala sakin dito?", tanong ko,

"Hulaan mo dali", kinikilig na sabi niya kaya inirapan ko siya,

"Ano ba Ran? Sino?" Tanong ko ulit,

"Ako", at nagulat ako pagpasok niya ng pintuan,

Tinanggal niya yung mask niya pagkapasok, pero yung cap niya nakasuot pa din,

Panong ikaw? Eh iniwan ko kayo sa loob at sigurado akong wala namang nakasunod sakin,

"Iniwan ko kayo sa loob diba?", tanong ko,

"Oo pero sumunod din ako agad after dahil hindi ako mapanatag, kamusta pakiramdam mo?", sabi niya saka umupo sa gilid ng kama ko,

"Oops maiwan ko muna kayo, kunin ko muna si Janeah", sabi ni Ran saka kikindat kindat pa bago lumabas ng kwarto,

"Masakit lang yung katawan ko pero okay na ko, salamat sa pagdadala sakin dito", sabi ko sakanya,

"Wag mo ng uulitin yun ah, pinag alala mo ko", sabi niya saka hinawakan yung kamay ko,

"Hindi mo naman kailangan mag alala", sabi ko saka ako tumingin sa ibang direksyon para di ko siya makatinginan,

"No! I care about you so mag aalala at mag aalala ako sa anumang mangyayari sayo, Angel alam kong hindi ito ang tamang oras para dito but please hear my side", sabi niya saka yumuko at animo'y nagpunas ng luha,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now