JHOPEEEEEEEEEE (54)

55 1 13
                                    

ANGEL'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto at nag titiklop ng mga damit ni Janeah, sila Ran ay nagpaalam na bibisitahin lang daw yung relatives ni Paul sa katabing lugar,

*boooogsh*

Nagulat ako nang makarinig ako ng malakas na tunog na nanggaling sa may sala kaya lumabas agad ako para tingnan yun,

"Huy sis ginagawa mo jan?!", gulat na tanong ko nung makita ko siyang nakasalampak sa lapag,

"We both know that I am strong independent woman but can you help me up?", tanong niya habang nakahawak sa may balakang niya na halatang nasaktan sa pagkakabagsak niya,

Lalapit na sana ako sakanya ng biglang sumulpot si Vern at siya ang umalalay kay Cynth patayo,

"Ayos ka lang by?" Tanong ni Vern sakanya,

"Mukha bang ayos lang eh naalog nga buong pagkatao ko! Tss sis sabihin mo nga kay tita wag araw arawin ang paglilinis at sobrang dulas na ng flooring niyo", sabi nito saka naupo ng sofa habang hawak pa din yung balakang niya,

"Nasisi pa ko eh noh", napatingin kami kay tita na may hawak nanamang map,

"By bakit ka ba kase biglang tumakbo? Napagod ako kakahabol sayo", sabi ni Vern, kaya biglang nag iba yung timpla ni Cynth,

"Kase ahm ano-", di ko siya pinatapos magsalita nung napansin kong silang dalawa lang ang bumalik dito sa bahay,

"YAH NASAAN YUNG ANAK KO? BAKIT DI NIYO KASAMA?!", Tanong ko sakanila kaya gulat silang nagtinginan na dalawa,

"VERN, INIWAN MO SI JANEAH DUN?", Tanong ni Cynth,

"Hala nakalimutan ko! Nagulat kase ako nung tumakbo ka di ko namalayang humahumabol na pala ako at naiwan ko si Janeah-", nanlako yung mata ko sa sinabi niya,

"Oh God! SAAN NIYO INIWAN?!", Natataranta kong tanong,

It's 6pm na at maya maya lang magdidilim na, jusko naman!

Nasaan yung anak ko?

"Dun kami nahinto malapit sa may Haven-", sagot ni Vern kaya tatakbo na dapat ako dun nung pigilan ako sa braso ni Cynth,

"WAG KANG PUPUNTA DUN SIS! A-Ahm I-I mean wag na ikaw ang pumunta dun, hayaan mo na si Vern", nauutal na sabi niya at sinignalan si Vern kaya nagmadali na itong umalis,

"Juskooooooo! Nakakaloka kayo! Baka ano ng nangyari sa anak ko", sabi ko at napaupo nalang habang hinihilot hilot yung sintido ko,

"S-Sorry Angel kase ano-", di niya nanaman natapos yung sasabihin niya nang dumating si Mark,

"Mal bakit?", agad itong lumapit sa akin nung napansing bothered ako,

"Si Janeah-", di ko pa natatapos yung sasabihin ko nagpanic na agad siya,

"Ha? Anong nangyari? Nasan siya? Nasa kwarto ba? Ano? May masakit ba sakanya? Anong nangyari?", sunod sunod na tanong niya,

"Hoy OA mo sa part na yan Papa Mark ah, naiwan lang namin sa may dalampasigan-" siya naman ang hindi pinatapos magsalita ni Mark,

"ANO?! BAKIT NIYO INIWAN?!", Gulat na tanong nito,

"Kumalma ka bes daig mo pa tatay- I mean yung nanay, tama daig mo pa si Angel magpanic jan", sabi ni Cynth,

"Binalikan na siya ni Vern", sabi ko kaya medyo kumalma na siya, at alam kong muntik na siyang maoffend ni Cynth kaya natahimik siya,

20 mins na ay hindi pa rin nakakabalik sila Vern,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora