JHOPEEEEEEEEEE (44)

56 3 14
                                    

"Dapat mas lawakan mo yung pag iisip mo dahil hindi ordinaryong tao yung lalaking ginusto nating mahalin", sabi ni Tine habang hinihimas himas yung likod ko bilang pag-alo,

Nasa katabing cottage lang pala namin siya kaya narinig niya yung sigawan namin ni Hoseok at dahil din dun ay alam niya na kung anong meron samin,

"Hangga't maari nga iniintindi ko eh, pero syempre di mo talaga maiiwasang masaktan", sagot ko sakanya,

"Sa paglipas ng panahon at pag tagal nila bilang isang idol, madami pang pwedeng mangyari at marami pa silang haharapin para sa career nila, kaya tatagan mo lang yung loob mo, wag kang magpapaapekto sa nakikita mo dahil parte yun ng trabaho nila at lalong wag mo siyang bitawan ng dahil lang dun.", sabi pa niya,

Sabagay tama siya, pero gaya nga ng sinabi ko ang hirap pasukin ng mundo nila,

Maya maya lang ay tumigil na din sa pagtulo ang luha ko,

Oo nga pala anong ginagawa ni Tine dito sa Palawan?

"Tine, bakit nandito ka pala sa Palawan? Saka sinong kasama mo?", tanong ko sakanya saka umayos ng upo,

"Ahm binisita ko lang tong resort, family namin ang may ari nito", sagot niya,

"Ow really? Anyways kamusta naman kayo ni Bob?", tanong ko,

"Ayos naman kami, mas nagiging matatag sa paglipas ng mga araw, namimiss ko na nga siya eh", malungkot na sabi niya,

Oo nga pala nasabi niya nun na isang buwan si Bob sa US,

"Wala naman kayong nagiging problema? Hindi ka na ba ginugulo ng mga fans niya?", tanong ko sakanya,

"Wala naman bukod sa pagiging busy niya pero naiintindihan ko naman, ahm hindi pa rin sila tumitigil pero gaya ng sabi mo nilalabanan ko na sila para hindi na nila ako ganunin", nakangiting sagot niya,

Mabuti naman kung ganon, ako kaya? kaya ko kayang lumaban pag nasa ganyang sitwasyon na ko na pinag iinitan ng mga fans ni Hoseok,

"Lumalalim na ang gabi Angel, hindi ka pa ba babalik sa hotel niyo? Baka hinahanap ka na nila", tanong niya,

Naisip ko naman agad si Janeah, pero naisip ko din si Hoseok, ayoko munang harapin siya,

"P-Pwede bang dun muna ako sa room mo magpalipas ng gabi?" Tanong ko sakanya,

"Pwede naman kaso baka nag-aalala na sila sayo", sabi niya,

Tatawagan ko nalang si Ran-

Oo nga pala walang bulsa yung dress ko kaya naiwan ko yung phone ko sa hotel,

"Ahm Tine may dala ka bang phone?", tanong ko sakanya,

"Nasa room ko, tara", sabi niya saka inalalayan akong tumayo, inayos ko yung pagkakasuot sakin ng jacket ni Hoseok dahil tumitindi na yung lamig dito sa labas,

Pagpunta namin sa room niya ay iniabot niya sakin yung phone niya,

Agad kong idinial yung number ko, sana si Ran o si Tita ang makasagot,

Ilang ring lang ay may sumagot na agad,

"H-Hello sino to?", ramdam ko ang paghangos sa boses ni Ran nang sagutin niya yung tawag,

"Si Angel to bes-" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita siya,

"Oh my God! Buti naman naisipan mong tumawag nag aalala kami sainyo, nasaan ba kayo?", nag aalalang tanong niya,

Kami? Hindi bumalik si Hoseok dun?

"Ahm hindi ko kasama si Hoseok, nagtalo kami sa cottage kaya iniwan ko siya dun, ang akala ko bumalik na jan?", nagtatakang sabi ko,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon