A/N : WARNING : Medyo maraming aminan na magaganap dito. Medyo lang naman. Hihihi. Enjoy Reading. Muwah.
----------
Cindey's P.O.V
"Bakit parang happy ka ngayon, pare?" Tanong ni Faye habang tinatali niya ang kaniyang buhok.
"Wala lang." Sabi ko at nagunat ng kamay.
Ang tagal talaga mag ayos nitong bestfriend ko. Kung ano-ano pa kasi ang nilagay niya sa muka niya tapos hindi siya makapili ng bagay na hairstyle para sa suot niya.
Samantalang ako, eto, ligo, bihis ng simpleng t-shirt at maong short with white shoes tapos suklay then, tapos na.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.
Sila Keyrah, Amber, at Scarlett, kanina pa naka alis.
Eh kami? Eto, nasa room padin.
"Bilisan mo naman!" Reklamo ko.
"Aba, teka lang!"
Hindi ko nalang siya pinansin at nagbukas nalang ako ng phone ko.
Hindi nga pala ako mahilig sa mga social networks unlike my bestfriend.
So hanggang text lang ako kapag nakikipag communicate with others through phone.
Biglang tumunog ang phone ko ng dalawang beses.
May dalawang new message.
Yung isa, kay Locker Chatmate. At yung isa naman, kay Luke.
Binuksan ko ang message nila.
From Locker Chatmate : Hi. I know your name already. Sinabi sa'kin nung kaibigan ko na nagbigay ng locker number mo. :-)
From Luke : Oyy tomboy! Hahaha!
Hindi ko pinansin yung text ni Luke at nireplayan ko nalang si Locker Chatmate.
To Locker Chatmate : Oh sige nga, anong pangalan ko?
Reply ko.
From Locker Chatmate : I won't tell you.
Napailing nalang ako dahil sa reply niya. Baka pinagtitripan niya lang ako.
Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko.
"Pare, tara na. Tapos na ako mag-ayos."
"Hay salamat at natapos din." Sagot ko sabay irap.
*****
"Maganda pala ang mga pasyalan dito sa Brangay Sinapian. Akala ko puro katatakutan lang eh."
Napatango ako sa sinabi ni Faye.
Nandito kasi kami sa Zoo ng Barangay Sinapian.
"Faye?! Cindey?!" Napalingon kami ni Faye sa tumawag sa amin.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong si Luke ito. Kasama niya si Josh.
"Uy. Nandito din pala kayo. Mag sama-sama nalang tayo sa paglilibot." Sabi ni Faye na sinang-ayunan ni Luke.
Napansin kong parang ang wierd ni Luke kaya tinignan ko siya at nginitian. Pero umiwas lang siya ng tingin.
Alam kong may mali, kaya dapat ko siyang kausapin.
"Guys, dun tayo sa may mga monkeys." Yaya ni Faye.
Saglit na pumasok sa isip ko si Unggoy. Pero hindi dapat iyon ang iniisip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...