Chapter 34

27 3 6
                                    

Cindey's P.O.V

Humikab ako saka tamad na sinubo ang sandwich na ginawa ni Kuya Cloud.

Inaantok parin ako. Late na kasi ako natulog kagabi. Nagbasa kasi ako ng wattpad tapos hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala.

"Huy."

Halos malunok ko ng buo yung sandwich sa bibig ko dahil sa pagsigaw ni Kuya Clyde sa tapat ng tainga ko.

Kinunotan ko ito ng noo. "Problema mo?"

"Sabay-sabay na tayong tatlo pumasok." Sagot nito.

Uminom muna ako ng gatas bago nagsalita. "Bakit? Anong meron?"

"Foundation day ng school natin ngayon ah?"

Tumango-tango ako saka tumulala.

May bumusina sa labas kaya umalis muna si Kuya Cloud para tignan kung sino ito.

Napangalumbaba muna ako.

Hindi ko namalayan ang araw na lumipas ah? Foundation day na pala namin ngayon.

Binatukan ko si Kuya Clyde ng may maalala. "Sabay-sabay tayong tatlo papasok? May topak ka ata, Kuya." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Inirapan ko ito. "Bike at motor lang meron tayo. Wala tayong kotse. Ano, ikaw magdadrive tapos naka angkas si Kuya Cloud sa likod mo tapos ako naman sa unahan?"

Hindi niya lang ako pinansin saka nagpatuloy sa pagkain. Aba snob din 'to eh.

"Cindey! Cindey!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsigaw ni Kuya Cloud.

"Bakit?!" Natatarantang tanong ko.

"Bilisan mo kumain! May naghihintay sa'yo sa labas."

Kahit nagtataka ay binilisan ko pa rin ang pagkain. Tutal sandwich at gatas lang naman ang breakfast ko eh. Isang lunukan ko lang 'to.

Pagkatapos ng madaliang pagkain, nagsipilyo agad ako at dinala ang bag palabas.

"Josh?" Bungad ko sa taong naghihintay raw sa akin.

Nginitian niya ako saka inabot sa akin ang kulay pink na helmet. Kinuha ko ito saka sinilip ang motor sa likod niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Shyempre sinusundo ka. Ano pa nga ba?"

Hayp 'to. Nagtatanong ng maayos yung tao tapos pipilosopohin niya lang. Tao nga ba?

Tumango-tango ako. "Sige, tara lets. Baka malate pa tayo."

Ngumiti siya saka sumakay ng motor. Umangkas ako at humawak sa likod ng motor para hindi mahulog.

Pinaandar niya na yung motor.

Hinayupak 'to. Gusto ata akong patayin sa heart attack eh! Ang bilis ba naman magpatakbo!

Sinundot ko yung tagiliran niya. Note, magkabilang tagiliran pa yun ah.

"Fuck! What the hell?!" Sigaw niya.

Walanjo! Minura ako?!

Tumahimik nalang ako saka humawak ng mahigpit sa likod ng motor.

Tumingin ako sa orasan ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang 7:28 am na.

"Hala, two minutes nalang! Malelate na tayo sa assmebly!" Sabi ko kay Josh kahit hirap akong magsalita dahil sa bilis na pagpapatakbo niya.

"Sige, bibilisan ko na. Humawak ka ng mahigpit sa'kin. Mahirap na, baka mafall ka."

Accident Love NotesWhere stories live. Discover now