Chapter 3

1.6K 40 5
                                    


X High
Chapter 3
Zylith's Pov

   "Wha-what do you mean?!"

Pumatay...bakit?! Ano bang meron sa eskwelahan na tu...

"So you mean...wala kang alam!" Nakataas kilay na sabi ni Saquin.

"Shut your mouth Saquin." Galit na wika ni Exel.

Pero gusto ko nang malaman. Bakit niya natanong na marunong ba ako pumatay...may patayan bang magaganap sa eskwelahang tu?!

"I want to know...what is this place?!" Saquin chuckled then she seriously look at me.

"I'm Saquin codename Virgo!" Sabi ni Saquin. Bakit may codename?!

"I'm Kezno codename Capricorn." Nakangiting wika sa akin nung lalaki na nakaeye-glass.

"Draxez, Taurus!" Sabi nung lalaki na nakapamulsa.

Seryoso?! Bakit may codename pa silang nalalaman?

"Exel...codename Scorpio!"

Napalingon ako bigla kay Exel. Pati na din siya...anong meron sa mga codenames!!!

"And we are Red Ranked Killers!" Sabi ni Saquin na ikinagulat ko.

Ki-killers...

"Wha-what?!"

"Sorry kung nabigla ka namin Zylith. Lahat ng estudyante na nandito ay mamamatay tao...and we are one them!"

Lumaki mata ko sa sinabi ni Kezno. Lahat ng estudyante dito ay...KILLERS! MURDERERS!!!

"Binibiro niyo lang ako..."

"No! Seryoso kami. Bakit ka napunta dito na walang kaalam-alam? We are all killers including you. You have to kill...to survive! Or else...someone will stab you at your back!" Sabi ni Draxez.

This can't be...
Bakit ako napunta sa eskwelahan na tu?! Bakit?!
Sino ba ang nagpa-enroll sa akin dito!!!

"Wag niyo naman takutin si Zylith ng ganyan. I'm sorry Zylith!" Sabi ni Exel sa akin.

"Tsss...you shouldn't trust us Zylith. And you should not trust people in here easily!" Sabi ni Saquin.

This can't be! Hindi tu totoo!!!

"I should escape! I want to get out in this place!!!"

"There's no escape. We're all trapped in this school. If tatakas...you'll be punished! Or pwede ka ding patayin." Sabi ni Kezno.

Tuluyan akong naiyak. I-I don't know what to do...

Akala ko ordinaryo lang ang lahat. Akala ko lang pala...ANO NA ANG GAGAWIN KO?!

"It's okay Zylith...ganyan din ang naramdaman ko nang mapunta dito. But ngayon nasanay na ako. Masasanay ka rin Zylith..." Wika ni Exel sa akin.

"Exel! Bakit ka pa nagpapakabait sa kanya? Alam kong may balak ka kay Zylith..." Galit na sabi Draxez.

"What?! Anong pinagsasabi mo diyan Taurus!!!" Galit na sabi ni Exel kay Draxez.

"Tsss...deny pa!" Sabi ni Draxez.

"Guys! Stop it! Zylith...ito lang ang masasabi namin sa iyo...you are now a student here in X High. Killing is the key to survive and to graduate. Teachers don't mind if you'll die! No one cares if you'll die, unless kung may totoong kaibigan ka. This is X High...A school for murderers!" Sabi ni Kezno.

Hindi ako nananaginip. Totoo tu...at yun ang ayaw ko. Damn! Sana panaginip nalang tung lahat.

Walang makakapagtiwalaan sa lugar na tu...

Papatayin ka lang...

"But...Can I trust you guys..." Nakayukong wika ko. I don't know but I want to be with them...

"No! You can't trust us..." Sabi ni Draxez.

"Kami ang Red Ranked Killers. We can kill you now Zylith..." Sabi ni Saquin.

This is ridiculous!!! Wala akong kaibigan ni isa noon dahil ayaw ni papa. Ayaw ni papa ko na makipagbarkada ako dahil mawawala lang ang focus ko sa pag-aaral.

Pero hangang ngayon...mukhang hindi parin ako magkakaroon ng kaibigan.

Tumayo nalang ako at yumuko sa kanila. Pinunasan ko ang aking mga luha saka ngumiti sa kanila. A real smile!!!

"Okay lang! Thanks sa mga bagay na hindi ko alam. Now I know what X high is! Thanks for informing me!" Nakangiting wika ko.

Sa mga oras na nasasaktan ako...pipilitin ko ang sarili ko na ngumiti. I will make myself busy! In that way, makakalimutan ko ang mga problema.

"Aalis nalang ako!" Sabi ko.

Naglakad ako palayo nang biglang may humawak sa aking braso...

"But...You can trust me Zylith!" Sabi ni Exel sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

I just smiled at him...

"Thanks Exel! But...I can do this on my own." Sabi ko at tuluyan na silang tinalikuran.

Bumuntong hininga ako. Mag-isa akong naglalakad pababa sa rooftop habang umiiyak.

"Bwesit na luha!" Sabi ko habang pinupunusan ang mga luha.

I just can't believe this! Delikado ang lahat ng tao na nandito.

"You should not trust people in here easily..."

"No one care if you'll die..."

"Killing is the key to survive and to graduate..."

"All of us is killers..."

Napahinto ako sa mga nasa isip ko ngayon. Naalala ko ang mga sinabi nila sa akin...

Ito ba ang sinasabi ni Lailenee...ito ba ang katotohanan na sinasabi niya.

Ano pa ba ang sikreto ng paaralang tu?! Dapat ba talagang pumatay...pero hindi ko kaya. Sa katunayan napapanic ako pag nakakita ng dugo.

Bakit ganito ang paaralang tu?! Walang awa ang gumawa ng paaralang tu!!! Bakit! Ano dahilan at ginawa niya ang ganitong eskwelahan...

Bakit ba ako napunta sa eskwelahan na tu!!!

Sa aking pag-iisip ay di ko namalayan na may paparating palang tao sa akin at mabilis niya akong binangga. Ang sakit ah!!!

"Hey!" Sigaw ko sa lalaki at napalingon naman siya sa akin.

Woooaaah! Maputi! Ang ganda ng mata! Ang gwapo! Dapat tanggalin niya yang mask niya! Ang gwapo niya talaga!

He stared at me saka naglakad na ulit palayo. What the heck! Gwapo pero gago!!!

"Hey! Hindi ka man lang ba magsosorry!!!" Sigaw ko sa kanya.

Lumingon siya ulit sa akin.

"No..." Cold na sabi niya. Gago!!!

"Ano?! Hindi ka magsosorry! Seryoso ka ba?!" Sabi ko.

"Isn't it obvious?" Oh god! He's too rude! YOU'RE ROAD YOU KNOW!!!

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng respeto!" Galit na sabi ko sa kanya..

"I don't have parents since birth..." Gago! Sino gumawa sa kanya? Unggoy? Diyos ko ang gwapo tas unggoy ang magulang.

"How dare---" Hindi ako nakapagtapos nang tinalikuran niya ako at nagsimula nang naglakad palayo.

"Hoy! Gago!!! Walang hiya! Sino ka sa tingin mo ah!!!" Sigaw ko pero dedma lang ako at nawala na nga siya sa paningin.

Sino ba yung lalaking na yun!!!!

To be Continued...

X HIGH: School For Aspiring KillersWhere stories live. Discover now