Chapter 12

1.1K 33 4
                                    


X High
Chapter 12
Zylith's Pov

  "Wait...Parang may taong nagmamasid sa atin." Nagulat kaming tatlo ni Saquin at Venuz. Anong dapat naming gawin?

"Tignan mo diyan..." Sabi ni Rodel at tinuro ang aming pinagtataguan. Bwesit!

"Ano na ang gagawin natin..." Pabulong kong sabi.

Naglakad naman ang apat na lalaki papunta sa aming direksyon. Halos lalabas na ang kaluluwa ko sa kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko sumigaw pero hindi pwede.

Kalma lang Zylith! Kalma lang!!!

Nagulat ako nang kulang nalang ng isang step at malalaman na nila kung nasaan kami. I was about to shout but Saquin covered my mouth.

Bigla kong naisip na nandito pala sila...

"Be calm..." Saquin whispered at me. Walang bakas ng kaba at takot ang mga mukha nilang Venuz. Be calm...PAANO AKO MAGIGING KALMA?!

Kunti nalang talaga nang biglang may nagbaril sa kanila at sabay na natumba ang apat na lalaki. Lahat sila ay nagulat pati ako. Saka ko nakita si Clexon na nasa kabilang building. He's smirking saka isa-isang binaril ang mga kasabwat ni Rodel.

Nakakagulat dahil ang layo ng agwat ni Clexon pero nagawa niyang barilin ang mga lalaking tu.

"Barilin niyo yan!!! Kill him!!!" Sigaw ni Rodel at pinagbabaril na nila si Clexon ngunit ang layo talaga ng agwat ni Clexon at hindi nila magawang barilin ito.

"Sir! Masyadong malayo!!!" Sabi nung isang lalaki.

"Atras na muna tayo!!!" Sigaw ni Rodel at mabilis silang nagsitakbuhan.

Susundan sana ni Venuz ngunit pinigilan siya ni Saquin.

"Bakit?" Venuz asked.

"Hayaan nalang natin yan. Masusundan naman natin siya dahil sa tracker and recorder." Sabi ni Saquin at napatango nalang si Venuz.

"Umalis na muna tayo dito." Utos ni Saquin at naglakad kami palabas sa rooftop.

Buti nalang talaga at dumating si Clexon kanina. Ang galing niya talaga kanina. Totoo talaga na isa siyang sharpshooter.

Lumabas na kami sa bar at pumasok sa loob ng van. Nakita ko si Clexon kaya mabilis akong umupo sa pwesto ko.

Paano ba ako magpapasalamat sa kanya...

"U-umm...thank you sa pagligtas sa amin Clexon!" Nahihiyang wika ko then he smiled at me.

"Wala lang yun. Kinabahan talaga ako nung palapit sa inyo yung apat na lalaki. Buti nalang at nabaril ko." Sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Thank you talaga Clexon. I owe you!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin kaya ako nagtaka. Bakit ba siya umiiwas ng tingin sa tuwing ngumingiti ako sa kanya?!

"Balik na muna tayong lahat sa hotel!!!" Sabi ni Saquin at nagsimula nang paandarin ni Waze ang sasakyan.

Ilang oras din ang biyahe namin dahil sa traffic at nang dumating na kami sa hotel, mabilis akong pumasok sa kwarto namin ni Saquin at nahiga sa kama. Grabe!!! Kinabahan talaga ako kanina.

Pumasok na rin si Saquin at katulad ko ay nahiga agad siya sa kama.

"Saquin...pwede ba akong lumabas?" I asked.

"Yes of course...basta wag kang tumakas." She said seriously.

Oo nga nu! What if tatakas ako sa kanila? Ano ang mangyayari pag tatakas ako?

"What will happen if tatakas ako sa inyo?" I asked.

"Hahanapin ka ng mga estudyante. Gagawin kang isang misyon." Seryosong sabi ni Saquin.

Napalunok laway nalang ako sa kanyang sinabi. Wala parin akong takas kahit ano mang gawin ko.

"Magpapahangin muna ako." Wika ko kay Saquin.

"May aircon naman dito ah!" Sabi ni Saquin. Hehe! Oo nga nu!

"Iba kasi pag fresh na hangin. Don't worry, hindi ako tatakas. Ayoko pa mamatay! Haha!" Sabi ko at tumango naman si Saquin sa akin.

Agad akong lumabas at pumunta sa garden ng hotel. Ang ganda at punong-puno talaga ang paligid ng halaman.

Napangiti ako nang makita si Exel. Nang makita niya ako, he smiled sweetly.

"Ang ganda dito!" Sabi ko kay Exel.

"Yeah..." Sabi ni Exel at napangiti nalang kaming dalawa.

Tahimik lang kaming dalawa. Ang awkward ng feeling. Topic naman diyan Exel please...

"May tiwala ka ba sa amin..." Halos pabulong na sabi ni Exel. Nagulat ako sa kanyang sinabi saka naman ako napangiti.

May tiwala ba ako sa kanila...

"Syempre may tiwala ako sa inyo. At sana...hindi niyo sisirain ang tiwala ko." Nakangiti kong sabi kay Exel.

Lumawak naman ang ngiti niya sa akin.

"He-hey guys! Kain na daw muna tayo!" Napalingon ako kami ni Exel sa sumigaw at si Clexon lang pala.

"Okay! Tara Zy!" Wika ni Exel then he suddenly hold my hand.

He smiled at me kaya ngumiti rin ako sa kanya. Sabay kaming naglakad ni Clexon at Exel.

Hindi ko alam kung anong problema ni Clexon pero...parang hindi siya makatingin sa akin. Binibilisan niya rin ang paglalakad. Iniiwasan niya ba ako...

Nang dumating na kami ay agad akong kumuha ng pagkain at nakita ko si Clexon na mag-isang nakaupo. I should talk to him...baka may problema siya.

Agad akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"Walang uupo dito?" I asked. Napaangat ang tingin niya sa akin then he stared at me...saka umiwas ng tingin.

"Ye-yeah..." Napangiti naman ako saka mabilis na linantakan ang mga pagkain na dala ko.

Clexon is not eating...he's just sitting at parang ang lalim ng iniisip.

"Okay ka lang Clex?" Nag-aalalang wika ko. Lumingon siya sa akin then he gave me a sweet smile...

"Clex na pala tawag mo sa akin!" Nakangiting sabi niya kaya napangiti nalang din ako.

"Haha! Gusto ko Clex eh! Pero ok lang ba? Kanina ka pa nakatulala, hindi ka pa kumakain." Napangiti nalang siya saka inayos ang sout niyang eyeglass.

"Concern ka sakin?" Sabi niya ay nakangiting nakakaloko.

Halos mabilaukan ako sa kanyang sinabi. Teka...concern ba ako sa kanya. Nag-aalala lang naman ako sa kanya bilang kaibigan.

"Of course! Nag-aalala ako sayo kasi kaibigan kita."

Ewan ko pero parang nawala ang ngiti ni Clexon. Then he smiled at me again...

"Yeah...thanks for your concern my friend..." Sabi ni Clexon at umiwas ng tingin sa akin.

"Kain ka na Clex bago ako ang kakain niyan!!!" Sabi ko at suddenly...I saw his tears. Wha-what's wrong...

To be Continued...

Aaawww...friendzoned si kuya! Please leave a vote and comment guysue!

X HIGH: School For Aspiring KillersWhere stories live. Discover now